1

11 1 0
                                    


"Waaaahhh!! Rivas!!! Ano ba!! Napaka-hot mo talaga sumayaw! Hmpppp!!" Pasigaw na sabi ko habang hinahampas si Camille na nasa tabi ko habang nanonood ng performance ni Jax. Yes, Jax Rivas na ka-isa isang pinagpapantasyahan ko sa buong buhay ko.

No boyfriend since birth ang lola niyo dahil sa standards. At iyang Jax Rivas lamang na yan ang pumasa sa lahat! Walang kulang, walang sobra. Magaling kumanta, magaling sumayaw, marunong magpaint (pinaka-bet!!), nagpeperform as teather artist, mabait, marunong magluto, magaling magbasketball at higit sa lahat GWAPO!!!

Kaso.... Hindi talaga nawawala ang mga 'kaso' na yan no? Hays! Ayun, kaso artista sya. Sobrang sikat kaya malabong malabong mangyari na mapapasakin sya. At ang pinakamasakit dun, nali-link sya sa ibang mga babae na kapwa artista nya. Tatanda yata akong dalaga. Saet nun par saet!!!

"Ako Emanuelle tigil tigilan mo ko sa kabaliwan mo ha?!" Hampas pabalik sakin ni Camille.

"Okay na sana yung binawian mo ko ng hampas pero yung babanggitin yang pangalan ko? Ay nako pigilan mo ko at baka mapalayas kita dito sa pamamahay ko!" Napatayo ako at inambahan ko sya na parang hahampasin kaya naman napa-iwas sya ng bongga.

"Kasi naman! Research paper ang gagawin hindi magfan girl! Asa ka namang magiging kayo nyan ni Rivas!" Sagot nya habang napapairap sa akin.

"Huwag mo kong mairap-irapan dyan at tutusukin ko talaga yang mata mo kapag naging kami nyan!" 

"Oh tama na kakaasa! Tapusin mo na to at may plates pa tayong gagawin." Sambit nya habang nag aayos ng mga plates na kailangan naming ipasa this week.

Hassle talaga maging arki student lalo na ngayong 4th yr. Kung nung first year to third year ay tambak kami ng plates, ngayon ay tambak na ng plates, may autocad at research pa. Pero ays lang yan, isang taon nalang at gagraduate na ako!

"Oh meryenda muna kayo." Biglang pagpasok ni mommy sa kwarto ko na may dalang cookies at juice. Hindi kasi ako nagsasara ng kwarto kapag may bisita ako. Depende nalang kung si Rivas iyon, charot!

"Salamat po tita Emlyn!" Kinuha ni Camille ang dala dala ni mommy at nag-umpisa nang kumain. Di manlang ako hinintay matapos sa tina-type ko!

"Gabi na Camille, dito ka na kaya matulog?" Aya ni mommy kay Cams.

"Tita, di po ako nagsabi kanina baka po hindi ako payagan." 

"Ako na ang bahala kay Miriam!" Magkaclose kasi si mommy at ang mommy ni Camille kaya simula bata palang, magkaibigan na kami.

"Sige po tita, salamat pooo!" Lumapit si Camille kay mommy para yakapin sya. Luh, mommy mo?

Naging busy na kami ni Camille sa pag gawa ng plates namin dahil sobrang natambakan kami kakagawa namin ng research. Salamat at natapos din ang research namin kaso pumalit naman ang pagkadami daming plates. Hays.

Kung ako sa mga may pangarap maging Architect, di ko na itutuloy. Charot! Kaya nyo yan, nakaabot nga ako ng 4th yr kahit tamad ako eh hahaha!

Halos 12 am na kami natapos gumawa ng plates. Nahiga na kami at nagkwentuhan ng kung anu-ano.

"Paano kaya kung magiging kami ni Rivas?" Biglang singit ko habang nakatitig sa ceiling ng kwarto ko.

"Edi congrats! Nako kung ako sayo matutulog na ko kesa magpantasya dyan!" Sagot nya na may kasama pang batok. 

"Napakasupportive mo no? Letse ka porket may jowa ka gaganyanin mo na ko!" Tumalikod na ako sa kanya para matulog na. Nako busy pa yon makipagchat sa jowa nya. Edi sana all! 

-

Weekend na, pahinga na sana namin kaso kailangan namin maghanap ng company na pago-ojt-han namin. Pero dahil mabait ang mommy ko, sya na ang naghanap para sa amin ni Camille since may kakilala din naman siya na tito ko daw.

"Quinn, nakagayak ka na ba?" Tawag sakin ni mommy habang naglalagay ako ng konting make up sa mukha ko. Quinn ang tawag sakin dito sa bahay pero sa school, Elle. "Opo mommy wait lang." Sagot ko habang naglalagay ng mascara.

"Si Camille ba nasaan na?" 

"Wassup tita, are  you looking for me?" Singit ni Camille na kakarating lang.

"Aba bilisan mo na jan Quinn at may appointment pa mamaya ang tito mo!" Sigaw pa ni mommy at akmang aalis na. Binilisan ko naman ang pag ayos ng mga dadalhin ko at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nasa kotse na si Camille at mommy. We have my dad as our driver today.

When we're on our way, I took selfies for my IG story. Ugali ko nang mag-IG story ng kung anu-ano hahahaha! After one hour and a half, nagulat ako ng papasok ang kotse namin sa building ng isang familiar na entertainment.

"OMG mom what are we doin' here???" Medyo hysterical na sabi ko, oo medyo palang. Wala pa si Rivas eh. Yas, nasa building lang naman kami ng entertainment ni Rivas!!!

"You're tito is the CEO of this entertainment, di mo alam?" Napalingon sakin si mama habang nakangiti syang sinasabi yan. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman ko, what the heck for real??!!!

"Mommyy!!" Lowkey sigaw ko habang hinahampas ng mahina si mommy.

"I know, Rivas no? Alam ko namang patay na patay ka dun kaya naisipan kong i-recommend kayo dito." Sagot ni mommy habang inaayos ang papers namin ni Camille.

"I mean, mommy bakit ngayon lang??? Ang tagal ko nang patay na patay kay Rivas!!!" Hampas ko pa ulit sa kanya. We're like bestfriends din kasi ni mommy kaya ganito kami.

"Para namang you have time para sa ganun?" Oo nga naman, Architecture ang course ko. Sa pagtulog nga wala akong time sa pag fangirl pa kaya? Hahahaha!

"Pero, I never knew na my tito pala was the ceo here." Sagot ko at nagcross arms pa.

"Girl, kung maaga mo naman nalaman yon aba, si tita pa ang mapeperwisyo sa kakakulit mo sa kanyang mag-aya dito para lang makita si Rivas ng personal." Oo nga naman(2) Hahahaha! 

Naglalakad na kami sa hallway papunta sa office ng tito ko na ceo ng company na ito. Well, tito ko lang naman! Hahahaha, ang yabang eh no? 

May mga nakakasalubong kaming mga artista pero dedma lang ako, baket si Rivas ba kayo? Hahahaha! So ayun, eto na papasok na kami ng office ni tito.

"Good morning Rico!" Bati ni mama kay tito.

"Good morning Emlyn, ang aga nyo ah?" Sagot sa kanya ni tito. Pero wait!! Di ko na mapigilan ang aking kilig sapagkat nasa tabi ko ang pinapangarap ng buhay ko!!! What am I saying???? Waaaahhhh sheeettt nakakabaliiiwww!! Bakit nandito si Rivaaaaassss!!! Kung alam ko lang edi sana bongga na nilagay kong make up, hmpppp!!

"Inagahan namin kasi baka may mga appointment ka pa mamaya. Tama lang pala ang dating namin." Sambit ni mommy habang nakangiti at sumulyap pa sakin habang sinasabi yung mga huling salita nya. Mommy naman why are you like that!!!

"Good morning po!" Bati namin ni Camille kay tito.

"Upo muna kayo at may kausap pa ako." Naupo kami sa may couch, hindi kalayuan sa table kung saan nag-uusap si tito at si Rivas kaya naman rinig namin ang pinag-uusapan nila.

"Jaxon, hindi na pwede ma-cancel yun dahil mamaya na ang flight nila papunta sa Japan. Wala ka ba talagang mahanap na P.A at Manager na kahit panandalian lang?" Seryoson sabi ni tito kay Rivas. Jaxon pala name nya? Ay cute! Hahahaha! 

Pero wait, what? Wala syang P.A at Manager for a while? Eh sobrang dami nyang mall show at guestings. Kailangang kailangan nya nun. Tito pwede ako nalang? Charot! Hahahaha!

"Wala na po talaga tito eh." Malungkot na sagot ni Rivas kay tito. Halaaa! Wawa naman ang bebe ko.

Tumihimik bigla ang paligid, walang nagsasalita maski isa. Napatingin ako kay tito na nakatingin samin ni Camille na para bang nag-iisip. Matapos ang ilang segundo na katahimikan, napangiti si tito at bigla akong kinabahan. Ano ba yon?

"Sakto may mga mag-OJT dito!" Pagbasag ni tito sa ingay habang pabalik balik ang tingin  nya samin ni Camille.

"What do you mean tito?" Agad agad na tanong ko kay tito kasi kinakabahan na ako dito ng bongga!

"Kayo muna ang gagawin kong manager at P.A ni Jaxon for a while." Sagot sakin ni tito habang nakangiti. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko mygahd pakening sheyt.

"I mean, tito, we're Architects." 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untamed MagicWhere stories live. Discover now