CHAPTER 10-BOARDERS

12 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa pagtama ng liwanag sa mata ko kaya agad akong napaunat.

Napatingin ako sa orasan, 9 am na pala akong nagising. Puyat din ako dahil 1:30 am na akong nakauwi kaya masakit yung ulo ko.

Kinuha ko yung phone ko ng may atumawag dito. Napangiti akong makitang si Shekaih to.

"Good Morning!" bati niya. Sobrang energetic niya talaga, kagabi pa. Sobrang saya na nakasama niya yung parents niya.

"Morning" bati ko naman kaya nadinig ko yung hagikhik niya.

"You really hate saying 'good morning' huh?" saad niya kaya napatitig nalang ako sa kisame.

She's right. I hate saying Good Morning or even hearing it to someone. Its reminds me of someone. The one that I loved the most and the same time, the one who hurt me. My father.

"Hey! Ano ka ba? Natulala ka na naman." saad pa niya kaya napa buntong hinga nalang ako at nagpagulong gulong sa kama ko.

"Bakit ka pala tumawag?" Tanong ko sa kanya kaya nadinig ko na naman ang hagikhik niya. "Punta ka sa bahay. Kuya Emman will gonna fetch you right now. See you!" saad niya at agad na pinatay yung tawag kaya hindi na ako naka-angal.

Kaloka talaga tong si Shekiah. Gustong gusto niya talaga akong maging parte ng pamilya nila kay pinaglalapit niya kami ng pinsan niya.


Napatayo ako ng makadinig ako ng sunod-sunod na katok. Napatingin muna ako sa salamin at agad na pumasok sa cr upang maghimalamos at mag toothbrush.

Nagmadali din akong magsuklay at mag-ayos dahil nakakahiya naman kung mukha akong adik na lumabas at makita ako ni Emman na ganito.

Pagkababa ko ay inayos ko muna yung sarili ko bago buksan yung pinto.

"Hi!" Bungad sa akin ni Emman habang nakangiti kaya napangiti ako sa kanya. Ang pogi niya talaga lalo na't chinito siya.

"Eyy" saad ko sa kanya at nakaramdam ng hiya sa kanya. "Uhm? I'm here because Shekiah wants you---" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at inunahan na siya.

"Yah, right. Shekiah just told me earlier" ani ko kaya ginulo niya yung buhok niya. "By the way, come in. Pwede bang maligo muna ako?" tanong ko sa kanya habang papasok siya sa bahay at pinapaupo ko siya.

"Sure, take your time" saad niya sabay upo sa sofa kaya napangiti ako. "Manood ka muna ng tv kung gusto. Promise mabilis lang ako" saad ko at agad na tumakbo papunta sa taas na kung saan ay nandoon ang kwarto ko.

Up and down naman itong bahay namin ngunit hindi nga lang gaano kalaki. Isakto lang para sa pamilya namin dati.

Agad akong naligo at nagbihis narin. Kailangan kong maging presentable sa harap ng parents ni Shekiah. Its my first time to meet them in person. Ayokong sabihin nila o isipin manlang na ang dungis kong kaibigan although hindi naman sila ganun.

"So? Let's go?" Saad ko habang pababa sa hagdan. Dress yung suot ko na siyang binigau sa akin ni Shekiah na tinernuhan ko ng doll shoes.

Nakita kong nanatili ang tingin ni Emman sa painting na nasa sala namin. Its my paint to my mother and father. "You're really good in painting" ani pa niya kaya tumabi ako sa kanya habang nakatingin doon.

I smiled bitterly ng maalala ko na naman yung memories ng painting nito. I was 9 years old when I  painted this. Hindi ko alam na ito na pala yung last bonding namin ng parents ko. They look so in love that time and we're happy in the same time. But it turns out to be the sweetest lie.

"Wow, you look great" ani pa niya kaya naibaling ko yung tingin sa kanya. "Thanks. Tara alis na tayo" saad ko kaya agad na siyang lumabas at ni lock ko yung pinto.

THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon