CHAPTER 38: APPEARANCE

1K 27 0
                                    

Estrella's POV
Malaki ang ngiti ko sa labi habang kinukuhanan ng litrato ang kambal na nasa inflatable swimming pool. Hindi pa kasi sila pwede sa pool namin dahil malalim pa para sa kanila. Tuwang-tuwa ako sa kanila dahil kapag sinabi kong smile at pose ay ginagawa naman nila.

Umihip ang hangin ng malakas kaya medyo gininaw na ako. Nawala kasi si Eloisa na nagbabantay kanina rito sa mga bata kaya nilubayan ko na ang pagsiswimming para makipaglaro na lang sa mga anak ko.

"Stop na tayo mga anak. Lalamigin kayo masyado." Si Zachy kasi ay naka mini two piece din kagaya ko habang si Kaino naman ay nakasando at brief.

"No." Sabay na sabi nila na ikinatawa ko. They really always made my day. Hindi pa matatas ang no nila pero pakiramdam nila malinaw na ang pagkakabigkas nila.

"No lang naman ang alam niyong sabihin ng medyo matino mga anak eh. Say mommy." Sabi ko sa kanila at saka kinarga sila paahon sa inflatable pool nila at saka ko sila sinuotan ng bathrobe.

"My..."

"Mih."

I smiled with what they said. I know that they're really trying their hardest to communicate and to speak clearly. Sometimes I can see the frustration in their eyes lalo na kapag hindi talaga nila kayang sabihin pa yung salita. Matututunan din naman nila ang bagay na 'yon unti-unti. Masyado pa namang maaga para maging matatas ang mga salita nila.

Tinangka ni Zachy na tumakbo palayo sa amin ni Kaino. Buti na lang at panatag ang loob ko na hindi sila madidisgrasya sa pool kung tumakbo man dahil pinalagyan ko na ito ng bakod na kahoy. Simula kasi nung matuto silang maglakad at gumapang ay pinakabitan ko na ng parang fence ang pool para iwas disgrasya

"Ma'am dumating na po ang papá niyo." Sabi ni Mikay na kararating lang.

"Ang bilis naman niya. Diba ay halos kasasabi lang nung kapatid mo na papunta siya?"

"Eh nung tumawag po kay mama si sir Alejandro ay malapit na po sila rito."

"Sila? May kasama ba siya?" Tanong ko sa pag-aasam na baka si Esperanza ang kasama niya.

"Ah meron po pero puntahan niyo na lang po sila sa sala para po malaman niyo." Kinuha niya si Zachy na nagpupumiglas sa akin pero umiyak naman ito ng buhatin ni Mikay.

Nagpababa ito kaya walang choice si Mikay na ibaba siya. Kaagad naman kumapit ng mahigpit sa akin ang dalawa kong anak ng papasok na kami sa bahay.

"Come on Zachy and Kaino." Inalalayan ko silang maglakad dahil hindi pa nila kaya kapag mag-isa at saka mabagal pa silang humakbang.

Humahagikgik naman silang dalawa saka naglakad kasabay ko habang si Mikay ay naiwan sa pool area para siguro itapon ang tubig na pinagswimmingan ng dalawa.

Natagalan man bago kami tuluyang makarating sa sala ay wala namang problema sa akin. I need to adjust for my two babies. Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko ang presensya sa sala. Nakita ko agad si papá na nakaupo roon pero nagulat ako sa kasama niya.

"Surprise Estrella!" Papá managed to say bago lumapit sa amin at hinalikan ang mga bata sa pisngi.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang magpilit na nagtatago sa likod ko si Zachy at mukhang paiyak na. "Ayaw mo kay papá baby?" Pagbebaby talk ni papá kay Zachy na ayaw magpabuhat sa kanya.

Tinigilan na ni papá si Zachy at saka si Kaino naman ang nilambing. Unlike Zachy ay nagpabuhat agad ito kay papá. "Oh! Our Kaino the little dinosaur still remember me." Tuwang-tuwa na sabi ni papá.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon