Buong araw siyang nasa loob ng kuwarto at natutog, napakabigat ng pakiramdam niya paggising ng umagang iyon at bumaliktad agad ang sikmura niya pagkalanghap ng hangin. Nitong nakaraang araw napaka-sensitive ng pang-amoy at panlasa niya. Halos isang linggo na niyang hindi hinaharap si Jay na walang sawang pabalik balik sa bahay nila. Napapansin na rin ng nanay niya ang kakaibang kilos niya at nagsisimulang magtanong ngunit hindi niya ito sinasagot kaya hindi na rin siya nito kinukulit. Habang hindi na rin nagparamdam pa si Andrew. Malamang bakit pa kasi siya umaasa? Mas mabuti na yung ganito kaysa makapanakit pa siya ng damdamin ng dati niyang nobyo. Halos tatlong taon din ang itinapon niya, ang mahalaga ngayon ay ang magiging anak niya. Habang sumusuka siya sa sink ay nagulat siya ng makita ang repleksyon ng ina na pumasok sa kuwarto niya at may tubig na nilapag sa mesa.
"Alam ko kung ano eksakto ang nangyayari sayo anak, hindi kita pangungunahan. Hihintayin kong ikaw mismo ang magsabi sa amin ng papa mo. Nandito lang kami para sayo, at mahal ka namin hija.. wag mong kalilimutan sana na mga magulang mo kami, matanda kana para gumawa ng desisyon sa buhay mo pero kahit na ganoon mga magulang mo pa rin kami"
Binundol ng konsensya bigla ang kanyang dibdib. Alam niyang napakasakit nito para sa magulang niya, ngunit alam naman niya sa puso niya na kailanman hindi niya iyon maitatago sa mga ito.
"Mom!! Buntis ako.. I am sorry"
Pagkasabi ay tuluyan na siyang humagolgol at niyakap ang ina. Napakahirap magsinungaling at magtago at mabuti ng malaman iyon ng mga magulang niya sa kanya mismo kaysa ibang tao.
"Oh my gosh!! Tama nga ako, congratulations anak I am so happy for you, magkakaapo na kami ni papa mo at kailangan nating i-celebrate ito."
Napakasiglang pahayag ng kanyang ina. Habang kumunot ang noo niya dahil buong akala niya ay sampal at bugbog ang aabutin niya rito.
"Mom.. hindi mo man lang ba ako tatanungin kong sino ang ama ng dinadala ko? Mom, dapat magalit kayo sa akin kasi----"
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng sumungaw sa pinto ang bulto ni Jay na may putok sa labi at pasa sa kilay nito.
"Anong nangyari diyan sa mukha mo? Bakit may pasa ka? Kailan pa iyan?"
Sunod-sunod niyang tanong sa lalaki at kumunot ang noo niya dahil nakarinig siya ng ingay sa baba ng bahay nila kung saan naroroon ang kusina at sala nila.
Nilagpasan niya ang lalaki at dumungaw nasa pangalawang palapag kasi ang kuwarto niya at ang masters bedroom na kuwarto ng mga magulang niya.
Kumaway ang ina ni Jay, nandoon ang ama, pinsan nito at ibang pinsan at kaibigan niya.
Bumalik siya sa kuwarto niya at hinarap ang ina at si Jay."What's going on here? Bakit may mga tao sa baba? Mom..?"
Napakamot ng noo si Jay at kampanteng naupo sa kama niya.
"It's fine hija, kahapon pa namin nalaman ng papa mo kaya nagkapasa ang mukha ni Jay, napagkasunduan namin ng mga magulang ni Jay na mamanhikan sila ngayon kaya nandito sila anak.. don't worry inaayos na namin ito ng papa mo"
Kalmado lang ang pagkakasabi nito sa kanya ng ina ngunit lahat ng dugo niya ay biglang umakyat sa utak niya at ngayon ay sasabog na siya.
"Jay.. bakit hindi mo pinaalam sa akin ito? How could you???"
"I already warned you honey di ba? Kaya wala akong choice, paano ako magsisinungaling kay tita at tito? Kita mo ba tong mukha ko, tatay mo at tatay ko ang sumuntok sa akin. Kung lumalabas ka sana sa kuwarto at tinulungan mo akong kausapin sila di sana aabot sa ganito. Sorry to dissapoint you but we are engaged and they will discuss to us the wedding details kilala mo ang mga magulang mo at ang parents ko"
Napakamot na rin siya ng ulo niya. Alam niyang hindi ito dapat mangyari kaso nga alam niyang hindi din magpapapigil ang mga magulang nila.
"Mag-isip ka Jay, kailangan nating pigilan sila hindi nila tayo mapipilit sa bagay na hindi natin gusto kaya mag-isip ka!"
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romans"You are right! You and I are not meant to be friends, can't you see? I am and will be your lover now. If there's something you want to do now, do it already because you are stock with me for lifetime starting tomorrow" Jossa and Jay were best among...