Chapter 18

164 3 1
                                    

Azrael Lorenzo's POV

Nakarating nako sa park na sinabi ni Sandro. Mabilis kong pinark ang sasakyan at mabilis na lumabas ng sasakyan.

Malaki ang park na sinabi ni Sandro, pero kunti lang ang tao kaya't mabilis lang ang paghahanap. I called Cohen and the men to come over para magtulungan kami sa paghahanap.

Hindi ako naghintay ng matagal dahil dumating na rin si Cohen kasama ang mga tauhan ko.

"Azrael." Cohen called my name, hindi na ko lumingon pa.

"Let's get to work. Talasan niyo ang mga niyo, we have to find Yuqi as soon as possible."

"Yes sir!" sabay na sagot ng mga tauhan ko.

Hahakbang na sana ako ng may isang kotseng huminto malapit sa amin.

Kumunot ang noo ko, wala akong matandaang pinapapunta ko si Sandro dito, but I was wrong when the driver walked out of the car.

"Azrael Lorenzo Quinn." may diing tawag sa akin ni Aki, ang kuya ni Yuqi.

Mabilis ang kanyang hakbang papunta sa akin at ng maabutan ako ay isang suntok sa mukha ang binati niya sakin. Napahawak ako sa aking panga at nalasahan ko ang kalawang sa bibig ngunit hindi ako bumagsak sa lupa. Ang mga tauhan ko ay mabilis na pumagitna sa aming dalawa while Cohen approached me.

" Where is Yuqi! saan mo dinala ang kapatid ko!" galit na sigaw niya, susugod na sana ang mga tauhan ko sa kanya ng sumenyas ako.

Lahat sila ay yumuko at bumalik sa dating pwesto.

"Hindi ko alam kung nasan si Yuqi ngayon" simpleng sabi ko.

Susugod na sana siyang muli sa akin ng mahawakan ni Cohen ang balikat nito upang pigilan sa tangkang paglapit sa akin.

"Puta! bitawan mo ko! asan ang kapatid ko Quinn! ibalik mo sa amin si Yuqi!"

sigaw nito habang galit na nagpupumiglas sa hawak ni Cohen.

"Hinahanap ko rin si Yuqi, tinawagan ako ng kaibigan niyang si Ashie, nawawala raw siya kaya tumutulong ako sa paghahanap. My men and I did everything we can do to find her kaya wag mong hanapin sa akin si Yuqi dahil hindi ko pa siya nakikita."

mahinahong sabi ko, mukhang kumalma naman siya sa narinig ngunit masama pa rin ang tingin sa akin, I nodded to Cohen, a sign that he can let Aki go na mabilis naman nitong sinunod.

" Okay, we are wasting 5 minutes of our time. Now move! " utos ko sa kanilang lahat na sinunod naman nila.

Humakbang na ako para maghanap na rin ng mapahinto ako dahil hinawakan ni Aki ang balikat ko, walang emosyon ko siyang nilingon.

"Tutulong ako." deklara niya, kaya tumango na lang ako para matapos na at magsimula ng mahanap.

----

Kanina pa kami naglilibot pero wala pa ring Yuqi, ni anino niya wala.

"Five rounds more until you fully check if Yuqi's not here, dahil kung wala talaga aalis na tayo rito." sabi ko sa earpiece na gamit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never ThoughtWhere stories live. Discover now