Chapitre 7

77 7 1
                                    

To the real Candle, happy birthday!!!❤ Dedicated sa'yo 'to kasi ang ganda mo, yez. Hahaha. Love you!💓

And also to MrWondertainment Happy Birthday!❤

Chapitre 7

Siguro

"'Diba ganyan din 'yung nangyari sa kanya no'ng Grade 6 tayo?"

"Oo, ganyan din 'yon. After ng performance no'ng Christmas Party sa stage."

"Hika ba 'yan?"

"Siguro, baka ganoon."


Pamilyar ang boses ng mga nag-uusap. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nadatnan ko ang mga kaibigan kong nakapalibot sa akin.


"Gising na siya, guys!" Gulat na sabi ni Janus na nakaupo sa tabi ko habang nakahiga ako sa isang hospital bed. Inilibot ko ang aking mata sa paligid, mukhang nasa clinic kami ngayon.


"Ram!" Anila at kaagad na tinanong kung kamusta raw ang pakiramdam ko.


"Ayos na ako. Medyo masakit na lang ng kaunti ang ulo." Sabi ko at bumangon para isinandal ang likod sa headboard ng kama. "Ano bang nangyari?" Tanong ko. Pagkatapos kasi no'ng makita ko si Max na buhat ako, tuluyan na kong nawalan ng malay.


Saglit kong inilibot ang mata sa loob ng silid pero hindi ko siya nakita. Nasa'n kaya siya ngayon?


"'Di mo naaalala, teh? Nawalan ka ng malay!" Tugon ni Candle.


Napatango-tango ako. "Uh..." Itatanong ko ba?


Kumuha ako ng malalim na hangin at marahang ibinuga iyon. Sa huli ay binalewala ko na lang ang asar na matatanggap at itinanong na ang nasa isip ko. "...si Max?"


Natigilan silang lahat. Ilang sandali ay sumilay ang mga ngisi sa kani-kanilang labi at hindi na ako nagulat sa asar na ibinato nila sa akin.


"Magpapasalamat lang naman ako..." Depensa ko sa mga asar nila. Hindi sila naniwala sa akin at nagpatuloy sa pang-aasar.


"Pumasok na ata siya." Si Java ang sumagot sa tanong ko. Umangat ang tingin ko sa orasan ng clinic, alas-dos na pala ng hapon. Tumango na lang ako at saka muli na silang nagpatuloy sa pang-aasar.


Nalaman ko na hindi pala sila pumasok na siyam para bantayan ako. Hindi pa nga raw sila nagpaalam dahil Cadella raw sila.


"Well, bitch kami..." Ani Elle at Candle at sabay na itinaas ang kanilang magkabilang balikat. Natawa kaming lahat doon.


Maya-maya ay biglang pumasok si Mommy ng clinic. "Gising na?" Tanong niya. Hindi niya ako nakikita dahil nakaharang sa akin ang mga kaibigan ko. Tumango sila at gumilid para makita ako ni Mommy.


Napangiti sa akin si Mommy habang naglalakad papalapit. Hinalikan niya ako sa noo at naupo sa tabi ko. "Papunta na ang Daddy mo." Aniya na ikinagulat ko.


"Dapat hindi na ninyo pinapunta Mommy, ayos na naman na ako..." Sabi ko dahil alam kong busy si Daddy sa resto.


Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla iyong bumukas at dalawang taong nagmamadali ang pumasok.


"Gising na?!" Sabay na sabi ni Kuya Jericho at Kuya Race. Paano sila nakapunta rito? Alas-tres pa ang uwian nila, ah.


"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila. Antimano ang pagliwanag ng mukha nila nang makita at marinig ako.


A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon