FOUR

4 0 0
                                    

Noong umalis na kami sa coffee shop nauna narin umuwi si Kesleigh kasi magr-ready daw sya para sa family dinner nila. Minsan nga naiisip ko sana ganon din ang parents ko kay Tito Kyle at tita Leighann. Kasi pag nandon ako sa bahay nila, para na nila akong anak kung ituring. Kulang na nga lang magpa-ampon ako sa kanila e.

Nagpasundo na agad ako kay Kuya Fred para makapag handa nako sa mission ko mamaya. Tangina wala man lang akong maramdamang kaba. Naeexcite pa ako dahil parang nakikipag laro lang ako ng baril-barilan.

Habang naghihintay kay Kuya Fred may humintong Ford mustang sa harap ko. Napanganga naman ako kasi ang cool, matte black pa ang kulay. Damn.

Bumaba naman ang windshield at tumambad sakin ang napakagwapong nilalang. charot. Si Atty. Sarmiento na nakataas pa ang kilay.

I rolled my eyes. Nagpanggap naman akong may tinitingnan dun sa malayo kahit na puro students lang ang nakikita ko. Kainis naman kasi, hihinto sya dito tapos ano? Para san? Sa tapat ko pa.

“May sundo ka?”. He asked.

“Obvious naman diba? Maghihintay ba ako dito kung wala?”. Inis na tanong ko. I heard him chuckled.

Mas lalo akong nainis sa ginawa nya. Magtatanong pa eh sobrang obvious na nga. Sa tingin nya ba may dumadaan na jeep dito. Hindi ako sumasakay sa tricycle kasi nakakatakot lalo na pag mag isa.

“Yes or no lang naman ang isasagot mo pinahaba mo pa”. He sarcastically said.

Nagpipigil lang ako ng galit dito sa lalaki na'to. Kung pwede ko lang sya tapatan ng baril dito, gagawin ko. Kahit na ano pang ambag nya sa mundo, parehas lang kaming tao, may trabaho lang sya pero hindi sya mataas para sambahin at katakutan ko. Parehas kaming humihinga sa polluted air, vro.

“Get in”. utos nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay kasi ganyan din ginawa nya sakin kanina.

Anong akala nya? I already forgot his fucking sinned on me? Abogado ba yan? Bakit parang mas mukha pa syang preso.

“Sino kaba para sundin ko?”. Tanong ko bago umalis dun. Nakakairita lang sya pakinggan.

Akala mo kung sinong boss.

Nakita ko naman si Kuya Fred at kumaway para makita nya ko. Kasi baka dun pa sya pumunta sa pwesto ko kanina.

Sumakay naman ako agad. Pagkapasok ko palang ay inis kong tinanggal ang i.d. ko at nilagay sa bag.

“Ma'am bakit dun kayo naghintay? Eh ang init po doon sa pwesto ninyo kanina?”.  Nagtatakang tanong ni Kuya Fred.

“Eh kasi po may pulubing lapit ng lapit sakin kanina eh, binigyan ko na sya ng 100 pesos”. sabi ko at agad natawa dahil mukha bang pulubi si Atty. Sarmiento? Ang ganda ganda ng kotse nya tapos tinawag ko syang pulubi.

Nakarating agad kami sa bahay at agad nagbago ang mood ko. Nakasalubong ko si Lola kaya agad akong nagmano.

Tumingin naman sya sa dining table na parang may sinasabi. Dumako ang tingin ko dun at halos manlambot ako sa nakita ko. Wtf!

Tumikhim si Lola na. “Baka naman matunaw si Atty. Sarmiento, Apo?"

Umirap nalang ako at nagpaalam kay Lola na papasok nako sa kwarto ko. Grabe, umalis ako agad dun dahil ayoko syang makita tapos aabutan ko sya dito sa bahay namin? Ano naman kayang binabalak nya.

Tinawagan ko kaagad si Jazi para sabihin na magpapahinga lang ako ng 1hour at agad ng maghahanda para sa misyon ko. Ipapahack ko lang sa kanya lahat ng cctv doon  sa fucking factory at sa mga dadaanan ko para hindi makita ang pagpunta ko roon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving the EnemyWhere stories live. Discover now