Napilitan si Amora na unahin si Graham,mukha kasing sa ekspresiyon nito'y hindi ito papaawat.
Hindi pa nasiyahan ito dahil hinubad pa ng lalaki ang tshirt na suot.
Hindi naman siya nag pa apekto sa lalaki sa halip ay kinuskos niya lahat mula mukha nito leeg balikat dibdib kilikili.Wala siyang pinalagpas.Anong palagay nito?Hindi siya marunong maimune sa magaganda ang katawan?Bumili na yata siya ng macho men magazine!Gabi gabi niyang tinititigan ang mga larawang naroon.Sa susunod nga'y balak na niyang bilhin ang isang klase niyon.Ang playgirl magz!Para lubos lubos na.Wala na siyang pakielam kung tinitignan siya nito habang nagpupunas siya.
Ito ang dapat mahiya ano!Sa tulad niyang dalaga dapat ito ang mahiya!"Timplahan mo na ako ng kape."
Utos nito na nakapagpatigil sa kanya sa balak na gawin.
"Ako ng bahala diyan."
Napatango nalang si Amora ng masakyan niya ang gusto nitong mangyari at para matapos narin.
Nagtimpla na si Amora ng kape habang ngunguso-nguso.
Pagkatapos ay gumawa siya ng lugaw at kumuha narin siya ng panghalong manok,tutal kumpleto ang ref gawa niya.
Bakit?Gaya nga ng sabi ng lalaki,hindi lang siya P.A. mapasa trabaho o sa pamamahay nito'y kailangan niyang tumulong,na sa tingin naman niya'y masyado nitong nilulubos lubos.Ano kaya kung ireklamo niya ito sa labor?Kaso baka parehas silang maipakulong dahil sa uri ng trabaho nito.Legal kaya iyon?Ewan!Wala siyang alam sa ganoon.
Kinuha niya ang at itlog upang maihalo din ito sa iluluto niya at ng baka sakaling sa pamamagitan niyon ay mahulasan ang lalaki.
Isinilbi na niya iyon sa lalaki at muling sinulyapan si Alech na payapa parin sa pagtulog."Masarap itong lugaw mo ah?!"
"Ha?A masarap ba?"
Iyon ang nakapukaw kay Amora sa saglit na sulyap na ginawa niya sa isang lalaking nasa sofa parin."Sino ang nagturo sa iyong magluto?"
Tanong parin ng lalaki na agad naman niyang sinagot.
Nagkibit balikat lang si Amora sa sinabi nito.
"Bukod sa pagiging sekretarya,bakit iyon ang ginawa mong sideline?"
Ang lalaki uli na ang tinutukoy ay ang pagiging magdarasal niya."Wala lang,nararamdaman ko lang na iyon ang calling ko.Isa pa,ang nasabi sa akin ng namatay kong mga magulang na marami sa pamilya ang may debosyon sa ganoon."
"Ako."
Bigla nitong sabi."Ikaw?!"
Naguguluhang tanong niya sa lalaki."Kaya mo ba akong ipagdasal?"
"Kaya naman sa kung kaya,kayalang..."
"Kaya lang ay ano?"
"Kung ipagdarasal kita at muli karin namang babalik sa kasalanan ay para saan pa?Iyon ang sinasabing panalanging paulit ulit.
Napatakip si Amora ng bibig sa nasabi.Isa pa'y bigla ring tumigil ang lalaki sa narinig mula sa kanya.Hindi na ito muling kumibo at blangkong tingin ang isinukli kay Amora.
Nagpatuloy sa pagkain ang lalaki at siya nama'y lumayo papunta sa lalaking nakahiga.
Hindi paman siya lubusang nakakalapit ay binundol na siya nito sa balikat."Sinabi ng ako na!"
Napalayong bigla si Amora dahil narin sa gulat.
Nakalimutan niya agad.Bubulong bulong na pumunta muna siya sa kusina at pagkatapos ay nagligpit at pumasok narin sa kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...