Nakauwi na ang ibang guest at hinahatid ko na sina Mama at Papa, sa parking lot habang naiwan ang mga kapatid ko sa Venue. Sasama sila sakin mamaya, kaya naiiwan silang dalawa roon habang nakaupo."Ma, pa, ingat sa byahe" saka nila ako niyakap isa isa at tumango silat sumakay na sa sasakyan saka ito pinaandar ni Papa, at umalis na sila.
Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan, napatingin ako sa langit na subrang dilim, ni walang bituin na syang nag bibigay liwanag sa kalangitan. Uulan kaya mamaya? Hindi naman siguro, pero pag umulan ay mababasa kami lalo nat wala kaming dalang payong. Hindi namin napag handaan.
"My," kaya napatingin ako kay Jay, na paalapit sakin at agad akong niyakap pero humiwalay din kaagad."Akala ko kung san kana pumunta , sina tito at tita ba ang hinatid mo dito?"
"Oo, umuwi na sila. Kailangan ko na rin umuwi mamaya Dy, kasama ko ang dalawa at hindi pwedeng magpuyat si, Joshua" saka sy tumango at pumasok na kami sa loob ng hotel.
Nakaakbay lang sya sakin habang papasok kami ng makaisip ako ng kalokohan sa kanya. Tinangal ko ang kamay nyat hinawakan ito, saka tinaggal ang pagkakahawak dito ng hawakan nya ulit ng kamay ko pero hindi ko pero iwinawaksi ko lang.
"My, ano ba? Nakainis ka na?" kaya natawa lang ako sa reaction nya.
"Bakit, may ginawa ba akong mali?" natatawang sambit ko. Sumeryoso tuloy ang mukha nya.
"Jay, maari ka bang makausap?" kaya napatingin kami sa babaeng nagdadalang tao.
Sino kaya sya? Gabie na at hindi ko sya nakita sa event kanina, hindi rin matugma sa kasuotan nya na pumunta sya sa Event. Bahala na nga, pupuntahan ko pa ang mga kapatid ko. Kung may pag uusapan sila, sya na ang bahala.
"Dy, una na ako sa loob. Pupuntahan ko pa sina Joshua, at baka uuwi na rin ang ibang besita pati ang mga kaibigan ko" tumango lang syat hinalikan ang noo ko, kaya naglakad na ako papunta sa Elevator.
"Ate, uwi na tayo. Inaantok na ako" kaya napatingin ako sa oras. Late na at kailangan ng matulog ni bunso. Ito namang isa kung kapatid, inom ng inom ng tubig. May problema ba sya?
"Benjie, anong problema mo? Kanina ka pa umiinom ng tubig, baka maubos mo na ang isang oitcher ng tubig nyan" saka nya nilapag ang baso ng tubig.
"Wala ate, gusto ko lang uminom ng malamig na tubig. Uuwi na ba tayo?" pag iiba nya pero hindi nya ako maloloko, alam kung may problema sya.
"Pwede mo namang sabihin kung may problema ka, andito lang naman ako palagi" at ngumiti ako sa kanya at ganon din sya sakin." Hahanapin ko lang si Jay, at nang makauwi na tayo. Magpapaalam na rin ako sa magulang nya"
Tumayo na ako at lumapit sa kanila ng makita kung kasama nila ang babaeng kausap ni Jay, sa baba at parang ang seryoso nilang tignan. May problema kaya at ganyan ang mga mukha nila?
"Tito" tawag ko sa Ama, nya dahil mas malapit sya sakin.
"Iha" sambit nya."Hinahanap mo ba si, Jay? Kausap nya si Clinton, ngayon pero mamaya babalik din ang dalawa. May pinag usapan lang silang importante"
"Aalis na po kasi kami Tito, inaantok na ang mga kapatid ko at may pupuntahan pa po kami bukas. Magpapalam lang po sana ako sa kanya at nga po pala tito, may problema po ba? Bakit nandito yung babae? Ang seryoso din po nilang mag usap" parang nataranta si tito, at hindi alam ang isasagot ng may umakbay sakin.
"Hinahanap mo ba ako, My?" kaya nakita ko si Jay, na nakangiti.
"Oo, aalis na kami. Inaantok na si Bunso at gabie na rin, hindi aya owedeng magpuyat" saka ko tumingin sa pamilya nyang nag usap usap kasama ang babae, na prenteng nakaupo.
"Hatid ko na kayo sa condo, dadalaw nalang ako bukas ng sa Condo mo" tumango ako at tumingin kay tito.
