I.

7 0 0
                                    

It all started sa first day of school. Well lahat naman doon nagsisimula. It's my last year of high school and I was hoping na gagraduate ako from the school where I spent almost my whole high school life. But instead here I am.
Saint Vincent's Academy.
Last year was rough. Nadiagnose si Papa ng stage one colon cancer. Because of that napalitan siyang huminto sa pagtatrabaho. Thankful kami kasi although hindi ganun kalaki ang kinikita ni Mama bilang isang secretary ng isang executive sa isang pharmaceutical company covered si Papa pagdating sa medical expenses niya through sa insurance ni Mama. But because of that kinailangan namin lumipat here sa Quezon City kung saan naka based si Mama.
Malungkot ako. At kahit gaano ko itago alam kong ramdam ni Mama yun. Noong una pinilit niya ko na magstay sa province kasama si Lola para magtapos ng high school. Sa totoo lang pabor sakin yun. Pero hindi ko kayang mahiwalay sa kanila lalo ngayon sa kalagayan ni Papa. At alam ko na, although mababait naman ang mga kapatid kailangan ni Mama ng tulong ko now more than ever.

Saint Vincent Academy is your usual Private School. Mayayaman mga nag-aaral. Mostly mga anak ng nagtatrabaho sa company nila Mama. I got in because nabigyan ako ng scholarship. Hindi dahil employado si Mama kundi dahil sa grades ko. Hindi sa pagmamayabang all throughout high school consistent top student ako. Medyo may pagkacompetetive ako aaminin ko but mostly kaya ako nagsusumikap because I want to give my family a bright future. Bilang panganay sa apat na magkakapatid gusto ko once grumaduate ako ng college and magsimulang magtrabaho gusto ko tumigil na si Mama magtranaho and mag focus nalang sa pag aalaga kay Papa. Ako na bahala sa mga kapatid ko and sa amin.
Going back sa bago kong eskwelehan sa totoo lang naintimidate ako. Mostly sa mga mag-aaral dito pumapasok ng may sasakyan o kaya hatid sundo ng sarili nilang mga driver. Never kong kinahiya ang kalagayan ng pamilya namin financially pero hindi ko maiwasang minsang manliit. Pinipilit kong alisin yun sa isip ko and magfocus sa pag-aaral. Since 4th year na ko nagtransfer most of my classmates magkakakilala na. Halos lahat sila dito since kindergarten magkakasama na kaya ganun nalang ang kaba ko sa unang araw ko.
"Good morning everyone. My name is Jonathan Santos and Im excited to be part of this class."
Pinilit kong wag mautal sa sobrang kaba kaya kahit na lahat ng mata na sakin sinigurado kong steady ang aking pagpapakilala. Tahimik lang sila at nakatingin sakin. Yung iba nakangiti. Yung iba blangko lang ang expression and Im sure may isa akong classmate na nagtetext sa ilalim ng desk niya. Buti nalang wala ng question and answer portion amd after sabihin ni Mrs. Gutierrez na bigyan ako ng warm welcome pinaupo na niya ko sa may bandang dulo sa likuran malapit sa likod na pinto. Katabi ko yung isang classmate ko na nakangiti sakin habang akoy nagpapakilala and hanggang sa makaupo ako nakangiti pa rin siya and I know right from the bat na magiging magkaibigan kami. Napansin ko na bakante pa yung upuan sa kanan ko na pinakamalapit sa may pinto so I knew na kulang pa kami. Four minutes after mag ring yung bell dumating siya.
Si Edward.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EdJonWhere stories live. Discover now