BTL.1

2 1 0
                                    

Quir Jax Almazon

"Hey! Quir Jax Almazon may good news ako sayo. Alam mo ba na may interesado sayong isang malaking companya? Akalain mo yun bro may nakakapansin na sa'yo! Libre mo'ko pag sweldo mo ahhh! Pa beer ka naman! " bungad sa akin ni Reel pagkabukas ko palang ng condo ko. Umagang-umaga ay bumubukaka na naman ang bunganga ng lalaking ito haysss. Ayun pinagbuksan ko na para wala ng bangayan at ayun feel at home ang gago pero sanay na naman ako sa Best friend kong yan.
Tumabi ako sa kanya sa sofa para maki balita narin. At ngayon lang ako nagka interesado kasi tungkol sa akin ang ibabalita niya kasi laking chismoso rin 'tong gagong to.
"At saan mo naman yan nasagap?" Tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay habang nakatingin sa kanya.
"Ako pa? Edi sa mga source! Parang di mo alam yun! " mayabang na sabi niya.
"Sino nga gago." Sabi ko at naiinis na talaga.
"Chill bro! Hahahaha Sa chicks ko doon sa companyang yun basta sekretarya ng CEO. Alam mo yun ang chicks bro! Ang sarap! At- " tumigil siya sa pag sasalita  na parang may napagtanto habang dahan-dahang hinaharap ako ng gago na may ngisi sa mga labi"ahehehehe ahhh never mind di kapala nakakarelate kasi wala kang chicks! Alam mo yun bro! Ang tagal mo ng tag tuyot bro kailangan mo rin mandilig! Bigyan kita chicks!" Tinitigan ko lang siya ng walang emosyong pinapakita.
"Alis na" yan lang ang tanging paraan para manahimik na ang buhay ko.
"Owwwww bro naman magkakape pa ako ohhh kita mo naman may hangover pa ako!" Sabi nya habang nakatingin sa akin na parang pusang pinarusahan ng kanyang amo.
"Alis. May trabaho pa ako ngayon." Habang tinuturo ko ang pinto.
"Sige na nga! Ang init ng ulo mo bro! Nadadamay pa ako! Ano ba yan libreng kape na sana ehh naging bato pa!" Sabi niya habang palabas. Napabuntong hininga nalang ako at sinara na ang pinto. Pumunta na akong kusina at nag toast nalang ng tinapay at nagtimpla ng kape. Habang sumisimsim ng kape, napatingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa table at 'yun nag open ng email kasi may message. At yun nga nakompirma ko na hindi pala nagsisinungaling yung gagong yun. May pakinabang naman pala paminsan-minsan. At ayun nga ang laki ng kompanya at napag isipan ko na tanggapin yung position na yun kasi pa add na rin sa experience. Nag tipa na ako ng reply at ayun waiting for interview ako. Nagpatuloy nalang ako sa pagkagat ng tinapay at napag-isipan na asikasuhin na ang mga kakailanganin sa interview bukas. Bumalik ako sa kwarto at nag shower para masimulan ko na ang kakailanganin pang mga papers na i su-submit ko sa interview. Habang nagkukulakot sa laptop ay napansin kong may bagong balitang nakakapagpatigil sa akin.
" Zi Sandoval the world champ of car racing is now spotted at the private airlines"
"The arrival of Ms. Zi Sandoval was spotted"
"The world famous racer of her time is back to the Philippines for the biggest Race Competition"

The Story Behind the LenseWhere stories live. Discover now