#1

22 1 0
                                    

ᴋɪʟᴀʟᴀ ang parents ni Julo bilang sikat at magaling na business Man|woman.

siya ang panganay at may kapatid siyang babae.

ang parents niya ay nasa probensiyang naninirahan at nag mamanage ng kanilang lupain, na tinataniman ng kung ano ano.
pinagsasabay nila ang pagmamanage ng lupain at business company.

Ok tapos na tayo sa kwento ng parents niya.
---

may sarili na siyang condo at siya lang nakatira doon, paminsan minsan lang siyang umuuwi ng probensya nila.

pauwi na siya ng may marinig siyang sumisigaw ng *tulong! tulongan niyo ako!*

palingon lingon siya pero wala siyang makita.
papasok na sana siya sa kaniyang kotse ng marinig ulit ang babeng sumisigaw ng *tulong tulongan niyo ako!*

kung ano anong naisip niya di kaya multo,baka yun yung sinasabi nilang student na nagpakamatay noon? muli niyang narinig ang sigaw ng isang babae.

pag lingon niya ulit nakita niya ang isang babaeng hilahila ng tatlong lalaki.

biglang sumigaw ng malakas ang babae ng makita siya. *kuya tulongan niyo ako!* alam na ni Julo na siya ang tinawag niyang kuya.

agad naman tinakpan nong lalaki ang bibig niya laya hindi na ulit naka sigaw.

ayaw na sana niyang maki alam kaso naalala niya si Cathalena ang kapatid niya, paano kung mangyari din yun sa kaniya at walang tumulong?

isasakay na sana siya nong mga lalaki ng tumakbo siya palapit sa kanila.

*wait lang guys!*

napahinto ang mga lalaki at hinarap siya.

*Bro huwag ka nalang maki-alam! girlfriend ko to at gusto ko siyang i uwi.* sabi nong lalaking nakahawak doon sa babae habang nakatakip ang palad sa labi ng babae.

'girlfriend niya? e bat pinagtutulongan nilang hilahin?' sabi ng utak nya.

tumingin siya sa babae at umiiling ito bilang sabi na hindi niya kilala ang mga ito.

naintindihan naman siya ni Julo.

*bro pakawalan niyo siya kung ayaw niyong tumawag ako ng police!*

*sinabing huwag kang maki alam eh!* bigla siyang sinugod nong dalawang kasama niyang lalaki.

nagsuntokan sila hanggang sa nabitiwan nong lalaki yung babae.

tatlo sila at mag isa lang siya.
buti at noon ay nakapag aral siya ng kunti sa karate kaso di rin yun nag tagal.

mukhang di niya kayang labanan yung tatlo malalalas at magagaling ito makipag suntukan. parang sanay na sila sa rambulan.

pawis na pawis siya yung uniform niya ay may dugo na.

*lumaban ka kuya!* sigaw nong babae.

pero di niya kayang lumaban pagod na siya.

tumakbo ang babae,"siya pa nga tong tinulongan siya pa ang nang iwan!* sa isip ni Julo habang makikipag suntukan parin.

tumakbo ng tumakbo ang babae naghahanap ng mahingian ng tulong nang makita niya ang isang barangay tanud

lumapit siya sa kinaroroonan ng lalaki at humingi mg tulong.

tinawag naman ng lalaki ang kapwa niyang barangay tanud. patakbo siyang bumalik sa kinaroroonan ni Julo.

tumakbo ang tatlong lalaki ng makita ang mga barangay tanod.

agad nilapitan ng mga tanud si Julo at tinulongan maka tayo.

*Ok ka lang?* agad niyang tanong kay Julo.

(Folicarpio Series 1) "Her Hidden Personality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon