ATIYA POV :
Ako nga po pala si Shireen Atiya.
Atiya nalang po ang gagamitin ko kasi yun naman ang nasabi kung pangalan kay Julo.Salamat naman at sakaniya ako napadpad.
mabait kasi siya baka kung ano pa mangyari sa akin kung sa iba ako napunta.Alas 6 pm na pero wala pa siya.
Di pa naman ako marunong magluto.
--I kukuwento ko nalang ang sarili kung buhay.
Lumayas ako sa amin dahil una subrang higpit ng mga magulang ko sa akin. Pag papasok ng school may dalawang guard na nakasunod sa likod ko.
Para lang akong nasa loob ng kulongan.
Hindi magawa ang ang gustong gawin.Ok lang naman sa akin yun kasi naintindihan ko naman na para din yun sa akin.
Ang dahilan talaga nang pag layas ko ay ang ka gustohan nilang ipakasal ako sa taong diko naman gusto.
Nakatakda kaming ikasal ng araw ng lumayas ako sa amin.
malalim na ang gabi ng lumabas ako ng bahay, busy ang mom at dad ko sa pag aayos ng wedding ko.
Bukas kasi ikakasal na ako sa diko gusto kaya yun lumayas ako sa amin ng walang dalang gamit o pera.
Phone ko lang ang dala ko pero diko na ginagamit yun baka tawagan nila ako at malaman pa nila kung saan ako.
Pito kaming magkakapatid at ako lang ang babae, sa anim kong kuya si kuya Ethan ang close ko sa kanila.
Diko na alam kung anong nangyari nong nalaman nilang wala na ako. Sana di nila ako mahanap dito kundi pauuwiin nila ako at makakasal sa lalaking yun.
Napatingin ako sa pagbukas ng pintuan.
Si Julo lang pala.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa kasi walang pagkain eh.''
"Dika ba marunong magluto?*
Umiling ako, sabi kasi niya ayaw niya ng sinungaling e.
"Akala ko ba galing ka sa hirap e bat dika marunong magluto?"
"Eh sa di ako pinapayagan ng tinitirahan ko na magluto baka lasonin ko pa daw sila."
Sagot ko buti nalang hindi ako nabubulol pag sumasagot ng gawa gawa lang.Dina siya sumagot at pumasok na ng kaniyang kwarto.
Paglabas niya naka v t-shirt siya ng kulay black tapos naka short pants ng puti.
Ang cute niyang tingnan kahit simple lang ang suot niya.
"Sumunod ka sa akin, magluluto ako tapos panuorin mo para matuto kang magluto ng sarili mong pagkain, what if wala kang kasama di ka na makakain."
Napangiti nalang ako. Naaalala ko sa kaniya si kuya Ethan, mahilig din yun magluto. Ang sarap kaya magluto ni kuya.
Namiss ko tuloy siya, im sure nagaalala na yun sa akin.
Pinanuod ko siya habang nagluluto.
Ang hot niyang tingnan."Lumapit ka nga rito, hindi mo naman makikita jan ang layo mo eh."
Nag hihiwa siya ng sibuyas.
Lumapit naman ako sa kaniya umupo sa upuan harap niya."Ganito ang maghiwa ng onion,"
Pinakita niya kung paano humawak ng kotsilyo at paano hiwain.
Ng nasa pangalawang onion na kaniyang binalatan tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
(Folicarpio Series 1) "Her Hidden Personality"
Romansasabi nila pag mayaman ka lahat nagagawa mo. lahat nakukuha mo dahil nasayo na ang lahat