Chapter 13: The Date

2.8K 50 4
                                    

Harper

Sa totoo lang, I have no clue kung saan ako dadalhin ni Rave. Basta sinabi niya lang na it's something romantic daw and I will never forget this day. Kumanta lang ako ng favorite song ko while he's driving and I want to sing more. This time Skyscraper naman ni Demi Lovato which is my ultimate karaoke song.

"Dang angel, you're not tired of singing yet?" natatawang tanong ni Rave

"Nope. I'm a good singer, right?" tanong ko sa kanya at parang nag-isip pa siya ng isasagot niya

It took him seconds bago siya sumagot. Medyo nakaka-offend ah. Medyo masarap upakan 'tong isang 'to.

"Ahhhh yeah....you are a GOOD singer..." sabat niya at todo emphasize pa sa word na 'GOOD'

Tinignan ko siya ng masama pagkatapos.

"What? May nasabi ba akong masama?" tanong niya na parang nagpipigil pa ng tawa

"Wala naman. Ayoko lang ng mukha mo..." tugon ko

"Whaaat?! Sa gwapo kong 'to lubos ka ngang pinagpala eh. Come to think of it, out of all the girls in this world, ikaw ang gusto, ginusto, at gugustuhin kong makasama..." sabi niya at hala siya...parang biglang kiniliti 'yung puwet ko

"Baliwwww..." pabebe kong sabi sabay hampas sa braso niya

"Baliw na baliw sa'yo..." banat niya sabay kindat

Parang ewan 'to. HAHAHAHA

-----------------------------------------------------

Rave

Alangan namang sabihin ko na parang sinagasaang daga 'yung boses niya diba? Syempre ayokong masaktan ang babaeng mahal ko. Naks. Pero kahit ganoon ang boses niya, okay lang. Boses lang 'yun noh at pwede pang mag-voice lessons 'yun. HAHAHAHA.

So I'm taking her to this hidden beach na ako pa lang ang nakakaalam. I bought it a year ago at plano kong gawin siyang mini resort. 'Yung pamilya namin may resorts na kaya ayoko namang makipag-kumpetensiya pa diba? Ano lang...private resort para lang sa family para in case we want to unwind atleast we have this place to go to. Bago ako pumunta sa kanila ay nagset-up na ako 'dun. Naglatag lang ako ng kumot tapos nilagyan ko ito ng mga petals ng yellow tulips. I don't know. Kapag nakikita ko kasi siya at 'yung ngiti niya, she's like a light to the world. Para siyang nagniningning just like a yellow tulip.

Tapos meron din scented candles na beachy 'yung scent kasi nga nasa gilid 'nung beach 'yung set up. Tapos may mga fastfood snacks lang ako na nasa compartment ng sasakyan para hindi niya makita. I bought cheese burgers, fries, iced coffee, doughnuts, churros, and a few more to mention. Sana talaga magustuhan niya. Simple lang 'yun pero ako mismo ang naghanda ng mga 'yun and it's all from the heart. Naks. Oh! Meron din pala akong tula na ginawa para sa kanya with the help of the most gwapo writer and my most favorite tito. HAHAHAHA. Baka sapakin ako 'nung iba pero secret lang naman. Uncle Duke is a well-known writer and a well-known single and ready to mingle as well. HAHAHAHA. So this poem is called, "Aking Bituin".

"Malapit na ba tayo?" tanong ng halatang naiinip na na si madam Harper

"Almost there, precious angel..." sabat ko sa kanya

I pinch her nose at kinagat niya 'yung daliri ko. Medyo nagulat ako pero buti na lang I'm a hot and expert driver.

"Pag tayo nabangga, ipapakulong talaga kita...." sabi ko sa kanya

"Grabe syaaaaa. Ipapakulong talaga?" sumimangot siya agad

"Oo. Ipapakulong talaga.......dito sa puso ko..." banat ko ulit sabay kindat sa kanya

------------------------------------------------------
5/26/20
10:25 A.M.

RAVE VENEREZA ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon