Sino ba ako?
Anong kinalaman ko sa mundong ito?
Bakit ako nandito?
Kailangan pa ba nila ako?Mga tanong na hindi ko masagotsagot
Alam kong nakakatakot
Pero nandito na ako ano pa bang magagawa ko
Hindi ko na nakikita ang halaga ko
Hindi ko nararamdaman na buhay ako
Sabihin niyo ng maarte
Pero hindi ko na din maintindihan ang sarili koA K O
Tatlong salita
Madaling basahin
Madaling tandaan
Pero ang tanong ko
Anong kahuluganRamdam ko naman na basura ang tingin niyo sakin
Bat pinaparamdam niyo lang sabihin niyo na din
Ako naman ang dahilan ng lahat
Bakit? Hindi pa ba sapat?Sabi nila makuntento daw ako sa sarili ko
Makuntento saan? Basurang tulad ko?
Oo.
Ako ito lahat ng sinasabi ko
Medyo nakakatakot na kasiMaraming bumubulong sa utak ko
Sabihin niyo ng baliw ako pero totoo
Mga boses na tunog demonyo
Pilit nila akong binabaon sa lupa
Ngunit lumalaban parin akoMga gabing nagiging araw
At
Mga araw na nagiging gabi
Hindi na tumitigil ang utak ko kakaisip
Ng mga pangyayari na hindi pa nangyayari
Pawis, Dugo, Boses at Ako
Ang apat na palatandaan na buhay akoWalang istraktura ang tulang ito
Pero wala na akong pakielam
Ito ang nararamdaman ko
Gusto ko lang naman isulat
Gamit ang tulang itoAKO....
Matagal na akong nawalan ng pag-asa
Mahanap ang sarili ko
Hindi naman na ako umaasa na
Maibalik ang ako