"Sa mundong ang mga kamao ay laging nakasara,
Manatili kang bukas palad,
Sa takbo ng buhay,
May mga taong mananatili at may ilan na mawawala,
Ngunit huwag kang mangamba,
Sapagkat sa iyong mga nakilala ang iilan lalago sa pagsama sayo,
Ang iilan ay mas lalago kapag wala ka,
Matutong ilingon ang ulo kapag puro kalungkutan ang natatanaw,
May darating sa iyong buhay na mga taong sarado ang utak,
Nakapikit ang mga mata at may takip ang mga tenga,
At ang bibig lamang ang nag-iisang bukas sa kanilang mukha,
Ngunit huwag kang magtanim ng galit sakanila,
Sapagkat ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang storya,
Pillin na ang umiwas,
Panatilihin ang iyong pangarap,
Huwag mong hayaang mawala ito sa pagtakbo mo sa buhay,
Magtanim ng sipag at hayaang diligan ito ng pawis at balang araw namnamin ang bunga nito,
At kapag narating na ang taas,
Matutong magpakumbaba,
Laging alalahanin kung saan at paano ka nagsimula,
Sa gayon, hindi ka mabubulag ng iyong mga nakamit,
Manatiling totoo sa iyong sarili,
At manatiling totoo sa mga taong nakapaligid,
Sapagkat ang pekeng katauhan ay kailanman hindi makakatanggap ng simpatya mula sa totoong tao,
At kung ang pagpapahirap ng problema at kalungkutan ay labis na at sumagi sa isip mo ang pagpapatiwakal,
Dapat mong malaman na hindi nito matatapos ang problema,
Ang tanging bagay na matatapos nito ay ang mga magagandang bagay na darating sayo,
Piliin mong mabuhay,
May mga gabing magdadaan na hindi ka papatulugin,
Sa sulok ng iyong kwarto ay lalabas ang iyong takot at pag-iisa,
Ngunit huwag kang mag-alala,
Sapagkat ang lahat ng gabi ay tinatapos ng maliwanag na araw,
Yakapin mo ang bagong umaga,
Magmahal ng magmahal ng walang hinihinging kapalit,
Dahil hindi ba't ito naman ang rason kung bakit tayo umiibig?
Sa paligid na puro gulo, dahas at pag-hihirap,
Hindi parin natin mapagkakaila na maganda ang mundo,
Magsumikap na maging masaya sa mundong ito,
Anak ka ng inang kalikasan at ng amang kalawakan,
Hindi mababa sa mga bituin,
Hindi mataas sa mga damo,
Marapat kang mabuhay."
BINABASA MO ANG
HIRAYA
PoetryMga salitang produkto ng malikot kong utak, dito sila nakahimlay. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking pagkukumpuni ng salita. Fan of short and random stories? Check out MUNIMUNI! Link below! https://www.wattpad.com/story/210815172-munimuni P.S I woul...