Ano kayang problema at parang nay kutob akong hindi maganda ang nangyayari. Ako lang ata ang walang alam sa mga pinag uusapan nila, pero may karapatan ba akong makisawsaw at baka hindi naman ako kasali sa usapan nila.
"Magpapaalam lang ako sa Ina, mo. Hintayin mo nalang ako dito" saka ako naglakad palapit sa kanila. Pinigilan nya ako pero huli na dahil nakalapit na ako sa kanila.
"Sigurado ka ba dyan iha? Bat ngayon ka lang nagpakita? Wag mong sabihing nagdadalawang isip ka?" saka ako umupo sa likod ni tita, at kinalabit sya.
"Tita, uuwi na po kami. Kailangan na pong matulog ni bunso" paalam ko sa kanya.
" Paglabas na paglabas ng bata, gagawa tayo ng test para mapatunayan kong sa kany--"
"Hindi na kailangan ng test, pwede namang sabihin ni Jay, ang totoo sa inyo" kaya napatingin ako sa kanya.
"Ingat kayo iha, wag mo nalang syang pansinin" pero hindi ako nakinig kay tita, at tumayo. May humawak sa kamay ko pero di ako tumingin.
"Anong kailangang sabihin ni, Jay? At bakit my test, na kailangang gawin pag labas ng Baby? May nangyari ba sa inyo?" kalmang sabi ko at ngumiti sya.
"Bakit di mo sya tanungin para malaman mo" saka tumayo si Tita, na halatang nag aalala na.
"Bakit hindi mo nalang sagutin? Natatakot ka ba na sabihin nyang walang nangyari sa inyo?" kinakabahan ako sa mga isasagot nya pero gusto kong marinig ang lahat. Lahat lahat para hindi ako maging tanga.
"My, tara na. Naghihintay na ang mga kapatid mo" kaya hinila nya ako pero hindi ako nagpatangay.
"I want to hear what she want to say. Direck to the point, and dont make it too long" habang nakatingin ako sa kanya, ni hindi ako kumorap para lang makita at marinig ang lahat.
"I want Jay, to Marry me and live with me. Anak namin ang dinadala ko, hindi ko hahayang iluwal ko ang bata na walang ama" kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang sarili kong magalit. Jay, is the only one who knows whats the truth kaya hinarap ko sya.
"So tell me, may nangyari ba sa inyo?" habang nakatingin ako ng seryoso sa kanya.
"I dont know, hi--"
"Bullshit, hindi mo alam? Edi kaninong bata yan?" hindi ko alam kong anong dapat kung gawin o sabihin para gumaan ang atmosphere. Hinila ko ang kamay ko at humarap ng diretso sa babae."Whats youre name?"
"Amanda, Amanda Haide" walang reactiong sambit nya.
"So amanda, gusto mong pakasalan ka ni Jay, dahil buntis ka? Wait until you get birth and we will have a test, para malamang sa kanya nga ang baby. Hindi porket sinabi mong sa kanya ang baby, na yan ay maniniwala na kami. You dont have a proof, para sabihing sya n--"
"I have a proof" saka nya nilapag ang pictures kaya kinuha ito ni Tita, at ng iba pa saka tinignan.
"Thats not Valid for me. Kung nay Sex video kayo,, dyan lang ako maniniwala. For know, be healthy para pag nanganak ka na we will know" saka ako bumaling kay tita." Tita, be aware of her. Hindi natin alam ang totoong pakay nya. Aalis na rin ako, naghihintay na ang mga kapatid ko"
"Ingat iha, and can you come to the house tommorrow?"
"I dont know tita, but ill try. I'll call Jay, if makakapunta ako" saka sya ngumiti.Tumingin ako kay Untie at sa iba pa para magpaalam."Aalis na ako, Salamat sa pag punta dito sa Event. Goodnight"
Ngumiti lang sila kaya ngumiti na rin ako, hindi pwedeng maging mahina ako sa harap nila. Kakausapin ko nalang si Jay, mamaya pag wala na ang mga kapatid ko. Hindi pwedeng ganito, hindi ako papayag. Kung sya man ang totoong Ama, hindi ako papwyag na ikasal sila. Mahal ko sya kaya kahit ako ang mag alaga sa bata, gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Kwento (Complete)
RomantikJay and Kim was 8 years in relationship. Jay propose to Kim but a women name Amanda, came and said that Jay, is the father of the baby. Is he realy the father? Would Kim, accept the baby kahit hindi nya ito anak? O hahayaan nyang mawala sa piling ny...