Abigail's PoV
Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay takot parin ang makikita sa mga mata ni Sejun. Tss, mukha namang naguguluhan ang iba.
Yes, I'm the girl in Black. I'm SB19's Guardian Angel. Hindi porket nakablack ay masama na ok?. Black ang suot ko ngayon dahil hindi sila ok. Tsk. Pero buti nalang at puti parin ang chain na nasa skirt ko, ibig sabihin may pagasa pa silang magkaayos.
Hindi ko na pinatagal at may malakas na pwersa akong inilabas dahilan upang lumiit ang mga katawan nilang lima at umikot na parang mga ferriswheel ang kanilang mga katawan.
"Dadalhin ko kayo sa panahon kung kailan, marunong pa kayong makuntento, maging tapat, at panahong matatag pa ang inyong pagkakaibigan. Maraming nagbago pero hindi ibig sabihin nun pati ang samahan niyo ay magbabago. Ipapakita ko sa inyo ang nakaraan. Kailangan niyong magtanda!" Hiyaw ko sa kanilang lahat at sabay sabay silang nagsibagsakan sa loob ng practice room nila noong mga panahong trainee pa sila.
Sejun's Point of View
"Aahhh ansakitt" hiyaw namin ng bumagsak ang mga pwetan namin sa sahig. Napatingin kaming lahat sa nakatayong si Justin. At mas nanlaki ang mga mata namin ng makita namin ang sarili namin na nagpapractice sa harap ng salamin.
"Teka, ito ba 'yung mga panahong trainee pa tayo?" Napatayo si Stell at inililibot ang paningin.
Napasinghap kami ng maya maya lang ay parang may malaking TV sa harap namin dahil napapanood namin ang mga sarili namin sa mismong harapan namin 'yung mga panahong nagtutulungan kami para lang makasayaw ng maayos si Ken, dahil hindi nga daw siya gaanong Flexible. Mga panahong parehas kaming pawisan lahat, mga damayan namin tuwing nalulungkot at namimiss ang pamilya namin sa pilipinas. Mga panahong chinicheer at pinapalakas ang loob ng bawat isa tuwing nalulugmok sa lungkot at pagkawala ng pagasa. Lahat ng 'yon ay nakikita namin sa harapan namin.
"Hahaha mukhang timang" natawa si Ken sa sarili niya, natawa rin kaming lahat.
Tila umikot ulit ang paligid namin at nalipat naman sa ibang senaryo, maliit lang na kwarto at nandun si Josh, kumakanta ay hindi, pilit na kumakanta. May pagkasintunado pero alam naman ng lahat na napapag aralan 'yun. Duon mismo sa senaryong 'yun ay lumapit si Stell sa kanya at tinuruan ng ilang teknik sa pagkanta. May isa pang scene na nagpapakita na nawawalan na ng pagasa si Stell pero chineer-up siya ni Josh. Nagkatinginan silang dalawa at napapatungo nalang. Napailing naman ako.
"Stell, hindi porket magaling kang kumanta at sobrang ganda ng boses mo ay magyayabang ka na sa hindi mo kalevel, hindi mo man sabihin na hindi ka nagyayabang ay 'yung ginawa mo kagabi ay pagyayabang na 'yun. Masyado kang pakumpyansa" pati ba naman ang nagyari kagabi ay alam din ng lady in black na 'yon?.
"Nakakahilo na ah!" Hiyaw ni Ken ng muling umikot ang paligid at nalipat sa practice room namin, practice room habang pinapractice namin ang 'Go Up'.
Napanood namin si Ken, kung paanong turuan ni Stell at ni Josh sa pagsayaw. Kung paanong I bend ng mas maayos ang mga binti at tuhod. Pinag stretch pa nila para lang mas maging maayos. Pagkatapos ay sama sama kaming mag ensayo. Napakasimple pa ng lahat.
"Ayan! Ken! Huwag kang mayabang dahil kung ano man ang narating mo ngayon ay dahil narin sa pagtulong sa'yo ng mga kasamahan mo" mataray man ang pagkakasabi ay may point naman si lady in Black.
Parang masusuka na ata ako dahil mukhang umikot nanaman ang paligid namin, para ng nag upside down ang paligid namin. Argh!.
"Josh, kung ano man ang pinagdadaanan mo. Huwag kang mahihiyang lumapit sa mga kasamahan mo. Binuo kayo bilang grupo kaya itrato niyo ang bawat isa ng tama at parang isang pamilya" habang nagsasalita si Lady in Black ay nakikita namin si Josh na umiiyak mag isa sa kwarto niya, kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya habang naiyak. Ito 'yung mga panahong nagiisa siya, ayaw niyang magsabi samin.
"Kahit anong sabihin ng iba, huwag kang mawawalan ng pagasa. Tinupad mo ang pangarap mo para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao" muling nag iba ang scene at 'yun 'yung time sa fan signing event.
"Hindi ka magaling kumanta, tingin mo ba deserve mo ang mapasama sa grupong 'to?" parang nag echo sa buong paligid namin ang sinabing iyon ng babae sa harapan mismo ni Josh.
"Alam mo para gumanda ang grupong 'to?.... Umalis ka" muling nag echo iyon at nakita ko sa gilid ko mismo si Josh na umiiyak na habang nakatingin sa senaryong pinapakita samin. Kung pwede lang batukan 'yung babae ay ginawa ko na lalo pa't nalaman kong nakikita nga namin sila pero hindi nila kami nakikita. Gets mo?. Hehe.
"Justin, hindi porket hindi sinasabi sa'yo ang problema ay hindi ka na importante sa kanila. Ginagawa nilang itago sa'yo ang lahat dahil ayaw ka nilang masaktan" Hindi ko makita ang lady in black kung nasan siya. Basta naririnig namin ang boses niya.
Parang nagkaroon nanaman ng screen sa harap namin at ipinalabas dun 'yung nangyari kani-kanina lang.
"Jah, aware si Sejun-hyung mo na may nagbago sa grupo niyo, kaya ginagawa niya ang lahat maitago lang ang mga pagbabagong 'yun para maprotektahan ang nararamdaman mo. Kaya huwag ka ng magalit sa kanila hehe" tumawa pa ang babae, ngayon pa talaga tumawa eh nagiiyakan na nga.
BINABASA MO ANG
GO UP : GO BACK
FanfictionAs the time passes by, a Filipino boy group will be more famous and popular internationally. Malaki ang nagbago at malayo na ang narating ng kanilang grupo. Sa kanilang pagsikat ay may pagsubok na kaakibat. Pagsubok hindi lang bilang isang grupo ku...