Epilogue

267 18 16
                                    

Nagising siya nang magring ang phone niya. Nakapikit at tamad na kinapa niya ang phone niya na nakapatong sa bedside table niya.

Imposible namang alarm niya iyon dahil iba ang ringtone ng alarm niya. Tiningan niya ang screen ng phone niya at marahas naman siyang napabuga ng hangin ng makita ang nakaflash doon.

***

Moody Monster is calling you on Messenger...

***

Tiningnan niya sa phone niya kung anong oras na at napailing-iling na lang siya dahil 3:20 a.m. pa lamang ng umaga.

Sumandal siya sa headboard ng kama niya at binuksan ang ilaw ng lamp niya sa gilid bago sinagot ang tawag.

"Good morning!"

Sa sobrang lakas ng boses ni Brent ay kinailangan niyang ilayo ang phone mula sa tenga niya.

"Ang ingay mo, alam mo ba kung anong oras pa lang? Brent! Three twenty a.m. pa lang dito sa Pilipinas!"

"Hala? Seryoso? Akala ko ay five a.m. na d'yan!"

Kunwari pang natatawa na sabi nito ngunit alam naman niya na alam nitong 3 a.m. pa lang dito. Wala na naman siguro itong magawa lalo na at 2 p.m. pa lang ng hapon doon sa US.

"Bakit ba kasi? Inaantok pa ako, Brent"

"First day mo ngayon sa senior high, Mika!"

"Alam ko 'yon pero seven a.m pa ang pasok ko, Brent! Mamaya pa dapat akong five thirty gigising"

Natawa na lang ito at siya naman ay gustong-gusto ng ituloy ang naputol na tulog.

"Matulog ka na nga muna, mukhang makakapatay ka na ng tao eh"

"Oo at ikaw ang una sa listahan ko"

"Sige, mamaya na ulit kita gigisingin"

Tumawa ito na puno ng pang-aasar kaya napailing-iling na lang siya. Palibhasa ay hindi pa nagsisimula ang pasok nito sa US kaya wala pa itong magawa.

"May alarm naman ako"

"Nako! Sinasabi ko sayo, Mika. Mas mabisa kapag ako ang nang-gising at napatunayan ko agad sa'yo ngayon, 'diba?"

Hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa.

Loko-loko!

"Oo na! Sige, tutulog na ako ulit"

"Sige, bye!"

Matapos magpaalam ay pinatay na niya ang tawag. Nakangiti siyang bumalik sa tulog.

Nagising na lang siyang muli nang magring na naman ang phone niya. Agad niyang sinagot ang tawag ni Brent.

"Ginising ulit kita! Five minutes advance sa alarm clock mo!"

Parang bata na sabi nito na ikinatawa naman niya. Tama nga ang sinabi nito dahil 5:25 a.m. pa lang.

Binuksan niya ang video ng tawag para magkita silang dalawa. Nakita niya itong naka upo sa couch at halatang nanonood sa netflix dahil nakikinig pa niya ang pagsasalita ng mga characters sa Money Heist.

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon