Chapter One

16 9 0
                                    

"Pasensya na anak, kaylangan mo muna tumigil sa pag-aaral,"

Natigikan ako sa pagbabasa ng libro nung narinig ang sinabi ni Mama. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.

"Mama! Ayaw ko tumigil sa pag-aaral! Nagsisikap naman po ako eh. Please po 'wag niyo akong patigilin,"

"Pero anak, wala na tayong magagawa. Kulang ang kinikita ko sa paglalabada. May kapatid ka pa. Kaylangan mong tumigil."

Tumulo kaagad ang luha ko dahil dito.

Kasalanan 'to ni papa e! Kung hindi lang siya mag sugal! Maayos pa sana ang buhay namin ngayon! Masaya pa sana kami! Kung hindi lang siya nangbabae ay mayaman pa sana kami! Kung hindi niya lang kami iniwan!

Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mata ko at tumayo.

"Hindi po ako titigil sa pag-aaral Mama. Gagawa ako ng paraan! Magsisikap ako para makapag tapos ako! Gagawin ko ang lahat,"

Hindi ko na pinakingan ang sinabi ni Mama at pumunta sa kwarto ko.

Bwisit na buhay! Ayaw ko na ng ganito! I deserve more than this!

Kinuha ko kaagad ang maleta ko at inilagay ang lahat ng kaylangan ko.

Gagawa ako ng paraan. Papatunayan ko sa Papa ko na hindi ko siya kaylangan para matupad ang mga pangarap ko!

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko at lumabas sa bintana ng kwarto ko. Madali lang naman ako nakalabas ng bintana. Buti na lang ay hindi ako nakita ni Mama.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay ng bestfriend ko, si Izza. Mabait naman ang mga magulang niya kaya alam ko na papayagan nila ako na tumira doon. Oo na, ako na ang makapal ang mukha.

Huminga muna ako ng malalim bago mag-doorbell. Agad naman ito binuksan ng kasambahay nila Izza.

"Hello po, nandiyan po ba si Izza?" tanong ko sa kanya.

"Oo, nandito siya. Bakit ineng?" tanong niya saakin. Napatingin pa siya sa dala kong maleta. "Kaano-ano mo si Izza?"

"Kaibigan po ako ni Izza, ako po si Dania." ani ko.

"Manang Sita, sino po ang nag-doorbell?" narinig kong sabi ng babae sa loob.

"Kaibigan mo daw, Izza,"

"Po? Sino daw po?"

"Dania ang pangalan niya,"

"Ah... Dani--- Wait what?!"

Narinig ko pa ang pagtakbo ni Izza papunta saakin. Medyo natawa pa ako dahil dito. Ang O.A naman! Hahaha!

"Dania!" sigaw niya pagkalabas niya ng pinto. Yinakap niya pa ako ng mahigpit.

"I missed you bestie!" aniya habang nakayakap saakin. Napangiti ako.

"Bestie, Magkasama tayo last week, 'wag kang over reacting."

Kumalas siya sa pagkakayakap saakin at ngumuso.

"Alam mo naman na O.A ako kaya pwede ba, 'wag kang mag-reklamo!"sabi niya pa. Dumapo ang tingin niya sa maleta na dala ko at napa kunot ang noo.

"Nag-layas ka nanaman?" tanong niya.

"Gusto ako patigilin ni Mama sa pag-aaral,"

"Hah? Sayang naman kung ganon! Ikaw pa naman ang top 1 natin!"

"Oo nga eh. Pero Izza, pwede ba na dito muna ako tumira habang wala pa akong matitirhan?"

"Oo naman! I'm sure okay lang kay Mom!"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

....

"Hindi! Bumalik ka nalang sa Mama mo Dania. I'm sure hinahanap ka na 'non! 'Wag kang gagaya sa anak ko nag-re-rebelde!"

Okay, Hindi ako pinayagan na patirahin dito. So saan naman ako titira?

"Mom! 'Wag namang ganito! Best friend ko si Dani kaya please? For me?" sabi ni Izza at nag-puppy eyes.

"Kayo talagang mga kabataan! Hindi kayo marunong makaintindi! Hindi ako papayag na tumira siya dito!"

"Mommy! Hindi ako papayag! Kapag hindi ka pumayag ay aalis din ako dito! Sasama na lang ako kay Izza!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hini talaga nag-iisip ang babaeng ito!

"Ganon ba? O sige! Layas!"

...

"Hi-Hindi talaga ako love ni Mommy," sabi ni Izza habang humahagulgol.

"Bakit mo naman kasi sinabi 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko naman kasi papayag na siya kapag sinabi ko 'yon. Hindi ko naman alam na pati ako palalayasin niya." aniya sabay punas sa luha niya.

"Mag-sorry ka na lang kasi--"

"Ayaw ko! Hindi naman ako matitiis ni Mom, e. Kahit hindi ako mag-sorry alam ko na pupuntahan niya pa rin ako dito!"

Napailing nalang ako. Ang tigas talaga ng ulo niya... Bestfriend talaga kami. Nandito kami ngayon sa bahay ng kaklase namin na si Kelly. Buti na lang ay pumayag siya na dumito na muna kami.

"Eto, uminom kayo ng juice" sabi ni Kelly sabay lapag ng juice sa lamesa."

"Salamat," sabi ko sa kanya.

"Bakit nga ba kayo pinalayas?" tanong ni Kelly.

"Gusto kasi ng mama ni Dani na huminto siya sa pag-aaral. Kaya ayun... lumayas siya," sagot ni Izza.

Kaylangan niya talaga sabihin 'yon? Ang sarap niyang sabunutan!

"Eh ikaw? Izza? Bakit ka pinalayas?"

"Kasi pinalayas din ako ni Mommy."

Kinuha ko ang juice sa mesa at ininom ito.

"Salamat nga pala sa pagpapatuloy saamin Kelly. Babawi kami sa'yo," nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya. "You're welcome. Sige punta na ako sa kwarto na tutulugan niyo. Aayuwin ko lang." sabi niya at umakyat sa hagdan.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Izza.

"Paano na 'yan? Saan ako kukuha ng pera para makapag-aral?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko ang sulosyon sa problema mo."

Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ng boses mula sa likuran. Tiningnan namin ito at nakita ang lola ni Kelly na nakatingin saamin.

"Ma-Magandang gabi po," bati ko sa kanya. Grabe, ang creepy.

Lumapit siya saamin at ngumiti.

"Meron akong alam na eskwelahan. Walang bayad ang kaylangan. Libreng uniporme, pagkain, dormitoryo, gamit at lahat ng kaylangan niyo libre."

Parang nagkislapan ang mga mata ko dahil sa narinig. Pero teka, meron bang ganong school?

"Ta-Talaga po?"

Tumango siya. "Oo iha. Ang kaylangan mo lang gawin ay sundin ang mga rules." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano pong rules?" tanong ko.

"Hindi mo pwedeng malaman kapag hindi ka pa estudyante doon. Bakit hindi ka mag-enroll? Matalino ka daw sabi ng apo ko. Sayang naman,"

Napahinga ako ng malalim.

Dapat ba akong maniwala?

"A-Ano po ba ang school na 'yan?" tanong ni Izza.

Ngumiti ang matanda. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko dahil dito. Ang creepy ng smile niya.

"Bloody Academy."




Bloody AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon