Kiej's POV.
Galing ako ng locker room para magbihis ng jersey, papaalis na ako para pumunta ng court ng biglang narinig ko ang tunog ng aking cellphone.
Mang Marcos:
Sir Kiej, nandito na po ang pinadala ni Mam. Zeb, papunta na po ako sa parking lot.
Napangiti naman ako. "AYOS! gutom na ako, Hahahaha! the best talaga si Mommy," sumisipol pa ako habang papunta ng parking lot, nakita ko ang kaibigan ni Lhex na nagmamadali sa kaniyang paglalakad.
Di ko na lamang binigyang pansin ang babaeng yun at nagpatuloy, nireplyan ko muna si Mang Marcos bago ako pupunta sa parking lot.
Mang Marcos:
Malapit na po.
Nilagay ko ang cellphone sa bulsa tsaka tumungo na nga sa parking lot, nahagip ng paningin ko si Lhex na napapahawak sa kaniyang noo na parang lasing. Tiningnan ko ang nasa harapan niya, may kung anong bagay roon na di ko maaninag. Tuluyan nga niya ngang naibagsak ang sarili.
"LHEX!!" napatakbo ako at lumapit sa kaniya, napasapo ko na naman ang noo ko dahil sa kadahilanang sa
Dugo. Na naman siya nahilo.
"trauma ba talaga siya sa dugo? Sa susunod nga maturuan nga makipagtitigan siya sa dugo, nakakainis!" nilingon ko naman kung may tao pero wala.
"Sir Kiej!!" napalingon ako dahil sa tawag ni Mang Marcos, nakita niya naman ang hawak kong si Lhex kaya napatakbo rin siyang papalapit sa gawi naming dalawa. "susmeryosip! Anong nangyari??" natataranta rin siya sa kaniyang nakita.
"Manong! Dalhin na natin siya sa clinic-Aishhh!! Sarado na nga pala, sa bahay na lang po!" nagmadali naman siyang kunin ang sasakyang gamit niya at pinarada 'yun sa harap namin. Binuhat ko naman si Lhex at tsaka pinasok sa kotse, nasa likuran kaming dalawa.
"sir? Anong nangyari sa kaniya?" tanong naman ni Manong sa akin.
"nahilo ata siya, may trauma siya sa dugo e. Hays! Ano ba naman kasi!" tiningnan ko pa naman si Lhex na parang gulay na lantang lanta. Mabilis naman ang pagpapatakbo ni Mang Marcos, pakarating namin ay agad kong binuhat si Lhex.
"Goooshhh! Anong nangyari kay Lhexiiiii! Ihanda lahat ng first aid and medical kit," gusto ko tuloy itanong si Mom kung anong pinagkaiba ng dalawa.
"Mom ang guest room," pagmamadali kong usal.
"lets go baby!" nasa unahan si Mom na nagmamadali rin papunta guest room at pinagbuksan ako na dala si Lhex. Nilapag ko siya sa kama at nagmadali rin ang mga katulong sa medical kit na dala nila. Kinuha yun ni Mom and sinimulang linisan zi Lhex. "wala naman siyang sugat, what happened?" pagtataka ni Mom.
"As usual Mom nahilo na naman po sa dugo," kaninang nag'aalala ay bumubungisngis.
"you know what baby? Ang cute mo. Kung makasigaw ka at magmadali daig mo pa ang super hero, batman? is that you." pangangasar ni Mom.
"haayyysh! naman kasi Mom." napakamot na lamang ako. "Mom, babalik na po ako sa school may practice po kasi kami sa basketball." napatayo siya sa kaniyang pagkakaupo sa kama tsaka tiningnan ang relo.
"Baby anong oras na kaya huwag ka ng bumalik sa school, makakaabot ka man pero konti na lang ang oras na natitira," napaisip rin ako at tama nga ang sinabi ni Mom.
Napatango na lamang ako bilang pagsaangyon kay Mommy, lumabas ako sa kwarto at tinawagan si Mich dahil batid kong naghihintay siya sa akin. Tumutunog lamang 'yun at hindi talaga sinasagot.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Jugendliteratur[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...