PROLOGUE

20 6 0
                                    


"There's no choice. Wala kami ng daddy mo at next month pa kami makakauwi... Ikaw lang pwedeng kumausap sa client, iha.."

"I can't! Mom, Im very busy. Marami akong projects at hindi ko na kaya kung dadagdag pa yan!" Inis kong tugon. Ang sabi kasi nila ay sabay kaming uuwi dito sa Pinas. I lived in Canada for 3years in some reasons and studying architecture there is one of it. Kakauwi ko lang last month at dumagsa kaagad ang mga projects sa 'kin. Hindi nakasabay sila Mom and Dad na umuwi kasi may di pa natapos na work don. They promised na susunod sila a week after! But it's been a month at mag eextend nanaman sila.

"But It's very important person....we just can't turn down his proposal..."

"I already told you, I can't! Marami pa namang ibang archi dyan."

"Ang sabi nya, kami ang gusto nyang makausap pero we can't, hindi pa kami uuwi ng daddy mo. Ikaw lang ang pwede nyang makausap,"

Sino ba kasi tong pa-epal na 'to. Artista ba sya? Anak ng presidente?

"Aba! Mommy, kung gusto nya lumipat siya sa iba!"

Well, Martinez Company have the very talented and well-passionate Engineers and Architects.

Pinatay ko na ang tawag at itinuloy ang ginagawa ko dito sa opisina. Friday the 13th ba ngayon? Bakit ba ang malas ko sa araw na 'to.

"O bakit byernes santo ang mukha mo dyan?" Tanong ni Piper. "You're stressing yourself too much. How about bar hopping next saturday?" Ngisi nya sakin

"Sure. Inform Farrah and Haydeil." I said.

Pumasok ang secretary ni mommy at ipinasa sakin ang cellphone nya. Tumatawag daw ang kliyente ni mommy at gusto nyang makausap ang architect.

"What, why me!? Ikaw nalang Pipe!" Pasa ko sakanya nung phone

"Ayoko nga! Ikaw daw diba." sagot niya at inirapan ako.

Inirapan ko din sya at kinuha ang phone

"This is Martinez Company, what can we do for you sir?"

"Hello, good day ma'am....I am Sam, the secretary... Mr. Dela Cruz wants to talk to you personally...we're gonna text you the details ma'am, if it's okay?" Sabi nong nasa kabilang linya

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan noong narinig kong ang apelyidong 'yon. It can't be! Hindi naman siguro sya 'yon. Maybe, ka-apelyido nya right?

"Ah y-yeah, sure" binalik ko na ang phone sa sec. Ni mom. Nagpaalam narin sya

No, hindi sya 'yon. Ang kapal naman ng mukha niya kung pinili niya ang kompanyang ito para sa serbisyo namin. He knows that this is our family company. It can't be!

Pinitik ni Piper ang noo ko at inirapan ko naman siya "Hoy, ano naman 'yang drama mo at natutulaley ka dyan?"

"Tell me, maraming Dela Cruz dito diba?" Tanong ko sakanya.

Taena talaga! Ba't ba ang malas ko ngayon. And why I am so affected! Fuck, it's already 3years! Hindi malinaw kung siya 'yon at hindi din malabong si Finn ang Dela Cruz na 'yon.

"Hm? I don't know, pero may kilala akong Dela Cruz," ngisi nya.

"It's not what you think!" Sigaw ko naman.

"What am I thinking? Defensive ka masyado HAHAHA" pang-iinis niya pa "Anyway, I have to go. Marami pa akong blueprints na tatapusin." She kissed my cheek and leaved my office.

Hanggang ngayon ay kinu-kumbinsi ko parin ang sarili kong hindi siya 'yon. Ano namang ipapa design nya? House? Pamilyado na ba siya? After 3years, I don't heard any news about him. We also didn't communicate. Why would us?

Tinext sa 'kin ng sec. ni mommy kung saan kami mag kikita at kung anong oras. It's 8:30 tonight, at Italian Restaurant near our company.

Tinawagan ko ang secretary ni mommy at sinabi kong siya nalang ang pumunta at masakit ang ulo ko. Ofcourse my alibi. Pero sinabi niya na ako daw dapat , kasi ako yung architect. As if Im gonna accept it. I have a lots of project. Pero ipinagpipilit nyang ako daw dapat.

Papunta na ako sa meeting place namin at doble doble ang kabang nararamdaman ko. Ipinagdadasal na sana bumagal ang oras. Pero bakit ba ako natatakot? Hindi naman sya 'yon.

I just wore a plain-dark green sheated dress and a color beige pumps. I even put a light makeup, gabi narin naman at hindi kailangan 'yon. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok at kinulot ito ng kaunti.

Tinanong ng isang waitress kung may reservation ba ako at sinabi ko ang apelyidong Dela cruz. Iginaya nya ako sa table namin.

Nanlaki ang mata ko ng nakaharap ko ang lalaking hindi ko inaasahang makita ko. Blangko ang ekspresyon niya at parang inaasahan na niyang ako ang makikita niya.

"Long time no see, Averi Dream," bati nya.

"It's not nice to see you, Finnegan Dela Cruz."

***

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincedental.

Reminder: This story contains a strong language and some mature themes that not suitable for very young readers. This story and the author is not perfect, it might have grammatical errors and typos.

READ AT YOUR OWN RISK!!!


-IRISHNN

Target of PassageWhere stories live. Discover now