"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
"Laine, walang TAYO!"
Paulit ulit na naririnig ko sa isip ko ang mga katagang binitawan niya ngayon-ngayon lang. Wow! Nakakainis! Narinig ko nga diba? Bakit kailangan paulit - ulit?
Uo na! Rinig na rinig ko yung sinabi niya. Hindi naman ako bingi at mas lalong hindi ako slow para hindi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero bakit parang hindi yata kayang tanggapin ng puso ko ang mga salitang yun.?
Parang namanhid yata lahat ng cell sa katawan ko dahil hindi ko man lang magawang gumalaw sa aking kinatatayuan habang nakaharap sa kanya.
Ang sakit sakit. Ang sakit- sakit kasi umasa ako na totoo lahat ng yun. Lahat ng nangyari sa amin. Lahat ng sinabi niya sa akin. Ang pagiging sweet at malambing niya kahit nakaharap kami sa maraming tao. Ang paghahatid sundo niya sa akin araw - araw. Ang pagtawag niya sa akin ng "bhaby ko". Ang pagpapakilala niya sa akin sa mga magulang niya. Ang holding hands while walking. Ang oras- oras na pagtawag niya sa akin sa telepono para magsabi lang ng " I MISS YOU." Ang kiss... at ang...................
I LOVE YOU.
Wala lang ba talaga sayo lahat ng yun Mike? Bakit?! BAkit mo ako pinaasa kung wala lang naman pala. Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon? Gusto kitang sampalin at sumbatan. Gusto kitang murahin sa harapan ng mga kaibigan mo ngayon!
Pero kahit sabihin lang ang mga katagang ito sa harapan mo, hindi ko pa magawa.
Tae ka Mike!
Bakit ba hindi ko magawang magalit sayo kahit saglit lang?!
Sige, ako na yung HIGANTENG DUWAG AT DAKILANG TANGA. Magtawa ka na..
Parang akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nakatunghay sa harapan niya. Gusto ng malaglag ng mga luha ko pero pinipigilan ko. Dun naman ako magaling diba? Sa pagpipigil.
Nakakatawa.
Ganito pala ang pakiramdam pag harap harapan kang nirereject ng taong mahal na mahal mo.
NiIlibot ko ang tingin ko sa paligid. Mukhang shock din ang mga kaibigan niya sa sagot na ibinigay niya sa tanong ko. Ang tanong ko? Simple lang naman...
"Ano ba TAYO Mike?"
Hindi ko naman inaasahang ganun kabigat ang isasagot niya.
Huminga ako ng malalim tapos tiningnan ko siya ng diretso sa mata. And then I fake a smile.
"Okay."
Yun yung last word na binigkas ko, tapos tumalikod na ako at tumakbo.
Nakatingin ngayon lahat ng estudyante sa akin pero wala akong pakialam. Hindi ko na mapigilan kasi nagpapaligsahan sa paglaglag ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na masyadong makita ang daan pero sige pa rin ako sa pagtakbo. Gusto kong ilabas lahat ng kirot na nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw at magwala pero wala akong magawa.
Malapit na ako sa gate ng may biglang humila ng mga kamay ko.
Bigla akong napalingon at nakita ko siya.
Nakangiti at parang tuwang tuwa sa nangyayari.
Ganun ba siya kasaya dahil nakita niya akong umiiyak?
E Gago ka pala Mike e! Ganyan ka ba talaga ka manhid at hindi mo maramdamang nasasaktan ako?!
Nagulat ako kasi bigla niya na lang akong niyakap.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pati na rin yung mga teachers na kakapasok pa lang ng school.
"Mike-----------"
"Bakit ka tumakbo? Hindi pa nga ako tapos magsalita."
"Okay na----------------"
"Walang TAYO Laine." nakangiti niya pa ring sabi.
Torture ba to?
Lintik Mike! Nasasaktan ako ohh.......
"Bitiwan mo na ako Mike... please...." sabi ko habang nagbabanta na naman sa pagbagsak ang mga luha kong kanina pa nagsisitalon.
"Walang TAYO Laine.... Wala.."
Isa pa Mike. Napipikon na talaga ako...
"Walang TAYO Laine.... Wala.."
Aba't walang pakiramdam ang gagong to a.
"Ano ba Mike! Kung walang tayo, Edi wala! Hindi naman ako namimilit a.. Kaya bitawan mo na ako "
Binitiwan niya ako tas tiningnan sa mga mata. Kinabahan ako kasi seryoso na ang mukha niya.
"Hindi mo ba talaga ako papatapusin?"
"Ano pa ba tatapusin mo, e wala nga tayo diba?" HIndi ko na napigilang magtaas ng boses kasi nakakairita na.
"Uo nga, wala nga tayo....."
Manhid! Ulol! Gago! Pakshet ka!
Mura nang mura ang isip ko kaya bago pa mailabas ng aking bibig ay tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo.
"Walang tayo Laine...
kasi
ang meron lang.....
"IKAW AT AKO."
Napatigil tuloy ako sa paglalakad.
--------THE END --------
**********
A/N: Pasensya na po kung panget. Alam ko naman pa na di ako kagalingan. First time e. Pero I believe.. that there's no harm in trying. Hihihihihi.
Pwede po ba humingi ng comment kahit maikli lang? Okay lang rin po kung ayaw niyo. At maraming salamat po sa nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang.^_^
-- AMBIJHUSAKO --