FLASHBACK Part 7

9.3K 186 6
                                    

Flashback part:7

MAX POV

Pagkatapos kong manganak ay hinang-hina ako, gusto kung kumain pero parang ang hirap yata ngumuya. Nang mailabas ko nga si baby ay parang may malaking bola sa tiyan ko na nakalabas. Pero ang sarap sa pakiramdam nung makita ko  'yung reaksyon ni Sensui, walang kasing-saya ang reaksyon niya nung makita at mahawakan niya ang anak niya, maiyak-iyak pa, gusto ko ngang asarin kaso hinang-hina ako.

Nandito kami ngayon ni Sensui sa kwarto ko, karga-karga niya naman ang anak namin, ang cute tignan ng mag-ama ko.

A/N: Nasa Ospital pa sila nyan. d--,b

"Babe," pagtawag ko sakaniya. "Akin na muna si baby, ipahiga mo muna dito," utos ko sakaniya. Sumunod naman siya agad. Pinahiga niya sa tabi ko si baby spaun, pinisil ko naman nang mahina lang si baby spaun sa pisngi.

Lumapit si Sensui sa'kin at hinalikan ako sa noo."Babe, anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

Umiling naman ako dahil kahit gutom ay hinang-hina ako. "Madami, gustong-gusto ko nang kumain---ngunit hinang-hina talaga ako," nakangusong sambit ko.

"Hmmm, subuan nalang kita?" Ani niya.

"Hmmm, sige." Sambit ko at tumayo naman siya para pag handaan ako ng pagkain. Marami din kasing pagkain mga dala ng kaibigan namin. Pagkatapos ni Sensui maghanda ay umupo siya sa may upuan na malapit sa kama ko saka sinubuan ako. Tinignan ko pa muna si spaun pero tulog na pala.

Patuloy lang ako sa pagkain nang nay kumatok sa pinto. Ang mga Moon at Enrile, pati na din ang mga kaibigan namin.

"Woah! Ang cute ng apo ko," Aniya Mommy lacey, saka lumingon sa'kin. " Kumusta na ang pakiramdam mo Maxi?"

"Ayos na ho ako, nanghihina lang,"

"Maxpein, madami kaming dala na prutas at pagkain para sa'yo," singit ni Daddy.

"Mm, salamat,"

"Hmmm, anong pangalan niya?" Singit ni Heurt.

"Maxspaun Thaddeaus Enrile-Moon."

Kinuha ni Mommy lacey si Spaun at nagsipagsunudan naman sila. Nagkwentuhan pa kami nang marami-rami. Bumalik na din ang lakas ko. At nang mag-gagabi na ay nagsipag-uwian na din sila, kaming tatlo lang ni Sensui at Spaun ang naiwan dito. Bigla ay Umiyak si Spaun, kinarga ko naman siya at hinele ngunit hindi pa din siya tumatahan, siguro'y nagugutom 'to.

"Babe, lock mo yung pinto," utos ko sakaniya.

"Bakit,babe?"

"Nagugutom siguro siya, kailangan niya nang dumed*d*." Tumayo siya at sinarado ang pinto. Nilabas ko naman ang aking dibdib saka pinad*d* si spaun nung una ay hirap pa siyang makad*d* nang maayos dahil hindi pa sanay pero maya-maya ay naging maayos na din ang pagd*d* niya. At nakatulog naman agad ang anak ko, marahan ko siyang nilapag sa kama Saka umupo sa tabi ni Sensui na pinapanood na pala kami.

Umakbay siya sakin at nakasandal naman ako sakaniya. "I Love you," bulong niya saka hinalikan ang buhok ko.

"I Love you too," sambit ko. "Tulog na tayo, tabi nalang tayong tatlo don?" Nakangising alok ko sakaniya.

"Baka masikio don wag na,"

"Dali na?" Nakangusong dagdag ko.

"Okay, patay na patay ka talaga sa akin ano?" Nakangising dagdag niya.

"Tss, kaya pala hinahabol ka ng mga puso noon?" Tumatawang sambit ko.

"Tch, shut up," tumayo siya saka inalalayan akong tumayo. "Matulog na tayo."

Humiga kami at buti nalang nagkasya kaming tatlo, at natulog kami agad.

To be continued. . .

He's Into Her (Season 4 On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon