Happy Sunday!!!
Tuwing linggo ay hindi ko na kailangan pang mag alarm ng sobrang aga. Dahil rest day ngayon, minabuti kong maligo na para sa misa mamaya sa parokya. Hindi ko nakakaligtaan magsimba tuwing Linggo, isang oras lamang naman yon at may panahon akong mag munimumi hahaha."Mga kapatid, ang pagmamahal ng Diyos ay walang kapantay. It is the first ever unconditional love ever. He is the only one na hindi ka iiwan, He won't leave you nor forsake you. All you need is to trust His plans. Yung mga hinihiling mo? Maybe nasa proseso ka na ngayon, that's because of His greatest love sa atin." Sermon ni Father.
"When we say unconditional love, isang uri ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Walang kapantay! Kaya mga kapatid, kung pakiramdam mo walang nagmamahal sayo, na iniwan ka ng mundo? Lumapit ka sa Panginoon. Hindi ka nya irereject. Hinding hindi."
"Sumainyo ang Panginoon."
"At sumainyo rin."
Hinintay ko muna makalabas ang maraming tao sa loob ng simbahan, nasa unahan kasi ako lagi nakapwesto. Maya maya pa'y may hindi kanais nais na pamilyar na pigura ng tao ang nahagip ng mata ko.
"Nako Gov, buti naman ho at dito na kayo nalalagi magsimba. Pagpalain po kayo ng Maykapal." Tuwang tuwa ang mga matatanda dito sa simbahan dahil kay Governor Silverio.
Mga plastik.
Hindi nila kilala si Gov kaya sila ganyan. Sorry Lord! Pero hindi dapat nila iniidolo ang ganyang uri ng tao.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Siguro ngay nag bago na ang taong iyon dahil matagal nang panahon noong may ginawa syang di kanais nais sa mga kumakalaban sa kanya. Naiinis pa din ako. Kahit na sya ang Daddy ni Ambo. Hindi na yata magbabago ang tingin ko sa kanya bilang isang pulitikong madumi ang Political tactics.
Ayoko talaga sa pulitika.
"Rhea? Hey, ikaw nga hija." And an old man is currently looking at me straight.
"Ah, kayo ho pala Gov." Kunwari ay hindi ko ito napansin, dahil ayokong makipag usap sa kanya.
"What a small world hija. Kamusta ka na? Nagkita na ba kayo ni Daven?" Tanong nito. Mahinahon din sya nagsalita, isa sa madaming bagay na namana ni Daven bukod sa pagiging gwapo at matipuno. "Ahh yes Gov. Kahapon po ay nagkasabay kami sa mall." maiksing sagot ko rito at binigyan sya ng tipid na ngiti. "Are u busy? Let's have lunch together. I'll invite Daven as well. And I don't take no as an answer " Makakatanggi ba ako? Pero hindi ako comfortable. Matagal na din na hindi ako nakabalik sa Casa Silverio. Isa sa malalaking Mansyon sa Batangas.
"Come on hija. It's time for us to bring back the closure we used to. Lalo na kayo ni Daven, matutuwa yon for sure." Tumango na lamang ako at sumunod sa kanila. Hindi talaga ako komportable sa gantong set up. Hays.
Pagdating sa Casa Silverio ay hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang mga kulitan namin ni Ambo dito. Dito kami nagpa-practice ng mga debate nya, dito kame sa pool side nag rereview ng sabay, nag suswimming pagkatapos, at kumakain tsaka umiinom ng sobrang dami para mag celebrate tuwing may mga achievements kami.
"Sigurado akong matutuwa si Daven na makita ka. It's been a year simula nung bumalik ka dito. And besides, maybe this time hindi ka na nya pakawalan. Look at you Rhea, you are a healthy woman! You are simple and look like your mother." Bahagya pa itonf tumawa ng mahina. Ang hindi ko maintindihan ay ang pag banggit nya kay mama gayong isang beses lang naman sila nagkita, noong Victory party nya as Governor. "Ah, kilala nyo ho pala si Mama." Puna ko sa kanya. "May picture kasi kayo nina Daven sa sa living room. I think that's during your Elementary days. And if I'm not mistaken it was shot noong birthday mo." Tama sya. I miss the old times. Noong masaya pa kami, ni Mama, ni Papa, ni Daven. "Ganoon ho pala, nasaan ho si Ambo?" Pag iiba ko ng usapan. Baka kasi kung san pa mapunta ang mga sinasabi nya. "All this time, ikaw na lang ang tumatawag sa kanya ng nickname nya. Lahat kami pinapagalitan nya kapag tinatawag namin sya nyan. Even me na Daddy nya. Hahahaha." And hindi iyong nakapag tataka. We made an endearment before noong nasa Highschool na kami.
BINABASA MO ANG
Sunset
General FictionIsa sa masakit na karanasan ng isang tao ay ang pagharap sa masakit na katotohanan. Maaring maging dahilan ito ng pagkabigo, pagluha o di kaya naman ay pagbabago. Si Rhea, isang dalagang bago pa lamang sa propesyon ng pagiging guro. Hindi dahil yun...