"Bella! Ano? Wala talagang balak umalis?" medyo inis na sambit ni bj ng makapasok sa kwarto koSinimangutan ko siya pero kalaunan ay hinila niya rin ako patayo upang makapag handa na sa pag-alis.
"Ohh? Ba't ka nakasimangot?" Tanong sakin ni stephen at kumuha ng tinapay sa lamesa
Tinuro ko si Bj na chinicheck pa ang gamit namin ni cindy. Kaagad namang tumango si stephen ng makuha ang ibig kong sabihin.
"Bakit 'di mo nalang hayaan si bella kung ayaw-"
"Ehh kung manahimik ka kaya, 'no? Paano matututo makipag-interact si bella kung 'di siya sasama sa retreat nila? Nandun naman si cindy kaya paniguradong 'di siya hahayaang mag-isa doon." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay matalim niyang tinignan si stephen para hindi na ito makaapila
"Ohh, mag-iingat kayo hah? Alalayan ninyo ang isa't-isa.." pagpapaalala ni Lolo PD
"Yes, lolo! Bye!" Excited na sagot ni cindy samantalang ako'y napatango lang
Dumating na ang dalawang van na sasakyan namin patungong tagaytay. Ang isa ay para sa babae at lalaki naman sa isa pa.
Inunang pasakayin ang mga magugulong lalaki sa kabilang van. Magkahalong AM at PM session ang magkakasama sa Grade 6 retreat na ito kaya bukod sa mga iilang kaklase ay si cindy lang ang kakilala ko.
"Valentina." Tawag ng adviser namin sa natitirang estudyante. Matapos niya bilangin ang mga lalaki sa loob ng van ay tumungo naman siya samin
"Apostol," pagkabanggit ng apelyido ko ay umamba na akong papasok sa bakanteng van nang bigla naman akong hawakan ng adviser namin
Kumunot ang noo ko sa pagtataka pero ng magsalita siya ay agad akong umatras at bumalik sa dating pwesto.
"Doon ka na sa kabilang van. May isang bakante pa kase at sa pagka-calculate ko ay sobra naman ng isa dito sainyong mga babae." Pagpapaliwanag niya at tinignan ako para imuwestura ang kabilang van
Napalunok ako at hindi agad nakagalaw sa narinig. Kahit na marami akong pinsang lalaki ay hindi parin ako marunong makitungo sa ibang lalaki. Hindi ko hilig ang makipag-kaibigan dahil nandyan naman ang aking mga pinsan.
"Bellicia, ayaw mo ba? Swerte mo na nga ehh. Kung ako nalang kaya maam?" Maarteng sabi ni trixie
"Haha, flirt. Hindi naman gusto ni bella na magpapansin sa mga lalaki katulad mo 'no! Bella, go!" sambit naman ni cindy at mahina akong tinulak
Aayaw sana ako sa ideya ni maam at makikipag-palit nalang sana kay trixie pero dahil nasali na si cindy, siya ang sinunod ko.
Pagkabukas ng van ay agad bumungad ang maingay nilang asaran. Natigil lang sila ng sawayin ng adviser ko at mapansin ako.
"Dito si Bellicia sa van niyo, boys. Umayos kayo, may babae kayong kasama, okay?" Sambit ng adviser namin at rinig ko namang magalang at mahina silang sumang-ayon
Nag-angat ang tingin ko sa adviser ko ng kalabitin niya ako.
"Wag kang mag-aalala, nandyan naman ang adviser ng pm session na si Ma'am Grace kaya di ka nag-iisang babae. Doon ka sa tabi ni kheonn, sa pinaka likod." Huling sambit niya at umalis para asikasuhin naman ang van ng mga babae
Pagkapasok ko ay bumalik na ulit sila sa kanya-kanya nilang ingay at ang iba naman ay tinulungan ako na makarating sa pwesto ko sa pamamagitan ng pagbuhat ng iba kong bag.
Sa sobrang hiya ko at 'di alam ang gagawin ay nginitian ko nalang sila bilang pagpapasalamat.
Nasa gitnang parte ako nakapwesto. Medyo masikip dahil sa mga gamit na nagkukumpulan sa baba pero ayos lang. Nang magsimulang paandarin ang makina ay kaagad akong nag-sign of the cross. Narinig kong mahinang humalakhak ang katabi kong lalaki kaya nilingon ko siya.
