Ang Talaarawan ni Joy sa Paggunaw ng Mundo

7 0 0
                                    

          Dumadagundong ang lupa. Nagkakagulo ang sangkatauhan. Walang sinumang makapagpipigil ng sakunang ito. Ang araw na ito ang pinakakinakatakot ko. Pinakakinakatakot nating lahat. Palagi kong sinasabi kay papa na darating ang araw na ito. Darating ang araw na ang zombie virus mula sa isang laboratoryo ay kakalat sa buong mundo. Buti na lang handa ako. Sa talaarawan na ito, isasaad ko ang aking mga nalalaman ukol sa pamumuhay sa gitna ng kaguluhang ito. Ngayon, nananatili ako sa bahay kasama sina Tito Randy at papa. Minsan, isa sa kanila ay lalabas at lalaban para makahanap ng pagkain at palagi kong pinagdarasal na makauwi sila nang buhay at walang virus. Malakas kasi ito makapanghawa ng sinumang nakakasalamuha.

          Nagmula ang virus na ito sa Wuhan, isang lungsod sa Tsina. Ninais nilang lumikha ng isang secret weapon upang gamitin sa kanilang mga kalaban ngunit wala silang kaalam-alam na ito rin pala ang magiging sanhi ng kanilang pagbagsak. Ang naturang virus ay nakawala mula sa kanilang mga laboratoryo at kumalat sa mga kalsada ng Wuhan. Subalit, aksidente lang nga ba talaga ito? Paanong naapektuhan ng virus na ito ang buong mundo, ngunit ang Beijing at Shanghai ay nananatiling ligtas bagamat sila'y katabing lalawigan lamang ng Wuhan? Nakapagtataka.

          Bago ang lahat, kilalanin muna natin ang mga sintomas ng virus. Magsisimula ito sa trangkaso na may kasabay na matinding ubo. Subalit sa mga biktimang napuruhan, nauuwi sa pneumonia at sa kalaunan, kamatayan. Ang virus ay napakabilis kumalat. Maaari itong lumipat mula sa isang bagay na nahawakan ng tao patungo sa isa pang indibidwal. Iyan ay kung hahawakan nila ang kanilang mukha. At sa ngayon, wala pa itong lunas :( Ngunit, maaari itong maagapan at iwasang kumalat sa ibang tao.

          Ito ang mga panuntunan para mabuhay sa gitna ng paggunaw ng mundo:

1. Sundin ang batas
          Sapagkat hindi palaging wasto ang ating mga batas, nararapat lamang na sundin natin ang batas lalo na't sa panahong ito dahil hindi kanais-nais na maiwan sa prisinto katabi ng maraming tao na potensiyal na nagdadala ng virus.

2. Regular na mag-ehersisiyo
          Importanteng manatili ang ating katawan na handa para sa laban, sanayin natin ang ating liksi, bilis, lakas, tatag at iba pa.

3. Manatiling malusog
          Kahit wala tayo sa situawasiyon na ito, importante ito sa ating pagtagal sa apocalypse.

4. Lumabas lamang kung kinakailangan!
          Ito ang pinakaimportante! Napakabilis kumalat ng virus at hindi natin alam kung pati sa hangin ito kumakalat. Lumabas ka lamang kung nauubusan ka na ng pagkain o tubig o kung nanganganib na ang buhay mo.

5. Gumamit ng kinakailangang proteksiyon.
          Kung ikaw ay lalabas, siguraduhin mo na mayroon kang kinakailangang panglaban kung dadating ang panahon na ganap na kinakailangan mo ito.

          Araw-araw, sinisigurado nina papa at Tito Randy na sapat ang aming tubig at pagkain, maayos ang aming bahay, at ang pinakaimportante, mayroon kaming sandata. Hindi naman kinakailangan ang sandata para sa giyerang ito pero kung nasa matinding panganib, maiging maghanda na rin. Kapag lalabas si papa o si Tito Randy, sinisigurado nila na mayroon silang proteksiyon. Maskara para hindi mahawaan ng virus, sunblock para sa matinding init ng panahon na mayroong kasamang skyflakes at tubig.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Talaarawan Ni Joy sa Paggunaw ng MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon