Prologue
Pagdating sa pagibig, normal na ang pagpapakatanga. Pati na rin ang pagsasakripisyo. Minsan talaga pahihirapan at pahihirapan lang natin ang mga sarili natin para lang makita na masaya ang mga pinakamamahal sa buhay.
Oo, tama. Mahal natin syempre ang mga magulang natin, mga kaibigan, kamaganak, etc. Pero ibang klase nang pagmamahal naman ang tinutukoy ko.
Yung tipong nagpapakatanga na tayo sa mga idols natin. Yung pag may nakikita nating may kasama si bias na girl sa isang photoshoot ganito ganyan, may iba talagang naapektuhan.
Alam naman nating lahat na hanggang pangarap lang yung pagmamahal natin para sa kanila. Pero wala, e. Masakit talaga.
Eto, may ikukwento ako. Love story namin ni bias. (A/N: Charot xD)
Nagconcert yung grupo nila dito sa Pilipinas. And may activities na high touch, fansigning, and such. Syempre, kasama ako.
Pag nagcoconcert sila dito, lagi akong pumupunta kahit minsan Lower box A lang.
Hindi ko pimapalampas yung mga events na kasama sila. And yep. Pati TV shows.
Lumipas ang isang taon, puro spazz nalang ang ginagawa ko. Then nabalitaan ko nalang na may girlfriend na siya.
Ang reaksyon ko? Galit na galit ako nun, tas nalaman ko nalang na umiiyak na pala ako.
Nasaktan ako. Sobra. Iniyakan ko yung issue na yun for 1 week straight. Titigil lang ako for like, 10 minutes then iiyak nalang uli ako.
Nagalit ako nun kasi ang akala ko hindi pwede yung ganun.
Naiyak ako, kasi ang tanga-tanga ko.
Napakalayo ng taong mahal ko.
Pero masaya rin naman ang maging tanga, e. Masasaktan pa rin nga lang tayo.
May fan meeting na naganap, at ginawa at sinabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin.
Haha, tanda ko pa lahat ng sinabi ko sa kanya nun. In Korean ko siya sinabi pero yung translation nalang ang sasabihin ko sainyo.
"Hi. Natatandaan mo pa ba kung sino ako? Ako yung nagbigay ng Mandora plushie sayo nun. Ako yung binigyan mo ng Rosas sa first concert niyo dito. Alam mo, hindi ka gwapo/cute. Kasi mas nakakaakit ka pa kesa dun. Hindi nga rin pala maganda yang ugali mo. Nakakainlove, oo. Nakakainis ka rin, e. Lagi akong pumupunta sa mga events na kasama kayo, oi natandaan mo nga ako. Pero bakit ganun? Mahal na mahal na mahal kita, at ang tanga ko. Sana kahit kaunti mahalin mo rin ako pabalik..."
Hahaha, alam niyo kung anong sinagot niya. P°°°! Nakakat°°°°°°!
'Mahal ko kayong lahat.' Aniya.
Diba? Masakit.
Sana...Sana pag may mahal kang tao, matik na mahal ka rin niya. Para wala nang nasasaktan.
- - WAKAS - -
Note: Mga BH lang at mga in-love sa idols (Kpop idols to be specific) ang makaka-relate dito heheh. xD Mianhae, nakakaiyak kasi yung espren ko e. Siya talaga yung nagbigay inspirasyon sakin dito xD
VOTE
COMMENT
SHARE
AND BE A FAN <333