The Chase

21 2 0
                                    

"I've had enough! Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Tapos na tayo! naiintindihan mo ba?"

"Pero, mahal mo ko. Sinabi mo yon at naniwala ako! Sinungaling ka!"

Tiningnan niya ako at sinabi ang mga salitang nagpawasak sa aking buong pagkatao.

"Minahal kita at minamahal parin kita ngayon pero tinapon mo yon lahat. Tiniis ko lahat ng pambabalewala mo, ang mga pagkukulang mo. Alam ko namang di ka akin eh. Hindi ka kailanman naging akin kahit nong naging tayo! Eh sino ba naman ako dba? Isa lang naman akong hamak na ginawa mong panakip butas. Hindi kailanman naging tayo sa paningin mo pero heto pa rin ako. Nagpapakatanga na naman sayo! Pero tama na, pagod na pagod na ako. Kaya sige Drea, ako na ang kusang lalayo. Gusto mo naman to dba? Kaya hayan! Mawawala na ako at sana maging masaya ka na."

Hinabol ko siya at nagmakaawang pakingan ako pero huli na. Nawala ko na siya at alam kong kahit anong hanap ko at kahit makita ko man siya, di na siya babalik. Di na niya babalikan ang taong tulad ko na hindi pinapahalagahan ang mga taong tulad niya. Tulad niyang kayang ibigay lahat para sakin. Sinayang kong lahat. Sinayang ko Siya.

Lumipas ang isang buwan hanggang sa naging tatlo at ganon pa din. Di na niya ako pinapansin. Para bang diring-diri siya sa akin na kahit tumingin at lumapit ng konti ay di niya magawa. Inaamin ko kasalanan kong lahat, ang mga pambabalewala ko, ang mga pagkukulang ko at lahat. Nilalapitan ko siya kahit nagmumukha akong tanga. Halos iniba ko na nga kahit mismo kong sarili para mapansin niya. Kahit na tahimik ako, sinisikap kong maging palakaibigan at medyo maging bibo para mapansin niya ako kahit paano. Palagi akong nagtetext ng mga naghahabaang mga mensahe at nilalagyan ito ng GM sa huli kahit para sa kanya lang yon. Nagtetext ako ng 'Hi' araw-araw kahit wala naman akong natatanggap pabalik. Sinasalihan ko lahat ng mga activity sa church makita lang siya. Nililibot ko madalas ang buong subdivision namin para makita kung nasa bahay ba siya nila. Lahat ginagawa ko makuha lng siya ulit.

Oo, gusto ko siyang mawala. Gusto kong lubayan niya ako kasi pakiramdam ko nagiging panakip butas lang siya at alam kong masama yon. Nasaktan ako at halos hindi nakabangon sa sakit ng aking naramdaman ng iwan ako ni Noah. Tinulungan ako ni Elijah na makabangon at simula noon, naging malapit kami. Kaibigan ang turing ko sa kanya pero higit pa doon ang pagtingin niya. Bilang kapalit, tinanggap ko siya pero sinabi kong magdahan-dahan lng muna kami at sinang'ayunan niya naman yon. Naging kami kalaunan at nagkakasundo naman pero mayroong mga pagkakataon na naaalala ko si Noah at nakakalimutan kong may Elijah pala sa buhay ko. Nakalimutan ko siya at ipinagsawalang-bahala. Nung una iniintindi niya ako lagi pero siguro ganun talaga. Siguro napagod na talaga siya at hindi ko man lang namalayan na nasasaktan at napapagod na pala siya. Nagkamali ako. Maling-mali dahil napatunayan ko ang isang bagay na hindi ko mn lng binigyang pansin kahit nararamdaman ko na pala noon pa. Siguro dahil hindi ko inakala at hindi ko napaghandaan na pwede pala akong mainlove sa taong akala ko magiging panakip butas ko na lang habang-buhay. Masaya ako ng naramdaman ko ito dahil sa wakas maaari na rin akong magpakatotoo sa kanya ngunit nagbalik sa aking diwa ang kanyang likod na unti-unting nawawala sa aking paningin. Saka ko lng napagtanto na huli na pala ako. Umalis na siya ngayong handa na ako.

