Fort's POV
Nagsimula ang klase ni Ma’am Espiritu. Reading and Writing ang klase n’ya saamin. Actually, magaling si ma’am magturo. Halatang gamay na gamay n’ya ang English language. At oo nga pala, pinagpaliban na muna n’ya ang recitation dahil sabi n’ya nahuhuli na raw kami sa lesson.
Ngayong semester lang namin naging teacher si Ma’am Espiritu. Napapansin ko na naman s’ya dati pa sa loob ng campus pero mukha kasing masungit si ma’am kaya minsan nakakahiya s’yang batiin. Isa si ma’am sa mga pinaka matagal ng teacher dito sa school at medyo matanda na rin si ma’am kung titingnan.
“Fort, tingin mo may asawa si ma’am?” nagulat ako sa biglaang pagtatanong si Doms.
“Siguro. Mrs. Espiritu s’ya diba? Edi malamang kasal s’ya.” sagot ko sa kanya.
“Kung kasal si ma’am, bakit wala s’yang suot na wedding ring?” nagtaka rin ako. Si mama, suot-suot pa rin ang wedding ring nila ni papa kahit matagal na s’yang patay.
“You know what class, it is really important that we know how to read between the lines. Kasi sa ilalim ng mga salitang ‘yan, maaaring may ibang gustong ipahiwatig ang manunulat.” Humahanga ako sa galing ni ma’am Espiritu sa pagtuturo. Kahit na expert na s’ya sa English, talagang tinatry n’yang ipaliwanag pa rin ang mga lesson sa Tagalog dahil alam n’yang may iba kaming kaklase na nahihirapan mag cope up sa mga lessons. “So maybe, that’s all for today. Class dismiss.” Sabi ni ma’am at nagligpit na s’ya ng mga gamit n’ya.
--
“Sobrang lutang ako sa mga gawain ngayon.” Sabi ko kay Doms habang tinutulaak n’ya ang wheelchair ko.
“Alam mo, feel ko dahil yun sa maaga mong pagpasok. Isipin mo, kung ‘di ka sana maagang pumasok, ‘di ka maagang gigising, kung di ka maagang gumising, ‘di ka papasok agad, kung ‘di ka pumasok ag—”
“Alam mo ang dami mong sinabi. Kanina ko pa kasi iniisip yung batang nakita ko sa gate 2 at si ma’am Espiritu na papunta rin sa gate 2 kanina.” Pagputol ko kay Doms
“Kanina mo pa kasi kinukwento yung batang nakita mo sa gate 2. Kanina pa nga tayo umiikot dito sa loob ng school pero ‘di natin s’ya nakita e. Kahit ata anino nun ‘di man lang natin nakita.” Sabi ni Doms at napatigil s’ya sa pagtulak sa wheelchair ko. “Saglit nga. Kanina pa ko ihing-ihi e. Iwan muna kita dito ha.” Sabi ni Doms at itinabi na n’ya ang wheelchair ko para hindi ako maging harang sa daan sabay takbo n’ya sa cr.
“Ate.”
“Ay jusko po.” Nagulat ako nang may biglang sumulpot na bata sa tabi ko. “’O saan ka galing? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap.” Ito lang pala yung bata dun sa gate 2 kanina.
“Kanina ko pa rin po kayo hinahanap e. ‘Di ko naman po alam kung saan ang classroom n’yo. Ang laki po kasi nitong school n’yo.” Sabi n’ya.
“Saglit nga, ano bang pangalan mo?” tanong ko sa kanya dahilan para mapaiwas s’ya saakin ng tingin. “Hmmmm sige, sino nalang yung mama mo?” napaharap s’ya saakin at parang nagniningning ang kanyang mga mata dahil sa tanong ko.
“Ibubulong ko sa’yo, ate.” Sabi n’ya sa’kin habang nakangiti at lumapit na s’ya sa tenga ko. “Si ma’am Espiritu.”
“Fort!” bigla akong napalingon kay Doms na kakalabas lang sa cr.
“Kanina ka pa d’yan?” tanong ko
BINABASA MO ANG
Will of Fortune
RomanceAng buhay ay isang malaking wheel of fortune. Minsan may premyo, minsan wala. Minsan swerte, minsan naman hindi. May nananalo at may natatalo. Paswertihan? Pwede. Pero ano kayang magiging kapalaran ko kung makilala ko na ang WILL ng buhay ko? Magig...