ISANG BUWAN na rin ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon. Masyadong masakit para sakin. Ayoko nang maalala pa.
"Anak kailan mo ba balak mag trabaho? Hindi naman pwedeng ganito nalang tayo." Tanong sakin ni Mama na nakaupo sa kama ko habang ako nakahiga at nakatalikod sa kanya.
Konti nalang yung naipon kong pera mula sa trabaho ko dati. Natanggal kase ako dahil simula nung nangyari yon ay hindi na ako pumasok.Humarap ako kay Mama, mas bakas sa kanya yung pag aalala nya sakin dahil naikwento ko sa kanya ang buong pangyayari.
"Ma, 'wag ka mag alala sa Manila na po ako magta-trabaho. Mas maganda po ang opportunity doon at ipapasok daw po ako ni Lors sa company na pinag ta-trabahuhan nya" Nginitian ko sya.
"Mabuti naman kung ganon" ngumiti rin sya at halata kong nawala ang pamgamba sa mukha nya.
Ilang sandali pa kaming nag usap pinaalalahanan nya ako, pinagaralan nya ako. Si Mama lahat yung nakikinig sa gabi gabi kong pag iyak, siya rin ang nag alaga sakin. Naisip kong masyado na palang pasakit yung nagawa ko sa kanila ni Papa, imbis na natutulungan ko sila ay ako pa ang inaalala nila. Hindi pwedeng ganito nalang ako, hindi choice ang magpaka emo at wala nalang gawin. Hindi pwedeng dahil iniwan ako ng isang lalaki ay titigil na ang mundo ko. Walang ganon. Kailangan nila ako.
Kinuha ko yung phone ko at tinext si Lors."Lors, be there tomorrow morning. See you! :)"
Ibababa ko na sana yung phone ko para mag ayos pero biglang tumawag si Lors sakin kaya sinagot ko muna ito.
"Seryoso kana? Moved on kana ba te?" Bungad nya agad sa akin. Mapait akong tumawa.
"Syempre andito parin yung sakit pero kailangang umusad ng buhay ko may nakaasa rin sakin" matamlay kong sagot.
"So ayun nga ganito gagawin mo sa work kase for sure pasok ka na agad.."
"Lors bukas na pwede? Kailangan ko pa mag ayos ng gamit. Marami rami to."
Nagbuntong hininga sya at umarteng diko daw sya namimiss but in the end napapayag ko naman. Nag usap kami na sunduin nya nalang ako sa bus station. May kotse at condo na sya. Two years palang sya nag tatrabaho doon ay may naipundar na sya. Ako? Magsisimula palang. But I'm happy for her, may kanya kanya tayong timeline.Tinulungan ako ni Mama mag ayos ng gamit. Lahat ng damit kong pang office dinala ko. 2 years na din ako sa work ko pero sapat lang ang sahod ko para sa pamilya ko. Mas pinili ko lase dito sa Nueva Ecija magtrabaho dahil sa katangahan kong mas pinili kong malapit ako sa ex ko. Tangina lang nung mga panahon na nasayang na sana ay kasama ko si Lors na nagtatrabaho ngayon. But the damaged has been done, lesson learned.
Kinabukasan maaga ako umalis, sinamahan ako ni Mama at Papa sa bus Station para makasakay dahil dalawang malaking maleta rin ang dala ko. Hindi na sumama sina Ella at Elias dahil may pasok pa ang dalwa kong kapatid mamaya. As usual ang iingay ng mga kapit bahay na kesyo maglalayas na daw ako dahil nahihiya ako sa ginawa sakin ng ex ko, as if. Tsismosa nga naman ang hilig punahin ang buhay ng iba. Pasalamat na rin ako kila Mama dahil di nila pinapakinggan ang mga ito.
"My gaaahd Elle! Ang payat mo! Bakit mo naman pinapabayaan ang sarili mo jusko." Panay ang puna sakin ni Lors habang tinutulungan nya ako sa isang maletang dala ko. Ang ganda ng kotse nya black Tucson at base sa pananamit nya at kutis nya halatang alagang alaga at asensado nya sya. Napangiti ako sa kawalan. Parang nung College lang namin pinapangarap nya lang to. Masaya ako para sa kanya.
Habang nag ddrive sya ay sinabihan nya ako sa magiging work ko. "So ayun nga Visa Specialist yung aapplyan mong position. Dyan din ako nagsimula pero dyan ako naka ipon. Masaya sa travel industry lalo na kung mahal mo ang trabaho mo. Pwede ka makapunta sa ibang bansa, maraming incentives at higit sa lahat ang commission" parang nag ningning yung mata nya nung binanggit nya yon. Dahil madalas daw ay mas malaki pa ang commission nya kaysa sa sahod nya. Sa travel agency rin ako nag tatrabaho pero di ganon kilala. Eto ksing papasukan ko is number 1 travel agency sa Metro Manila. Maraming magagandang feedbacks at ang mga mayayamang taga probinsya ay ito pa ang pinupuntahan.
