Chapter 13Dionne
Iniabot sa akin ni Engineer Clemonte yung Hard hat nila, kinuha ko ito saka isinuot.
napapaypay ako sa sarili dahil sa sobrang init. tirik na tirik pa naman ang araw. dapat pala ay hapon na ako pumunta. psh!
“Nadelay yung mga hollow blocks last day. pero okay naman na at pa-platadahan na ngayon” Engineer Clemonte said
“Oo nga ma'am napa-rush tuloy kami” kumento ng Assistant engineer niya.
siya nga pala ang may hawak ng payong, upang payungan ako! sinabi ko sa kanya na ako na lang pero ayaw niyang ibigay at nagpumilit na papayungan na lang daw ako. wala na kong nagawa at hinayaan na lamang.
“take your time. hindi naman kami nagmamadali”
hindi ako komportable sa lakad ko dahil may mga maliliit na batong naka-kalat tapos ang taas pa ng heels ko. kakaloka!
wala naman akong ka-ide-ideya na ganito pala ang malalakaran namin. kung alam ko lang sana nag-rubber na lang
“Next time sabihan niyo ako kung mag-hi-heels ba ako or hindi hah?!” nakasimangot na sabi ko.
tumawa lamang silang dalawa. para kasi akong lasing na naglalakad. taragis na yan!
“I forgot to tell you.”
“Hayaan mo ma'am papalinis ko agad-agad ang mga yan” dugtong pa ng Assistant niya. ngumiti na lamang ako sa kanya.
umayos lamang ang lakad ko noong platadang simento na ang naapakan namin.
ang sabi ko hindi ako pupunta eh! taragis kasi, kung wala lang inaasikaso si Rain, tiyak siya ang pinapunta ko dito. niyayaya ko din si Louise na samahan ako, pero ang gaga ayaw. nang-aasar pa nga pagkaalis ko. psh
dalawang palapag ang ipinatayo namin, gusto pa sana nila na hanggang third floor. hindi naman sobrang dami nung Cosmetic products ang ilalagay namin saka medyo malaki din ito kaya hanggang second floor lang, may mga space pa nga sa labas. gagawin na lang namin yun na parking lot.
“Nakapili ka na ba ng tiles na ilalagay sa ground floor?” bungad na tanong sa akin ni Van-- Mr Ricafort *rolled eyes*
“yeah” tipid kong sagot
bakit ba kasi siya pa ang ipinalit nila. mygad!
“how about sa second floor?” sabi pa nito habang sa akin pa din nakatingin.
ginantihan ko ito ng bored look. eh sa nabuburyo ako! psh. “I'll think about it”
gusto ko kasing palitan yung tiles sa second floor. para magkaiba ng design, pero syempre dapat yung related din sa disenyong ilalagay dito.
Tiningnan ko ang loob nito. patapos na nilang platadahan ang dingding dito tapos inaayos na din nila ang hagdanan paakyat sa second floor. gusto ko sana fuscia pink or rosewood ang kulay, kaso black and white naman ang gusto ni Mrs dauntless.
maganda sana yung gusto kong kulay, para babaeng babae. common na din kasi ang black and white. o di kaya Gold, maganda din naman ang Gold.
“I want to change the design colors” out of nowhere kong sabi.
nilingon ako ni Architect Ricafort.
nakalimutan kong siya pala ang nag-design nito.“What color do you want? pwede naman nating palitan.” he said
“White and Gold? dont worry kulay lang naman ang gusto kong palitan” kaso kasi baka hindi gusto ni Mrs dauntless
“Oh! I'll tell to Mrs Dauntless”
BINABASA MO ANG
Masterpiece : Morgan Series #1 ✅
FanfictionDionne Alexia Morgan is the owner of D'sign Company ▪Completed▪ ✅ Morgan Series #1 2020 story. kisstelm 2020