Pagkatapos ng mga ilang minuto, sa wakas ay nakarating na kami sa venue. Na-stuck kasi kami kanina sa traffic, valentines day ngayon kaya ang daming mga nasa labas. Ilang minuto din kaming nahinto do'n, kabadong kabado kami kasi baka ma-late kami sa prom. May practice pa daw kasi 'yung banda nila bago magstart 'yung program.
"Ano nga ulit pangalan ng banda niyo?" Tanong ko sa kaniya pagkalabas namin sa kotse niya.
Tumawa naman siya atsaka isinabit sa likod niya 'yung gitara niya.
"Wala ka talagang pake sa iba, 'no?" Sagot niya tapos tumawa. Inirapan ko naman siya dahil do'n.
Kasalanan ko bang hindi ako interesado sa kanila? I mean, hindi naman sila katulad ng One Direction o ng kahit ano pang banda. Kaya bakit ko sila papakialaman?
Kaya nga minsan nagtataka na ako sa mga babae sa school namin. Hindi ko alam kung natutuwa ba sila sa tugtog ng mga 'to o dahil sa itsura lang nila. Ano ba namang silbi ng ang gagwapo nga pero ang sakit naman sa tenga 'di ba? Pero sige na nga, hindi ko muna sila ija-judge since 'tong si Louisse pa lang naman ang naririnig kong kumanta.
Lumapit siya sa'kin, nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit 'yung kamay ko. Hindi nalang ako umangal kasi hindi rin naman siya papayag na aalisin ko, masyadong mahigpit e.
"Monarchs." Rinig kong sabi niya.
"Wow a, mga feeling royalties." Biro ko naman sa kaniya. Tuloy pa rin kami sa paglalakad papunta sa entrance ng hotel. Sa third floor daw 'yung venue kaya dito kami papunta. Sayang nga at hindi pwede mag-check in, hays.
"We're royalties naman e, in our own ways." Sagot niya. Tumingin ako sa kaniya tapos kumindat naman siya.
"May problema ba 'yang mata mo? Kindat ka lagi nang kindat e."
"Wala 'no. Kaya nga alam ko kung gaano ka ka-ganda ngayon."
Hindi nalang ako kumibo pagkatapos niya sabihin 'yun. Bumabanat na naman si mokong e. Akala ba niya ikinagwapo niya 'yun? Konti lang.
Pagkapasok namin sa hotel, kitang kita ko 'yung mga matang nakatitig sa'min ngayon, Halos lahat mga babae na nagchi-chismisan pa. Kung nakakamatay lang ang titig, baka kanina pa kami patay ni Louisse e.
"Sabi siguro nila, 'ang ganda pala ng jowa ni Louisse'." Bulong sa'kin ni Louisse. Tumawa naman ako nang mahina, tapos naramdaman kong mas hinigpitan niya 'yung hawak sa kamay ko.
"Gagi, masakit."
"Ay, sorry. Okay, I'll be gentle na." Sabi naman niya tapos tumawa din. Ayos din tumawa 'to e, nawawala 'yung mata.
"Siraulo." Sabi ko nalang.
Nagtuloy-tuloy nalang kami sa paglalakad kahit na todo titig 'tong mga nasa paligid namin. Ano na naman bang iniisip nila? Nagseselos ba sila dahil kasama ko si Louisse o tinitignan lang nila 'yung ka-gwapo-han nito? Mga echosera. Kung makatitig sa'min kala mo jowa nila 'tong si Louisse.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
General FictionAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.