Chapter 18 Let him go

12 0 0
                                    

Pinakita ko na kay Jay, at kay Amanda, ang result. Hindi na ako naghintay pa na magsalita pa sila at umalis na ako. Sinabi ko na rin sa boss ko na, mag re- resign na ako pero hindi nya ako pinayagan. Sinabi nyang sa bahay na lamang ako magtra trabaho at e se-send nila ang tra-trabahuin ko.

Hindi na ako nag react pa, mabuti na yung may trabaho ako kahit nasa bahay lang. Kailangan kung mag ipon para sa panga nganak ko. Hindi pwedeng hayaan ko ang sarili ko, lalo na at nay dinadala ako.

"Kailangan mo ba talagang umalis anak? San ka pupunta? Walang mag aalaga sayo lalo na at buntis ka" sambit ni Mama, habang pinapasok ko ng mga gamit sa loob ng sasakyan.

"Ma, i can take care. Tatawag nalang po ako pag malaki na tyan ko o kailangan ko ng tulong nyo. May trabaho pa naman po ako tyaka, tatawag ako sa inyo para kumustahin kayo" umiiyak na si Mama, kaya niyakap ko sya.

"Talaga bang kailangan mong lumayo? Pwede namang hindi mo sya pansinin" kaya humiwalay na ako.

"Ma, hindi nya po alam na buntis ako. Hindi ko pinaalam sa kanya para hindi na nya ako hanapin. Gusto kung maging masaya sya kasama ang pamilya nya" saka ako lumapit kay Papa, at niyakap sya."Pa, take care of Mama, and my brothers. I'll send the money in youre account-"

"No need anak, mas kailangan mo ang pera kisa samin. Tyaka, kami na ang bahalang mag manage ng Restuarant mo" tumango ako at humiwalay na sa kanya.

Nasa school ang dalawa kung kapatid kaya, sina Mama at Papa, lang ang nasa bahay maliban Kina Aling Marsing. Okay na rin yun para hindi umiyak si Bunso, napaka iyakin pa naman non.

"Aalis na po ako Ma, Pa. Tatawag na lang po ako" tumango sila at pumasok na sa sasakyan. Hindi nila alam kung san ako pupunta, dapat kasi ito ang gift ko kay Jay, sa 8th Anniversary pero hindi ko na naibigay. Dapat dito kmi pupunta pagkatapos ng Hiking pero naaksidente sya kaya wala rin.

Iniwan ko ang Pink Ferary ko sa bahay, madali lang akung makikila ni Jay, lalo na at ako lang ang may Pink Ferary sa Manila. Ginamit ko ang sasakyan ni Dad, hindi na naman nya ito masyadong ginagamit kaya hiniram ko nalang.

2 hours  ang byahe papunta dun pero okay lang, tatawagan ko muna si Ate Charrize, para ipaalam sa kanya. Si Jessa, pa lang ang nakaka alam ng lahat at busy sya ngaying lunch dahil may pupuntahan silang lugar ng mga drug adik.

"Anak ng nining ka Kim, bakit hindi ka dumaan sa bahay. Nabasa ko lang ang message ni Jessa, na aalis ka ng Manila. San ka pupunta huh? Hindi mo man lang sinabi samin ang mga plano mo" kaya napangiti ako kay Ate.

"Ate, sa Vacation house muna ako. Alam mo na kung san yun, dalawin nyo nalang ako pag gusto nyong pumunta."

"Alam na ba nya?" malungkot nyang sambit.

"Hindi ko pinaalam ate. Mas okay na yun  para hindi na nya ako guluhin, may sarili na syang pamilya. Kasal na nga lang ang kulang" natatawa kung sambit.

"Kinakaya mo pang ngumiti dahil kausap mo ako pero pag nag isa ka nalang iiyak ka na nyan nang malala. Alalahanin mo, may dinadala ka kaya dapat alagaan mo ang katawan mo. Uminom ka ng maraming tubig, kumain ng prutas at wag mag diet diet. Hindi yun nakakatulong." napangiti na lamang ako.

"Tapos na akung umiyak ate, hindi na ulit ako iiyak. Siguro masakit pero tama na. Ako lang yung nasasaktan, ako lang ang mahihirapan" hindi aya umimik at bumuntong hininga na lamang.

"O sya, bahala ka. Basta tatandaan mo, nandito lang kami palagi para sayo. Kung may kailangan ka, nandito lang ako, kami na kaibigan mo" ang swet na ate, kinikilig ako.

"Okay, salamat ate. O sya, ibaba ko na ito. Magpapa gasolina lang ako" sambit ko.

"Okay, ingat. Have a safe ride" saka ko binaba ang tawag at  hininto ang sasakyan sa isang gasoline station.

Bibili na rin ako ng makakain para mamaya. Malayo layo ang pupuntahan ko, kailangan ko ng makakain, hindi pa naman ako ng lunch. Siguro dadaan nalang ako sa Jollibee o di kayay Mcdonald, basta maka kain lang.

After a long trip papunta sa vacation house ay nakarating din, wala pa itong masyadong gamit kaya bukas ay bibili ako sa Mall. May nadaan ako kaninang bahay, at mukhang simpleng pamilya lang sila kaya inaya ko silang pumunta sa bahay bukas. Malapit lang naman ang bahay nila sa bahay na tutuluyan ko, at itatanong ko na rin kung pwede silang mag trabaho bilang katulong. Hindi ko magagawa lahat ng gawaing bahay kaya kailangan ko ng katulong.

Hapon na, mabuti nalang at nakapag order ako ng 3 pcs para sakin. Nakain ko na sa lunch ang isa at snack nalang hanggang makarating dito kaya may dalawa akung dinner.

Tatawagan ko nalang mamaya si Rose, para makibalita. Hindi ko malalaman ang galaw nila lalo na at nasa malayo ako. Kakain na nga muna ako.

After 15 mins. Ay tapos na akung kumain, kaya kinuha ko na ang phone ko at tumawag kay, Rose. Sana naman walang nangyaring hindi ko inaasahan.

"Ate, mabuti tumawag ka. Si kuya, hindi pa umuuwi mula nang mabasa ang letter na binigay mo. Galit na galit, hindi namin ma contact" sa ngayon lang yan, lalo at nakasanayan nyang lagi akung nasa tabi nya.

"Hayaan nyo muna sya, uuwi din yun. Nabasa na ba ni tita, ang letter ko?" sambit ko.

"Hindi ko pa alam ate, wait lang tatanungin ko" nang marining kung bumaba sya ng hagdan."Ma, nabasa mo ba ang letter ni Ate, para sa inyo? Nakalimutan kung may letter din syang binigay"

"Nabasa na namin. Hayaan mo na natin ang kuya mo. Babalik din si Kim, at hindi ko hahayang umalis sya ng ganon ganon lang. I don't like Amanda, either" sambit ni Tita.

"Babalik na po ako sa kwarto, akala ko hindi nyo nabasa ang letter. Tatawagan ko nalang ulit si Kuya, at baka sumagot" saka aya naglakad ulit."Ate, narinig mo ba?"

"Oo, kaya hayaan mo muna ang kuya mo. Tawagan mo nalang sya. Gabie na at baka nasa bar lang yun, o baka nasa Condo. Call my telephone number. I'll send it to you. I need to rest know, bye"

"Bye ate, take care" saka nya binaba anv tawag.

Hindi ako dapat mag alala sa kanya, alam kung malalagpasan nya lahat ng ito. Hindi man kami pwede, atleast i have someone na e tre- treasure ko. I have my baby for me.

Ang Aking Kwento (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon