Page 39

223 15 18
                                    

Hindi na talaga sila nag-usap pa ni Brent at wala na rin naman siyang pakielam dito.

Ito na mismo ang pumutol sa ugnayan nila kaya dapat ay hindi na niya ipagsiksikan pa ang sarili niya. Pagod na pagod na siya.

Oo, matindi ang nararamdaman niya para dito pero tao lang din naman siya at may hangganan.

"Mika, ang cute oh!"

Ipinatingin sa kanya ni Zyrina ang keychain nito na dream catcher.

"Ang cute nga..."

"Ngiti ka naman, Mika. 'Di ko na matandaan kung kailan ka huling ngumiti"

Malungkot na sabi nito at sumandal naman siya sa kinauupuan niya saka bumuntong hininga. Ewan ba niya pero parang wala siyang buhay nitong mga nakaraang araw.

"Ang ganda, 'diba?"

Tanong ni Sandra kay Shawn na nakaupo sa likudan nila ni Zyrina kaya naman napalingon sila pareho. Hawak nito ang pendant na cross ng suot-suot nitong necklace.

Katulad iyon ng necklace niya na isinuot ni Brent. Ang pinagkaiba lamang ay gold ang kay Sandra at silver ang sa kanya.

"Ang ganda nga, 'yan ba 'yong bigay ni Brent sa'yo?"

"Oo"

Umiwas siya ng tingin dito dahil nagbabadya na namang pumatak ang mga luha niya.

Nagawang bigyan ni Brent ng ganoong necklace si Sandra samantalang iyon ang naging simbolo ng friendship over nila.

"C.r lang ako..."

Pagpapaalam niya kay Zyrina saka siya nagpunta sa c.r. Humarap siya sa salamin doon at pinagmasdan ang walang kabuhay-buhay niyang mukha.

Magang-maga ang mga mata niya dahil sa pag-iyak kagabi. Namumutla din siya ngunit hindi na niya iyon pinansin.

Naghilamos siya ng mukha at inayos ang sarili. Pinilit niyang ngumiti ngunit halatang pilit lang talaga iyon.

Umiling-iling na lang siya saka akmang lalabas na ng c.r ngunit narinig niyang nag-uusap sina Drick at Brent na mukhang kalalabas lang mula sa c.r ng boys.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Ang lungkot tuloy niya ngayon"

Rinig niyang sabi ni Drick at marahas na bumuntong hininga naman si Brent.

"Masyado ko na siyang nasasaktan, pare, kahit hindi ko naman gustuhin. Ayoko ng mas palalain pa kasi hindi niya deserve ang masaktan"

"Pero sa tingin mo ba ay hindi siya nasaktan ng sobra dahil sa ginawa mo?"

"Ewan ko ba, pare. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na talaga alam..."

'Yon na lang nakinig niya dahil naglakad na papalayo ang dalawa.

Bumalik na rin siya sa loob ng classroom at sakto namang dumating na ang subject teacher nila. Kinabukasan ay absent si Brent kaya naman medyo maayos siyang nakagalaw sa loob ng classroom.

Kinahapunan nang dismissal time na ay napagpasyahan ng buong klase na manood ng 'Anabelle creation'.

Inilock ng mga kaklase niya ang mga pinto at isinarado din ang mga bintana. Pinatay din ang ilaw para daw mas dama nila ang movie.

Nang nasa gitnang bahagi na ng movie ay medyo nakaramdam siya ng takot kaya naman lumabas muna siya ng classroom.

Nagulat na lang siya nang pagbukas niya ng pinto ay saktong papasok din pala si Brent.

Nakafree style lang ito ngayon at halatang may pinuntahan. Agad siyang umiwas ng tingin dito at dire-diretso ng lumabas.

Nag-stay na muna siya sa labas dahil baka mamayang pagpasok niya sa loob ng classroom ay biglang labas ni Anabelle sa t.v.

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon