"Magandang umaga maam, nagluto kami ng saging at Camote, baka gusto nyo" saka nila nilahad ang mga dala."Hali po muna kayo sa loob. Wala pa akung masyadong gamit kaya pag pasinsyahan nyo na" saka sila pumasok sa loob ng bahay.
"Ang ganda po ng bahay nyo maam. Hindi lang sa labas, pati sa loob" ngumiti ako at kinuha ang dala nila at nilapag sa mesa.
"Salamat sa complement at sa dala nyo. Kakainin ko mamaya pero may sasabihin ako. Umupo muna kayo" saka sila umupo.
"Ano po yun, Maam?"
"Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Kim, wag nyo akung tawaging Maam, Kim nalang. Kayo?" sambit ko.
"Ako po si Andre, sya ang asawa kung si Ana, at ang mga anak kung si Drea at Charls" pakilala ng Ama ng tahan.
"Kinagagalak ko po kayong makilala pero nag aaral pa ho ba ang mga anak nyo?" saka nagkamot ang Ama, nito at ngumiti lang ang Ina na Si Ana.
"Nag aaral po kami, pero pa minsan minsan lang po ate. Wala kaming pera pambayad ng pamasahe at baon. Ang layo ng paaralan namin" sambit nito na syang ikinagulat ko.
"Ano po bang trabaho nyo Mang Andre? Sayang naman po kung hindi sila makakapag aral ng maayos" malungkot kung sambit.
"Magsasaka lang po ako Maam Kim, tyaka matagal po bago maani at maitinda sa tindahan ang mga pananim kaya minsan lang ako magkapera" ang hirap pala talaga ng buhay nila.
"Ganito nalang po. Dito po muna kasi ako mamamalagi, kailangan ko ng kasambahay. Pwede po ba kayo Aling Ana?" saka umaliwalas ang mukha ni Aling Ana.
"Okay na okay sakin yun Maam Kim, makakatulong na ako sa asawa kung mag hanap buhay" kaya napangiti ako.
"Kambal ba kayo? " babae at lalaki kasi sila at magkahawig na magkahawig.
"Identical twin po ate" kaya napatango ako.
"Maari nyo ba akung samahan mamili ng gamit sa bayan at mag grocery na rin? Dun nalang tayo kumain ng Lunch sa carenderia" at tumango sila.
"Ang bait nyo naman po ate, pero kumakain po kayo ng mga Carenderia?" ngumiti ako at tumango.
"Galing din ako sa hirap kaya nakakain na ako dyan, hindi ko yun itatangi. Ano tara?" saka sila napatingin sa damit nila. "Magpalit muna kayo, dadaanan ko na lang kayo sa bahay nyo. Kakainin ko na rin ng binigay nyo"
"Ang bait mo ate" ngumiti ako at nagpaalam na sila para umalis.
Pagkatapos kung kumain ng snacks ay naligo na ako at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng short at t-shirt na white saka naka tsinelas. Okay na to, mamimili lang naman kami ng grocery at gamit ng bahay.
Paintings, sculpture at kung ano anong anik anik na pwedeng e decorate sa bahay. May mga sofa, tv at iba pa na naman sa bahay. Sadyang kulang lang ng decoration.
15 mins. Lang ang byahe papuntang bayan at mabuti nalang meron silang mall kahit hindi kalakihan pero okay lang atleast may mga gamit akung mabibili.
Una naming pinuntahan ang grocery, ang kambal ang taga tulak ng cart ko para sa grocery sa bahay samantalang tulak namin ng mag asawa ang cart na para sa kanila. What if ang kambal ang papiliin ko ng gusto nilang grocery, mas okay na yun. Malaki na naman sila para pumili.
"Okay Drea and Charls, i got an Idea. What if pabibilhin kayo ng mga kailangan sa bahay nyo, mabibili nyo ba lahat?"saka aila nagkatinginan at tumango.
"Okay, you may know go" at saka nila hinila ang tulak na cart ng mag asawa at nagmamadaling umalis."Samahn nyo na po Mang Andrea, baka san pa po sila pumunta. Ako na bahala sa cart ko"
"Salamat maam, ang bait nyo po" ngumiti lang ako at umalis na ang mag asawa.
Namili na ako ng mga grocery na kailangan ko sa isang linggo, mas okay nang isa sa isang linggo mag grocery para hindi sayang sa gas.
