THE PREPARATION

2 0 0
                                    

Author's Note:
This is a short chapter bago ang biggest climax ng ating storya. We're down to 3 chapters!

23

"What the hell, Wendy?! Put down the gun!" sigaw ni Wade na katabi ko. Pero nanatili akong pirming naka-upo habang paulit ulit na naririnig ang sinabi niya kani-kanina lang.

"Arthuro Hernández is the current CEO of The Mercenaries. He is as well your biological father na hindi kayo pinanindigan ni Dorothy."

Natulala ako habang pilit na pinapa ulit ulit sa isip ko ang mga sinabi niya. Umaasa na maiintindihan ko ito. Minsan may mga katotohanan pala na pakiramdam natin hindi totoo. All of this doesn't make any sense to me.

Binaba na ni Wendy ang baril niya.
"But knowing Arthuro, hindi siya isa sa mga ulirang ama na makikilala mo. He doesn't even want your existence kaya hindi ka din namin magagamit laban sakanya. But don't worry, Bree. Hindi kami tulad ng ama mo na itatakwil ka. We're here to protect you from him dahil sa una palang siya na ang may gusto na mawala ka."

Then I remembered all those almost death experience na naranasan namin ni Wade dahil sa mga Mercenaries. All along akala ko ginagawa nila iyon upang takutin kami at ibalik na sakanila ang Nightwatch. Pero mali nanaman ako. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay mali nanaman ang akala ko. Wala na kong inisip at inakalang tama. Kasi una palang naman ay namumuhay na ko sa kasinungalingan.

"Isa sa dahilan kung bakit pinagkaka-ingat ingatan niya ang Nightwatch dahil ayaw niyang malaman ng iba na nagka-anak siya. Well, he just wants to spend his life doing all sorts of evil. Wala siyang balak magpaka-ama sayo, Briella. Kung naging lalaki ka pa sana ay baka may pag-asa pa na i-recruit ka niya sa ahensya niya."

There is no way na papayag ako kahit na naging lalaki ako. Kahit kailan hindi ko tatanggapin na nanggaling ako sa isang tao na halang ang kaluluwa. Ngayon palang ay nandidiri na ako.

"But since you're a girl, he loathes you even more. He hates women at kahit sa ahensya niya ay wala kang matatagpuan na babae. If only hindi sayo napunta ang Nightwatch ay baka nga nakukuha ka pa ng normal at matiwasay. Pero dahil sa mga kamay mo nag-landing ang relong iyon ay nagkaroon si Arthuro ng pagkakataon na makilala ka sa unang pagkakataon. At hindi niya iyon palalagpasin dahil papatayin ka din niya katulad ng ginawa niya sa pamilya, mga kaibigan at sa nanay mo."

"What did he do to my mother?" naka-siil na ang mga kamao ko at mas lalong tumitindi ang galit na nasa loob ko.
"He killed Dorothy."

Ayon sa pagkaka-kwento ni Wendy ay hindi alam ng nanay ko ang pagkatao ni Arthuro noong simula. Kaya nung nalaman niya na pinagbubuntis niya ako ay hinanap niya si Arthuro at nagmakaawa na panindigan ito.

Pero agad nagbago ang lahat dahil nung nalaman ito ni Arthuro ay sinubukan niyang ipapatay ang nanay ko. But my mom survived the whole 9 months dahil umuwi siya dito sa Pilipinas at dito na din nanganak.

Sa kasabay na panahon ng pagbubuntis niya ay ang pagbubuntis din ng inaakala kong aking ina. Pero ilang araw bago ako ipinanganak ay namatay ang sanggol at naging malaking kalugmukan ito sa pamilya.

Pero sinabi ng totoo kong ina kay mom ang lahat ng nangyari sakanya sa Canada kasama na ang delikado niyang buhay dahil tinutugis siya ng mga tauhan ni Arthuro para patayin. At ako na sanggol pa lamang ay nanganganib din ang buhay kaya napag-desisyunan ng nanay ko na ibigay ako sakanyang kapatid na siya na ngang kinalakihan kong ina.

My biological mother wnet abroad after leaving me in the safe hands of her beloved sister. Nagpa-pain siya kaya lumayo siya sa akin para iligtas ako. At nang mahuli siya ay sinabi niya na nalaglag ako sakanyang sinapupunan at agad siyang pinapatay.

The NightwatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon