Filename: Vienne-D48 video uploading successful.
I quickly closed my laptop as soon as i'm done and put it on top of my beige colored table.
"Sigurado ka na ba iha?" tanong ni Manang Ester sa akin ngayon dito sa Condo ko.
"Yes, Manang."
Masinsinan ko syang tinignan pero hindi rin nagtagal ay tinulungan ko sya sa mga dadalhin nya ngayon papunta sa province nila. Yes, babalik kami ulit ruon para dumalaw sa nanay ni Manang, hindi ko naman sya pwede pabayaan na magcommute at isang araw lang naman kami ruon.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong nitong seryoso akong pinagmasdan.
"A little bit, pero malay natin manang makahanap ako ng sagot duon sa nangyari sa akin." sagot ko kay manang Ester.
"Alam mo iha, pala-isipan pa rin sa akin ang nangyari sa iyo pero sigurado ka ba talagang dahil duon sa probinsya namin kaya ka nagkaganyan? Payapa duon at laging nareresolba ang mga kaso kaya naman nagtataka ako at bakit naiba ang sa iyo at parang parusa. Hindi ganuon ang lugar namin."
"Manang, trust me, I really dont know and i'm hoping masolve agad 'to. What if biglang dumalaw sila Mom? What am i gonna do?"
Masinsinan kaming nag-uusap ni Manang nang makarinig kami ng doorbell. I think that is Yana. I asked Yana to join us at nag-alibi ako na may aayusin kami sa resort na pagmamay-ari ng Heatherson at kailangan namin ng tulong nya.
We packed things up and went traveling.
***
We are on our way na halos nasa kalagitnaan na kami nang magtanong si Yana.
"So anong problem ng resort nyo best? Ba't di natin kasama si Harvie, malaki rin matutulong nun." tanong ni Yana, how i wish isinama ko rin si Harvie pero not this time.
Napatingin ako sa salamin para tignan si manag Ester sa likod at tinanguan lang ako nito na parang sinasabi nyang sabihin ko na.
"Actually Best... " I glanced at Yana hesitantly at alam kong nagets nya na parang may atraso ako sa kanya.
"What?"
Pinaningkitan nya ako ng mata na akala mo ay nagkasala ako ng sobra.
"Uhmm... Best, kasi hindi tayo sa resort pupunta. We're going to spend a day sa province ni Manang para bumisita sa mom nya." Mahinang paliwanag ko kay Yana habang nakatingin sa kalsada.
Yana looked at me in disbelief and with panic.
"What! Duon kung saan ka nangkaganyan? Best, sana sinabi mo yung totoo at 'di sana ako sumama!" nanlulumo pero gulat na balik sa akin ni Yana. She's almost sitting sidewards sa pagkakaharap sa akin sa gulat at pagtutol.
"Wala kasi akong makausap duon. Saka alam kong di ka talaga sasama kapag sinabi kong dun talaga tayo pupunta," paliwanag ko sa kanya.
"Best, naman! Pano kung ako naman next, Paano kung ako naman maging lalaki? My Gosh, best 'di ko kakayanin, I swear!"
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
Fiction généraleVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...