"Kailangan mo lang ay magaling kang kumausap ng customers at goal mo ay pabalikin sila satin. And ofcourse good service. Sure naman akong kaya mo yon" Marami pa siyang tips na binigay kaya mas lalo akong na excite mag trabaho.
Sa condo muna ako ni Lors pansamantala pero sa unang sahod ko nangako ako na kukuha ako ng apartment kahit maliit lang. Ayokong makaabala sa kanya kahit pinipilit nya na dun nalang ako tumira dahil nalulungkot sya mag isa.
"Elle maaga pa ano plano mo? Bukas pa naman ang interview mo." Kakatapos ko lang mag ayos ng gamit at ngayon nasa sofa nya kami. Nag inat ako ng likod dahil nangalay sa biyahe.
"Tara chill tayo" dugtong nya pa.
"Huling sabi mo ng chill sakin halos hindi na tayo makauwi ng bahay sa kalasingan, tigilan moko Lors" sinamaan ko siya ng tingin.
"Osige ganito nalang. Dito tayo sa condo uminom? Grocery muna tayo I'm sure wala ka pang ibang gamit dyan." Kilalang kilala talaga ako ng babaeng to. Kumain muna kami at nagpahinga sandali. Nagpalit ako ng white loose shite at maong short dahil sabi ni Lors ay 5minutes from here lang yung bibilhan namin. Her condo is located in BGC kaya maraming pwedeng kainan at pamilihan dito. Hindi ako pamilyar masyado sa Metro Manila pero nakikita at napag aaralan naman namin ang mga lugar. Hindi kasi kaya ng mga magulang kong isama ako sa international Tours kaya mas pinili ko nalang aralin ito sa internet. Tourism graduate kami ni Lors. And elementary palang magkaibigan na kami.
"Kuha ka ng cart mo, kuha ako ng akin para mabilis tayo makapamili at makapag inom agad" alak na alak talaga alam nya kasing yun palagi ang bonding namin hukod sa foodtrip.
"Lors kuha kana ng alak kuha lang ako ng toiletries and skin care ko."
"Okay. Hanapin nalang kita kabisado ko naman na 'to"
Kumuha ako ng lotion, sabon, feminine wash, deo, body wash. Toner, cream, shampoo, conditioner at kung ano ano pa. Natigilan ako nang may biglang tumawag sa pangalan na ayoko ng marinig sa buong buhay ko. Agad akong napalingon para kumpirmahin siya nga ito.
"Kier honey, I'm done, Ikaw ba?" Malambing na sagot nung impokritang umagaw sa ex ko. Confirmed ex ko nga.
"Pagod kana ba? Ikaw lang naman hinihintay ko. Let's go? Uwi na tayo sa bahay natin? Yaya made a dinner na daw baka nagugutom kana" may bilang tumulong luha sa pisngi ko.
So may bahay na pala kayo? At may Yaya pa. Nice. Yung pangarap natin dati sa iba mo pala planong tuparin.
Tumango lang yung babae at hinalikan ito ni Kier sa noo. Hinawakan nya ito sa bewang at nagsimulang maglakas. Napansin kong titingin dito si Kier kaya alisto akong niliko yung cart ko at nagmabilis tumalikod.
"OUCH!! What the fuck?!" Napatingin ako sa taong nasa harap ko. Naka cap sya, white tshirt at Nike short. Base sa suot nya ay malapit lang siya dito. May hawak syang tubig at magkasalubong ang kanyang kilay.
"S-sorry p-po" Agad kong pinunasan ang luha ko at nagtataka sya bakit ako umiiyak.
"Don't tell me babaliktarin mo'ko? Ikaw tong nakasakit tapos ikaw ang iiyak? Really?" Alam kong inis na inis na sya.
"Sabi ko nga sorry. Pasensya na kung naabutan mo akong umiiyak pero di naman to dahil nasaktan kita" teka bakit parang mag jowa kami na nag aaway? Bigla syang napatawa kaya napatingin ako sa kanya. Ang tangos ng ilong nya, ang kapal ng kilay nya, mahaba ang pilik mata, mapula ang labi at mestiso. Shit.
"Oh anong iniiyak mo?" Sumeryoso ulit yung mukha nya.
"That's n-none of your business" magsasalita na sana sya ng bigla akong tawagin ni Lors at lumapit sa amin.
"OH. MY. GOD." Nanlaki ang mga mata ni Lors at nakatitig sa lalaking natamaan ko ng cart.
"S-sir. Siya p-po si Elle, yung sinasabi ko sa inyo na papasok sa company" wait? Sir?
"Elle, this is Mr. Justin Dylan Lopez our boss, the one who owns the company" hindi ako makapag usap sa sobrang kaba at gulat ko. Paano? Shit. Nakatitig sila parehas sakin pero sa mata lang ako ni Mr. Lopez nakatingin. Ngumiti sya ng pasarkastiko na syang kina nginig ng kalamnan ko. Kinakabahan ako.
"Well I guess you're my business now? Ms. Elle?"
Yung puso ko. Wala akong marinig kundi tibok ng puso ko at sobrang ingay nito.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...