Ganito ba talaga dapat? Saka nalang ba natin mararamdaman na gusto din natin sila gayong iniwan na nila tayo? Bakit di nalang niya ako tanggapin ulit? Mahal niya ko, mahal ko narin siya. Nagsisisi na naman ako eh. Kaya ko na siyang mahalin. Kaya ko na siyang alagaan. Kakayanin ko na lahat... bumalik lang siya.

Apat na buwan na. Naghihintay pa rin ako. Sa totoo lang, pagod na pagod na rin ako. Na sa tuwing magtetext siya, akala ko para sakin pero GM lang pala at ang mas masakit, may hashtag na pangalan ng babae sa baba. Huli na ba talaga ako? Wala na ba talaga? May iba na ba talaga? Elijah, balik ka na. Kunin mo nalang ulit ako. Please... 

Araw-araw akong tulala at umiiyak. Araw-araw kong pinapanalangin na sana isang araw makita at tanggapin niya ulit ako. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ginagawa ko na lahat-lahat. Sinasabi na nga ng mga kaibigan kong tumigil na ako dahil ang tanga-tanga ko na at nagpapakadesperada na ako para lang sa kanya. Pero hindi, hindi ako tumigil dahil mahal ko siya at alam kong mamahalin niya ulit ako. Alam ko at nararamdaman ko yon.

Hanggang isang araw. Habang kumakain ako sa Jollibee nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya.

Elijah:

"Hi"

Nung mga sandaling yon, alam kong ito na. Magiging masaya na ako pagkatapos. Ewan, isang "Hi" lang naman yon pero parang may iba at alam kong ito na ang hinihintay ko. Nanginginig ako nang magtype ako ng mensahe pabalik.

"Hi din"

Naghintay ako pero hindi na siya nagtext. Siguro nagkamali ako. Siguro huli na talaga ang lahat. Yun ang akala ko...

Nang nag hapon ng araw na iyon, nagtext ulit siya,

"Kumusta?"

"Ok lng naman. Ganun padin"

Madami kaming napag-usapan. Kinumusta niya ko at kinumusta ko rin siya. Hanggang sa..

"Kung babalik ako drea, may babalikan pa kaya ako?"

"Bakit? babalik ka ba?" Hindi ko napigilang wag itanong dahil gusto kong magpakasigurado. Nasaktan na ako at ayokong mas masaktan pag umasa pa ako ng tuluyan. Baka di na ako makabangon.

"Kung sasabihin ko bang mahal pa rin kita, may chance pa ba?"

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Basta ang alam ko mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon at kung sasabihin niyang mahal niya pa rin ako, susugal ako. Tanga na kung tanga pero handa akong magpakatanga para sa kanya. Bahala na.

"At kung sasabihin kong 'oo' may mangyayari ba?"

"Gusto pa din kita"

Halos hindi ko maproseso lahat ng binitawan niyang salita. Totoo na ba to? Ang saya-saya ko dahil sa wakas nakita niya ulit ako. Sa wakas bumalik ulit siya. Kaya hindi na ako nagpakachoosy pa at itinanong kung may gusto ba siyang sabihin.

"Yes Drea, I still love you :)"




Talaga palang lahat ng love stories dadaan sa mga samut-saring problema. Kailangan lang nating pahalagahan ang mga taong nandyan para sa atin. Malay mo, nandyan lang pala siya sa harap mo pero di mo napapansin. Kagaya ko, laging nandyan si Elijah para sakin pero kahit kelan di ko siya napansin hanggang sa umalis siya at iniwan ako. Swerte ko nalang at binalikan niya pa ako. Kaya sana, mahalin natin lahat ng taong nagmamahal sa atin ng totoo. Pahalagahan sila at alagaan. At kung darating man ang araw na iwan nila tayo, gaya ng pag-iwan sa akin ni Elijah, habulin natin sila dahil alam kong kahit san man tayo makarating sa kakahabol sa kanila, I know it's worth The Chase.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon