POL #5. Mag-aral ng mabuti

259 31 6
                                    

A/N; Dedicated to all students like me, ENJOY READING ASUL HEARTS...

___
Mag-aral ng Mabuti
Isinulat ni: SimpleGirlOnBlue

Mag-aral ng mabuti ang bilin sa akin,
Ng mga magulang kong nagmamahal sa'kin.
Dahil ito'y mahalagang Batas na kailangang sundin,
Ng sinumang kabataang katulad ko rin.

Pag-aaral ng mabuti ay isang Batas,
Na kailangang sundin ng hindi marahas.
Upang magkaroon ng magandang bukas,
At ang bulsa ay hindi na mabubutas.

Kung ang Batas na ito'y magagawa natin,
Hindi na maghihirap mga magulang natin.
Dahil mga Batas nila'y natupad natin,
Nang walang halong kirot sa puso natin.

Kaya tayo na't mag-aral ng mabuti,
Para maging proud sila lagi.
Sa mga ipinapakita nating mabubuti,
At sa huli ay 'di tayo magsisi.

💙END💙

Poetry of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon