Prologue

25 3 0
                                    


"Kim, anong oras na. Hindi na siguro yun dadating, isa pa ay nagugutom na kami at inaantok sa kakahintay sa kanya"kaya napatingin ako kay,  Lizel.

"Kumain na muna  kayo, tatawagan ko lang muna sya" saka ako tumayo at kinuha ang phone ko. Lowbat kasi ang phone ko kanina kaya nag charge muna ako habang naghihintay na dumating sya pero hanggang ngayon ay wala paring dumadating.

"Hindi ka ba kakain?" at lumingo lingo lang ako sa tanong ni Ate, Charrize.

"Kumain ka girl, baka na busy lang sa trabaho kaya hindi pa dumadating dito" sambit ni Jessa.

Tinawagan ko sya pero ring lang ng ring ang phone nya, san na ba kasi  sya. Ang sabi sya ay ma la-late sya ng kaunti pero anong oras na, kanina pa kami naghihintay.

Tinawagan ko ulit ang phone nya and this time ay sumagot na sya. Sana naman valid ang reason nya, kung hindi ay baka magkaroon ng World War III sa pagitan naming dalawa.

Nakakainip kayang mag hintay sa taong hinihintay mo, hindi naman pala dadating at sana nag text na lang sya para hindi ako mag alala kung anong nangyari sa kanya.

"Jay, san ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sayo, anong oras na, oh?" bungad ko sa kanya ng sagutin nya ang tawag.

"ahh,  shit. Ohh! Faster Jay, Faster. Mhhh" bullshit, sino yang babaeng yan at bat ganyan sya kung makapagsalita. May ginagawa ba silang kababalaghan?

"Hello, sino to?" takang tanong ko sa babae, at mukhang na intriga ang mga kasama ko dito kaya pinindot ko ang loudspeaker para marinig nila ang sinabi ng kabilang linya.

"Wag mong sagutin ang tawag, ako na tatawag sa kanya mamaya" at narinig ko na naman ang boses ng babae na parang namimilit sa sakit o sa sarap.

"Sinagot ko na, ahh!! Jay. Sino ba to? Shit, malapit na ako Jay, ohh! Ahhh, ohhh"

"Ano? Give me that phone" saka ko ginamit ang goggle map ko para malaman kung san sya.

Nasa hotel sya ng Trees Marias, at naghihintay lang ako dito sa wala. What the hell, sana man lang sinabi nyang hindi sya makakarating dahil may kasiping syang ibang babae sa isang hotel. Kainis!!

"Jay, ano ba? Malapit na ako, bat ka huminto? Kainis naman oh" pagmamaktol ng babae, sa kabilang linya.

"Hello, My. San ka?" hindi ko na sinagot ang sinabi nya at pinatay ang tawag. Nagmamadali na akong umalis ng condo, habang nakasunod lang sila sakin.

"Ang bilis huh, parang ninja lang kung makapag lakad pero san ba tayo pupunta? Sayang yung food na hinanda natin, iniwan lang natin sa mesa. Kakain na sana ako, sayang" sambit ni Jinky, na syang food lover.

"Shut up ka nalang kasi at sumama ka nalang. Ang dami mo pang sinabi" nasa parking lot na kami, kaya nagkatinginan kami ni Ate Charrize, dahil sya ang may dalang sasakyan sa kanilang apat.

"Sasakyan ko na gagamitin natin but please, pahiram ako mamaya ng pera. Nakalimutan kung magdala nang pera" at tumango lang ako sa kanya. Tinignan ko ang bag ko at kumuha ng isang libo saka binigay sa kanya  ng makasakay kami.

"Wag mo na ako bayaran, gamitin mo nalang, ate. Ako pa nga ang naka abala sa inyong lahat, hindi naman pala dadating" tinanggap ny naman ang pera at agad itong  pinaharorot.

"San tayo girl?" takang tanong ni Jessa.

"Trees Maria Hotel" sambit ko habang nakatingin sa daan.

"Ow, so andon sila kasama ang bruha nyang babae?" hindi na ako nagsalita pa, gusto ko nalang makita ang lahat nang mahiwalayan ko sya. Kapag nahuli ko sila sa akto, wala na syang balikan sakin.

"Sayang yung 8 years pag totoo ang lahat pag nakita ng live, back to zero si Kimmy, sa lovelife nya" talagang sayang kung ipagpapalit nya lang ako sa iba nya na hindi umabot ng years.

8 years  na ang pinagsamahan namin. Highschool pa lang tas iiwan nya lang ako dahil sa babae nya. Talagang bullshit sya, ilang beses ko na silang pinatay sa utak ko, yung hindi talaga sila mabubuhay dalawa, kainis!! Nagmukha lang akong tanga, sa paningin nila.

Bat ba kasi ang dali kung paikutin pero mahal ko sya, hindi naman siguro ako ma ooto kung mahal mo ang isang tao. Love is anything kaya lahat magagawa ng love pero pag hindi valid ang reason nya, then it will be the end.

Bahala na sya sa buhay nya at wag na wag nya akong kakausapin pa ulit kapag nahuli ko sila sa akto. Naghihintay ako para mag celebrate kami tas ganun ang gagawin nya, makikipag talik sa iba habang ako naghihintay sa kanya.

Hindi pa kami mag asawa nyan, pano pa kaya pag nasa iisang bubong na kami at magkasama. Bwesit  sya, sana pala hindi nya nalang ako niligawan kung ganito rin pala ang gagawin nya. Sasaktan lang din naman pala ako sa huli.

Ang Aking Kwento (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon