"Ayoko ng ka-share." I said.
He laughed sarcastically. "Wow. Ikaw pa may ayaw? Just wow."
Hindi ako sumagot at natawa nalang. Mahal na mahal yung aso?
"Sino 'yon?"
"Saan? Ako pa tinanong mo, alam mo namang hindi ako nakakakita."
"No, I mean yung kanina."
"Sino nga?"
"Si.. si Polo."
"Kilala mo naman pala, e. Ba't kapa nagtatanong?"
"Bahala ka nga."
"Ano? Badtrip ka nanaman?"
Hindi siya sumagot.
"Si Apollo. Taga-diyan daw sa tabing bahay. May kapitbahay pala tayo?" tumawa ako.
"Wow."
"What time is it?" tanong ko.
"Arf! Arf!" I chuckled at Lumi's sound.
"What time is it, Lumi?"
"Nine A.M." si Conan.
"Si Lumi ka?"
"Tss."
"Don't worry, Conan. I won't steal your baby."
"Our baby." he corrected but I just laughed.
"Ayoko ngang may kaagaw sa baby."
"I'll buy one for you."
Nagkibit-balikat ako. "Ikaw bahala. Marami kang pera, e."
"No, really. I will buy one for you." seryoso niyang sabi.
"Baka magselos si Lumi, 'wag na lang."
"Lakad-lakad tayo. You want?"
Pumayag ako dahil wala naman akong gagawin ngayong araw. Actually, sa mga susunod na mga araw wala rin naman.
Isinama namin si Lumi dahil wala siyang kasama rito. Sila Mommy ay busy naman sa loob at hindi rin siya mababantayan.
"Where are we going now?" tanong ko habang hawak ang nakataling si Lumi.
"Park?"
"May park dito?"
"Malamang. Isu-suggest ko ba kung wala?"
"Pilosopo, ah? Para kang si Yen."
"Who's that? Lalaki?"
Natawa ako. "Babae. Bagay nga kayo, e."
"Best friend?"
"Yup. You? Do you have bestfriend?"
"Meron."
"Who?"
"Papa ko."
"Hmm? Kwento."
"Ako ulit? Ako na nagkuwento kahapon, ah? Ikaw naman."
"Eh!"
"Don't you trust me? Alam mo bang ikaw lang nakuwentuhan ko tungkol sa buhay ko? Lalo na tungkol sa Mama at Papa ko."
"Should I be glad? Tinatamad ako mag-kuwento." sabi ko nalang dahil hindi ko gustong nagsh-share ng tungkol sa buhay ko.
"Okay. Ayokong pilitin ka. But spill it sometimes, Light. Huwag mong ipunin. Ilabas mo sa iba. Kahit doon sa kaibigan mo na si ano, si Yen? Basta kahit kanino na pinagkakatiwalaan mo."