"Ate, okay lang bang kumuha kami ng Slice bread?" kaya napatingin ako kay Drea.
"You can, bigyan mo na rin ako ng dalawa" tumango sya tumakbo n ulit."Hinay hinay lang at baka madapa ka"
Nagsimula na ako ulit mamili ng makita ko ang dried Mango at kumuha ako ng lima nito. Its our favorite, sana makabili din ako nang green Mango, sa mga tinda-tindahan. Kahapon pa ako natatakam kumain.
Natapos na akung mag grocery kaya hinanap ko sila at nakita ko silang naghihintay sakin kay a lumapit na ako. Tinignan ko ang grocery nila at ang kunti, tig iisang peraso pa.
"Kasya na ba yan sa inyo ng isang linggo?" wapang nagsalita sa kanila, halatang naghihiyang magsimula."Aling Ana, kayo po ang nasa bahay kaya ikaw ang nag bu- budget. Kasya na po ba yan sa isang linggo?"
"Nahihiya po kami Maam Kim, kaya yan lang po ang pinili namin" kaya ngumiti ako sa kanila.
"Ngayon lang po ito, mag tra-trabaho na naman po kayo simula bukasa kaya pagkasyahin nyo na nang isang linggo" hindi na sumama si Mang Andre, na halatang nahihiya pa sakin.
"Maam, salamat po ah. Hindi ko po alam kung paano-"
"Mang Andre, huwag na po kayo magpasalamat. Gusto ko lang po makatulong habang nandito ako sa lugar nyo. Hindi po ako magtatagal ng isang taon pero gusto kung makatulong kahit ito lang. Nakaranas din po ako ng hirap, galing kami dyan ng pamilya ko kaya tutulong ako hanggat nandito pa po ako" sambit ko.
"Hindi nyo naman po kami kilala, ni hindi nyo nga ho alam kung baka magnanakaw kami o ano" saka ko tinulak ang cart ko para pumila sa counter.
"Ang dyos na po ang bahala sa lahat, gusto ko lang naman makatulong" sambit ko." Nga po pala, san ho pwedeng bumili ng Mangga, yung green pa yung kulay Mang Andre?"
"Madami sa bukid maam, wag na kayo bumili. Bakit po? Nag dadalang tao po ba kayo?" at tumango ako."Tamang tama po Maam, sa inyo na po lahat ng bonga"
"Mang Andre, naman. Hindi naman po ako matakaw" kaya natawa nalang kaming dalawa.
"Pinapasaya ko lang po kayo, Maam. Para kasing ang lungkot ng aura nyo. May tinakasan po ba kayo sa lugar nyo?" kaya sumeryoso ako.
"Umalis po ako nang hindi nagpaalam sa Fiance ko, nalaman ko po kasing may anak sya sa iba. May deal po kaming napag sunduan ng Ina ng baby kaya umalis ako. Gusto ko rin po kasing mapag isa, mag explore pa ng ibang bagay, sa ibang lugar" malungkot kung sambit.
"Alam mo kasi, Maam Kim. Hindi namang umuwis, hindi masamang lumayo pero kung mahal ka ng lalaking iniwan mo, hahanap hanapin ka nun. Siguro lumayo ka dahil sa na pag- kasunduan nyo pero nasa lalaki parin ng desisyon kung sino ang pipiliin nya, lalo na at buntis ka rin" wala akung masabi sa sinabi ni Mang Andre, pero okay na rin at may natutunan ako.
"Ano ate, okay na ba? Kakasya na yan" sambit ni Charls.
"Sigurado ka?" sambit ko at halatang nag dadalawang isip sya.
"Kasya na ba yan ma?" saka sya tumingin sa Ina, nya na nagkibit balikat. "Ate?"
"Hahahahaha" sabay naming sambit lahat, ng sumimangot sya.
"Pinag tri- tripan nyo naman ako eh" malungkot nyang sambit.
"Okay lang yan, napangiti mo naman ako" kaya ngumiti na sya.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Kwento (Complete)
RomanceJay and Kim was 8 years in relationship. Jay propose to Kim but a women name Amanda, came and said that Jay, is the father of the baby. Is he realy the father? Would Kim, accept the baby kahit hindi nya ito anak? O hahayaan nyang mawala sa piling ny...