Prologue

21.1K 149 3
                                    


May mga tao talagang sadyang malibog. Hindi natin maitatanggi iyan. Lalo na kung ikaw ay pinanganak na lalaki. Isa lang daw ang dahilan: hindi tayo mabubuntis. Kaya ganoon na lamang ang ating drive na maging isang libog na naghahanap na mapaglalabasan ng init na nananalaytay sa ating katawan.

Pero alam mo ang mas nakakalibog? Ang pagiging taksil. Mas masarap sa ego ng lalaki kapag maraming nagkakandarapa sa kanya. Natutuwa tayo kapag maraming nagkakagusto sa atin pero mas natutuwa tayo kapag maraming gustong tumikim sa atin.

Baka naguguluhan kayo sa tema ng aking kwento. Kapag sinabi kong lalaki, ito ay panglahatan. Straight ka man o hindi. Pare-pareho tayong malilibog. Pero mas napapawi ang libog nating mga lalaki kung naibibigay nito ang gusto ng ating katawan, bagay na kayang gawin ng lalaki sa kanyang kapwa lalaki. Lalaki lang din naman ang mas nakaiintindi sa kanyang sarili diba?

Ito ang aking kwento. Ayokong masayang ang inyong oras sa isang bagay na hindi naman naibibigay ang inyong pangangailangan. Hindi ito tungkol sa pag-ibig. Ito ay kwento ng aking buhay na nababalot ng libog ng mga lalaking nabaliw sa aking kamunduhan.

Ako si Janjan, at ito ang aking kwento.

Bata pa lamang ako'y alam ko nang bakla ako pero dahil sa takot na malaman ng iba kaya sinikap kong itago ito. Ang resulta? Naging mataba ako. Literal na mataba. May bilbil, may malaking tiyan, pwet at may suso.

Pero habang lumalaki ako, napapansin kong ako na lamang ang hindi pa nakararanas na magkaroon ng karelasyon. Tinanong ko ang aking sarili, ano bang mali sa akin? Iyon ang naging hudyat upang simulan kong magbawas ng timbang.

Fourth year high school ako noong nagsimula akong pumayat dahil na rin sa tulong ng CAT. Madalas mapagalitan ang aming batch dahil sa pagiging pasaway nito. Pumayat ako, binawasan ko ang pagkain. Nagpakasubsob sa aral kaya bumagsak ang katawan. Nagkataon pang nagkasakit ako ng dengue kaya lalo akong pumayat.

Sinasabi ng iba na ang layo na ng aking itsura sa dating ako, na inaamin ko naman. Pero sa aking pagtataka, pumayat ako ng husto ngunit nanatili ang kalakihan ng aking dibdib at pwetan. Hindi naman sobrang laki ng aking dibdib pero masasabi kong para akong tinubuan ng baby boobs.

Natakot ako dahil baka maging tampulan ako lalo ng tukso. Pero hindi ko alam na iyon pala ay isa sa magiging asset ko upang makuha ko ang mga pagkain na gusto kong tikman.

Marami sila, lalo na noong tumuntong ako sa college dahil naging independent ako. Natuto akong mamuhay sa dorm dahil malayo ang aking paaralan sa bahay.

Dito ko unang nakilala si Kuya Brian. At siya ang unang lalaking nakatikim sa akin.

Itutuloy. . .

AlindogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon