Heizel's POV
HINDI ako pinatulog ng isip ko, sa kakaisip kung sino ba yung.. BOSSJIN!
11:43pm na, pero heto ako at hindi makatulog tulog sa nabasa. Kinuha ko ang papel at nagbabakasali na may iba pang makita pero wala talaga. Tanging BOSSJIN lang ang ngalan ron. Pinilit kong patulugin ang sarili pero wala talaga. Nakatulog na kasi ako kaya ayaw na ulit, kainis! Lalabas na sana ako ng tumunog ang phone ko.
1 messaged receive.
'Sino naman kaya ito?' Bigla kong naalala si Elmo. Tumawag nga pala sya sa akin na unknown ang number. Kaso kung sya tawag, ang isang ito naman ay text. Binuksan ko ang message.
From: 0997 *** ****
Ano Raphunzel? Nakatulog kaba ng mahimbing? HAHAHA, siguro ay hindi, magpakasaya kana hangga't nabubuhay kapa. Mag iingat ka, si kamatayan nasa tabi tabi lang. Sabihin mo sa Dad mo, ibalik na nya kasi ang kinuha nya, kapag hindi nya agad naibalik iyon. Sa loob ng limang buwan na paluging ibibigay namin sa kanya, magkakaroon ng burol dyan sa inyo, at ikaw, ang uunahin ko. Sabihin mo huh? Walang pulis, wag nyo na rin balakin pang tumakas. Lalo lang kayong malalagay sa alanganin, HAHAHA. Goodnight, have a nightmare, not a sweet dream. Pero mukhang hindi ka naman matutulog, GOODBYE.
At talagang sakto sa 11:59pm huh? Edi wow! Grabeh, kinakabahan ako, nagtaklob ako ng kumot dahil sa takot, nanginginig ang katawang umiiyak.
'Kailan ba sila titigil? Pagkatapos ng limang buwan na paluging sinasabi nya? Sino ba kasi sya? Ano bang atraso nila Mom at lalo na si Dad, bat ayaw nila tumawag sa pulis, puro nalang ako! Ako na walang kaalam alam sa nangyayari, nanahimik na si akong nadamay sa gulo nila! Jusko! Ano bang kasalanan ko?! Hirap, sakit at gulo! Gulong gulo na ako, ayaw sabihin nila Mom, gusto pa ba nilang mamatay muna ako bago nila sabihin? Napasakit na dahil lubusan na akong natatakot, paano na lang kapag papasok ako sa school. Tapos bigla silang sumulpot at p-patayin ako? Saka naba nila sasabihin sa akin ang rason? DAMN THIS!'
Kinapi-paste ko ang text at sinend iyon kay Mom. Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya nagreply.
From: Mom
Oh my god! Baby! I'm sorry, I'm sorry. I love you baby, don't mind it. Gagawa kami ng paraan ng Dad mo para hindi kana nila magalaw at idamay pa. I'm sorry ulit anak, I love you so much, Goodnight baby.
Tss. Akala ko ay pupunta sila sa kwarto ko para sabihin na sa akin, o kahit para lamang yakapin ako. Pero mali na naman ako ng inisip. Wala talaga silang balak sabihin sa akin? Hihintayin na lang ba talaga nila akong mamatay bago sabihin? What kind of parents I have? Kung sana, pwede ulit akong ipanganak, pipiliin ko pang mabuhay sa mahirap, kaysa sa mayaman nga ngunit may ganitong klase ng buhay. Yung tipong nasa bingit kana ng kamatayan, pero wala parin silang ginagawa para mailigtas ka. Napakahirap isipin, napakasakit damdamin.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove With My Enemy
Teen FictionI thought... "the friend can't forget everything." Is still, but I'm wrong.. because the word "can't " change into "can" Your friend 'can' forget you. Just to revenge with you. they're are fake friend you've trusted. #ouch!