"Ano? May hang over ka pa ata sa mga nangyari noong JS Prom eh!"
Natatawang sabi ni Zyrina at napailing-iling na lang siya. Medyo lang naman dahil sino ba ang babaeng makakalimot ng JS Prom, 'diba?
Tsaka pagkatapos ng JS Prom nila ay talagang binaha ang feed niya sa facebook at instagram ng mga pictures.
"Wala na kaya!"
"Sayang, absent ngayon si insan. Parang first time 'yon ah?"
Oo nga pala, absent ngayon si Brent at hindi niya alam kung bakit. Wala din namang alam si Zyrina at Shawn. Baka bukas naman ay pumasok na ulit ito.
"Hindi ka pa ba uuwi?"
Tanong niya kay Zyrina dahil medyo late na rin. Kakaunti na lang ang tao dito sa loob ng classroom.
Nag-aayos lang naman sila ng mga requirements nila dahil malapit na ang compliance day.
"Mamaya na lang siguro, sabay na tayo"
"Sige!"
"Guys, nakikipagvideo call si Brent!"
Sigaw ni Shawn na kapapasok lang sa loob ng classroom. Mukhang galing pa ito sa training dahil nakasuot ito ng jersey short at sando habang nakasukbit ang bag sa likod.
'Hi, Brent!'
'Brent, pasalubong!'
'Size nine'
'Chocolate ko!'
Nagkumpulan ang ilan niyang mga kaklase kung naasan si Shawn dahil ito ang may hawak ng phone. Akala mo naman ay kung saan na nagpunta si Brent.
"Mika, mag 'hi' ka naman kay Brent"
Inilapit sa kanya ni Shawn ang phone na hawak nito at nakita naman niya doon sa screen si Brent.
Buong araw niya itong hindi nakita ngayon at grabeng pagpipigil ang ginawa niya para lang hindi ngumiti nang makita itong nakangiti sa kanya.
"Nasaan ka?"
"Umalis na ako"
Nakangising sagot nito at tinaasan naman niya ito ng kilay.
"Gago, nasa bahay ka lang"
"Bakit mo pa itinanong kung alam mo naman pala?"
"Bakit hindi ka pumasok?"
Tanong pa niya dito saka itinuloy ang ginagawang pag-aayos ng mga requirements niya.
"May inayos lang kami, bukas ay papasok na ako"
"Sige"
Iyon na lang ang nasabi niya saka inilayo na ni Shawn ang phone mula sa kanya para ito naman ang kumausap kay Brent.
Masaya na siya dahil nakausap niya ito ngayon. At kinabukasan nga ay pumasok na ito gaya ng sinabi nito kahapon.
"Magpapasa na kayo?"
Tanong sa kanya nito nang makalapit sa kanya. Naka-indian sit siya ngayon sa sahig ng classroom habang nagsusulat sa manila paper.
Kailangan na kasi nilang ipasa ang visual aids ng reporting nila para sa El Fili.
May kapartner naman siya ngunit tatlo kasing manila papers ang kailangan nilang ipasa kaya hindi rin madali.
"Oo, kayo ba ni Zyrina?"
Tanong niya dahil sa pagkakaalam niya ay magkapartner ang dalawa.
"Hindi ko alam, wala pa si insan eh"
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
TienerfictieOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"