Chapter 1
Xandra's POV
Nandito ako ngayon sa room kasama ang mga kaibigan kong sina Yumi, Cheska, at Jayana. Sila ang kauna-unahang kaibigan ko dito sa Greendale Community College.
Masaya naman akong nakilala ko sila. May bawat personalidad sila isa-isa. Si Cheska na sobrang kulit, siya rin ang pinakaclose ko sa kanila. Si Yumi naman ay maarte at maganda, lahat nga ng mga lalake ay gusto siya pero walang tumangkang lumapit at manligaw dahil sa ugali nitong dinaig pa ang pms. Next is si Jayana, siya ang mabait sa grupo namin hindi pa namin siya nakitang nagagalit sa isang tao. Pero kung mangyayari man 'yon ay dapat na talagang umatras ang kalaban niya. Maganda rin siya kaya 'di na rin kataka-takang may magkagusto sa kanya.
And last but not the least, Me. I'm Xandra Kate Montelon, sometimes mataray and always maganda.
Natapos na ang first period namin at nilapitan ako ng mga kaibigan ko.
"Pards, tayo na, pumunta na tayo sa canteen. Gutom nang gutom na kami," mahinang sabi ni Cheska. Tumingin din sa 'kin sina Jayana at Yumi na nagpuppy eyes pa. Pwe, psh!
Bago lang kasi natapos ang pagkahaba-habang quiz namin. Sino ba naman ang hindi magugutom.
"Okay, mauna na kayo dahil dadaanan ko pa mga books ko sa locker," ani ko, tumango sila at umalis.
Ako naman ay pumunta sa kabilang direksyon, tinatahak ang locker. Patuloy ako sa paglalakad at ilang segundo pa ay nandito na ako sa harapan ng locker ko. Dahan-dahan ko itong binuksan at kinuha ang books at juice ko.
Humarap ako at muntikan ng matumba nang may nabunggo akong isang lalaking mukhang gangster at ang angas kung tingnan, mukhang mayaman.
"Ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Tingnan mo tuloy ang nangyari. nadumihan mo 'yong t-shirt ko! Mas mahal pa ito sa buhay mo," asik nito sa pagmumukha ko.
Aba ang sungit naman pala nito, ang sarap batukan akala mo kung sinong impakto. Pero gwapo talaga siya.
Naalala ko sinabi niyang, mas mahal pa ang t-shirt niya sa buhay ko?! Taena talaga.
"Sorry po," paghihingi ko ng tawad habang nakatitig ng diretso sa mga mata niya. I don't know what to do.
Tumaas ang kilay niya at hindi rin ako nagpatalo, itinaas ko rin ang isang kilay ko.
Hindi rin ako magpapatalo sayo, 'no! Kahit na ako ang may kasalanan at kahit babae ako! Psh."Sa susunod tumingin-tingin ka nga sa dinaraanan mo. Ang tanga mo, tsk," aniya.
Anong sabi niya? Tanga, ako? Hindi ba pwedeng uminom lang ako ng juice kaya hindi ko nakitang may nabanggo na pala ako.
"Taena talaga oh," angil niya at umalis.
Naglakad ako papuntang canteen nang nakita ko 'yong lalaki kanina. Nakasandal sa isang sulok habang ang mga kamay ay nakalagay sa bulsa. Nagtago ako para hindi niya ako makita.
Ba't ang tagal niyang umalis? Bulong kong sabi sa sarili.
Pards, anong gingawa mo diyan? Kanina ka pa namin inaantay. Bakit kasing tagal mo ehh!
Nagulat ako nang may biglang nag salita sa likuran ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang mga kaibigan ko pala ito. The hell! Akala ko kung sino, sila lang pala.
"Uhh, a-ano k-kasi," nauutal kong sabi sa kanila. Shit! Ayokong mahuli nila ako.
"Kasi?" sabay nilang tanong at pinanliitan ako ng tingin.
YOU ARE READING
I love Her But, She Hurt Me
RomanceBreakups, hurt but losing someone who doesn't respect and appreciate you is actually again not a loss