ELEVEN

60 32 1
                                    


"Vittoria is dead."
"Vittoria is dead."

I froze after hearing that. Paano nangyari 'yon? Parang kahapon lang kasama pa namin siya, pero ngayon wala na? Hindi ako nakagalaw pero naririnig ko pa rin ang pag-sigaw sa'kin ni mama at pag-iyak ni Jewel. It's like I'm paralyzed, but subconsciously active. Anong nangyari? Ba't gano'n?

Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa kwarto ni Vittoria. Alam niyo yung adrinalin rush? Wala ka ng pakialam kung anong suot o itsura mo. Do'n lang ako bumalik sa katinuan nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig na puno ng abo buong braso, at kalahati sa kanyang mukha ang sunog. Napaiyak ako sa sinapit niya, sobrang sakit niyan siguro. Patuloy pa rin a pagpatak ng luha sa mga mata ko. Why does she have to die that way? Pwede namang on the spot boom! Patay.

Kasalukuyan pa rin akong naka-upo sa wheel chair habang binabalutan ng mga tauhan ng kastilyo ang bangkay ni Vittoria, 'di ko lubos maisip na nakarating ako dito ng ako lang mag-isa. Tumingin ako kay Jewel na walang tigil sa pag-iyak, habang pinapatahan naman siya ni Sera. Yakap-yakap pa rin ako ni mama nang biglang pumasok si Azraell sa kwarto.

"Take care of that body, wisely." He commanded to the two men that's about to carry Vittoria out.

Tumango naman sila at lumapit sa amin si Azraell, "I deeply regret her death, she was a brilliant student, " he said and sighed, lumapit naman sa amin sina Jewel at Sera.

"Ano po bang nangyari?" tanong ni Jewel na habang humihikbi. He took a deep breath and spoke.

"She overused her powers according to the medical team, she burned her heart due to extreme exhaustion, they further said that it was because of a continuous training, without having proper rest and tranquility, and we all know that training alone can be too risky- if you're in a midst of dying, you can't use your powers to ask for help as it's lowering your energy levels and is rapidly decreasing." Azraell explained.

Humagulgol naman ng todo si Jewel at pinatahan naman nito ni Sera. "Ang selfish niya, sana sinama na niya lang ako," Jewel muttered, binatukan ko naman siya ng mahina. Lumabas muna si Azraell, si mama, at Sera.

"Loko ka ah, di magandang biro 'yan ah,"

"Pampa-aliw lang eh, damot!"

"Kahit na, ano ka ba? Baka matuluyan ka pa dyan eh, patay ka."

"Ikaw ah, kung hindi kalang talaga pilay kanina ka oa nakatikim sa'kin."

"Don't worry, 'di naman kita gustong tikman, 'di ka naman masarap." I said while forming a small grin on my face. She looks furious af.

"Sino ba namang gustong kumain nang tao? Bobo mo rin eh 'no? Yuck! Kadiri ka!" pwede na ba 'kong sumigaw sa tawa? Hindi niya 'yon naintindihan? Kingina ka Jewel, you're damn dumb. Tsaka, tinawag pa'kong bobo, wow Jewel ah, ang talino mo, 'di na maabot.

"'Did you really got the point of what I just said?" i said, giving her a second chance.

"Oo naman! Anong tingin mo sa'kin? Walang laman 'tong ulo ko? Nako hah, Carlynne iba ka."

"'Di ko naman sinabing walang laman 'yang ulo mo eh ikaw talaga, " may laman ang ulo, utak syempre, pero ang utak walang laman.

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now