Chapter 14

153 12 0
                                    

• • •

"Bakit kasi hindi mo kausapin?! Para naman hindi mo sa 'min inilalabas iyang 'paghanga' mo," asar na sabi ni Sian kay Kent.

Nagku-kuwento kasi si Kent tungkol sa lalaking nakabungguan niya kanina. Natapunan siya ng pagkain na dala no'ng lalaki. Hindi man lang daw nag sorry at ngayon, sinasabi na niyang crush niya.

"Nahihiya nga ako! Mukha siyang suplado. Ni hindi man lang nga niya ako tinignan kaninang natapunan niya ako ng kinakain niya, e," pagrereklamo niya.

Iba talaga tama ng isang 'to. Hindi man lang nagalit sa ginawa no'ng lalaki! Nagustuhan niya pa!

"Wait lang, paano mo siya nagustuhan? Hindi ba hindi ka niya tinulungan? Ni hindi man nga humingi ng tawad!"

"Ganiyan type ng siraulong iyan. Ewan ko ba, may tililing ata ang utak," stress na sabi ni Sian.

"Sian. Nandito pa ako, baka nakakalimutan mo. Kung makapagsalita ka parang wala ako rito ah!" Reklamo ni Kent.

Nagpatuloy sila sa pagtatalo. Hinayaan ko na sila at nangalumbaba nalang habang pinagmamasdan sila. Nasa klase kami ngayon. Iniwan na kami ng professor ng ibinigay ang kailangan naming gawin. Tapos na kami at hinihintay nalang na mag-ring ang bell para makalabas.

"Basta kapag nakita mo ulit. Tanungin mo na ang pangalan, tapos makipaglapit ka na. Landiin mo!" Bilin sa kaniya ni Gian na tahimik lang na nakikinig sa dalawa kanina pagkalabas na pagkalabas namin ng room.

"A-Ano? Wala akong balak na landiin siya! Lalaki iyon kaya hindi pwede! Hindi naman ako bisexual!" Gulantang na sabi ni Kent.

"Alam mo palang lalaki, e bakit nagustuhan mo?! Tapos sasabihin mo ngayong hindi ka bisexual?!" Badtrip na sabi ni Sian.

"Hinahangaan ko lang!" Pagpupumilit niya.

Natawa ako ng makitang nasapo ni Sian ang noo niya habang si Gian ay napailing na lang.

"Ewan ko sayo!" Pagsuko niya.

Todo tanggi pa rin si Kent kahit na hindi na siya pinapansin ni Sian na mukhang asar na asar na. Nang makitang hindi nakikinig ang kausap, si Gian naman ang binalingan niya.

Nagpaalam ako na pupunta na sa susunod kong klase. Lumihis na ako ng daan at hindi na sumabay sa kanila. Patuloy ang lakad ko papunta sa kabilang building. Bumagal nga lang ng mapadaan sa isang malaking puno. Sa ilalim no'n ay may isang mahabang bakal na upuan, nakaupo roon si Dale habang nakapikit at nakasandal sa hamba. Gaya ng dati, nakasuksok ang headphone sa taenga niya.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Medyo hindi maganda ang anyo niya ngayon. Parang nanghihina at medyo maputla.

Tinapik ko siya ng makalapit. Marahan niyang binuksan ang mata niya. Inalis ang headphone sa taenga ng makita akong nakatayo sa harap niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko habang sinusuri ang mukha niya.

Tipid siyang tumango. Hindi ako naniwala dahil halatang naghihina talaga siya. Nalaman ko ang dahilan ng itapat ko ang likod ng palad sa noo niya.

"May sinat ka," nag-aalalang sabi ko. Tinabig niya ang kamay ko at tumayo.

"Ayos lang ako. Wala lang 'to," parang wala lang na sabi niya.

Marahan ko siyang tinulak at pinabalik ulit sa pagkakaupo.

"Papasok ka pa niyan? May dala ka bang gamot? Gusto mo samahan kitang pumunta ng clinic?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Lalo na sa kaalamang baka nagkasakit siya dahil sa pagkakabasa niya sa ulan kahapon.

"Okay lang ako. Hindi naman 'to malala, mawawala rin naman kalaunan kaya hindi na kailangan," pilit niya. "Pumasok na tayo. Magkaklase tayo diba?" He sneezed right after he said that.

Spaces In Between [BoyxBoy/BL] #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon