Chapter 6-I AM LIRA!

454 27 1
                                    

I am Lira!

Tulala akong naglalakad sa di ko alam na kalye dito sa manila,tsk dapat pala nagbaon ako ng mapa,wala naman kasi akong kakilala dito kahit isa talagang wala.

Ah meron pala kaya lang nasa ibang bansa sya ngayon kaya di nya ko matutulungan at ang isa pa ayoko syang istorbohin, kapag tinawagan ko yun agad yung tatalima kaya lang buhay ko to kaya ako ang kikilos para sakin.

Ala una na ng hapon nang makarating ako dito sa maynila,ngayon ay naghahanap ako ng trabaho. Dala ko naman ang mga kailangan ko,isang bag pack lang ang dala ko,konti lang kasi ang damit na kinuha ko para di masyadong maraming dala at para konti lang ang labahin.

Nahinto ako sa harap ng isang restaurant na may nakapaskil na naghahanap ng waitress,hmmm,pwede ako dito.

Kung di lang kasi ako nahirapang maghanap ng trabaho sa probinsya ay di ako titigil sa pag aaral,isang taon nalang graduate na ako,kung di siguro ako tumigil ng isang taon nung highschool ay graduate na ako eh.

"Marami ka palang naging experience sa mga resto,ilang beses ka na ring naging waitress o janitress at ilang beses naring natanggal,bakit?" Tanong ng nagiinterview sa akin na matabang lalaki

"Ahh,nung nagjanitress po ako pinatid ako ng isang costumer,classmate ko iyon na may galit sa akin,sa inis ko hinampas ko sa kanya yung map,ayun ho natanggal ako.

Nung waitress naman po ako di ko sinasadyang matapon yung juice sa isang babae na biglang humarap sa akin,syempre po nagsorry ako pero kung ano ano paring sinabi kesyo tatanga tanga ako tapos kung ano ano pa,abat dinamay pa ang nanay ko kaya sa inis ko sinagot ko sya tapos sinampal ba naman ako?kaya ayun nung may dumaang waiter sa tabi ko binuhos ko lahat sa babae yung mga dala nun,ending tanggal na naman po ako.

Nung nag waitress naman po uli ako may nambastos po sa akin na limang kalalakihan kaya sa inis at galit ko binugbog ko,naospital nga ho silang lahat eh,dahil sa nangyari natanggal uli ako sa trabahong yun, nung nag apply naman ako bilang isang janitress sa isang mall-" Pinatigil nya ako sa pagkekwento at isinarado ang folder na naglalaman ng mga papeles ko sa pag aapply

"Sa tingin ko wala kang future sa pagiging waitress o janitress-"

"Wala po talaga kasi di ko po yun pangarap,pangarap ko pong makapagtapos ng pag aaral at maging-" Ako naman ang pinutol nya

"Okay okay,o sige,di ka nababagay sa mga ganyang trabaho,mas bagay kang maging bouncer o bodyguard" Derederetsong saad nya

"O ito,maghanap ka nga trabahong nababagay sa mga basagulerang tulad mo" Dagdag nya pa at ibinigay sa akin ang folder ko kaya napanganga ako,ano daw?basagulera?tumayo nalang ako at lumabas na ng resto,grabe yun ah? makabasagulera kala mo kung e panot naman. Tinampal ko ang labi ko, bad Lira,bad! Napailing ako't natawa sa sarili ko.

Napahawak ako sa tiyan ko dahil nagrereklamo na ang mga alaga ko,napatingin ako sa relo ko mag aalas kwatro na di pa ako kumakain. Pang ilang resto na yung pinasukan ko wala pa rin akong makuhang trabaho,ang aarte naman kasi nila eh,magtatanong kung bakit ako natanggal tapos ayaw nila sa akin,shete pie!

De bale,last na lang talaga pag wala parin kakain na ako at maghahanap ng mauupahan. Nagliwanag ang mundo ko nang makita ang nilipad ng hangin na isang poster,isang kumpanya na nangangailangan ng secretary,shete pie,pasok na pasok ako ditoooooo.

Agad kong tinungo kung nasaan yun,syempre dahil bago lang ako dito sa manila e naligaw ligaw at nagtanong tanong ako 4:47 na ng makita ko ang napakalaking kumpanya na nasa harap ko,wow..just wow...mayaman siguro nagmamayari nito?ewan

Agad akong lumapit sa entrada ng building,may mga nakikita akong mga empleyado na pumapasok doon pero bago sila pumasok dumadaan sila sa mga gwardya at may pinipirmahan,log book ata eh.

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon