Reasonable Doubts

277 8 0
                                    

UNLICALL moment na dapat to, pero mula nang magkahiwalay kami ni Aura, hindi pa rin sinasagot ni Rhonie ang telepono niya. Nakatulog na ako sa bus, na sa bawat gising, wala pa ring reply si Rhonie. Nakapasok na ako sa gate namin. Wala pa rin. Gusto ko lang sabihin kay Rhonie na may nararamdaman akong hindi gusto kay J. Hanggang sa makapasok na ako sa bahay.

Dahil Saturday night, nasa harap ng TV ang buong pamilya habang nanonood ng movie. Katabi ni Mommy Magda si Kuya Arthur niya, at kay Daddy Jim, nakahiga si Annabeth.

"Thur," sabi ni Daddy kay Kuya Arthur. "Pakikuha ang popcorn, luto na yata."

"Ikaw na lang Drei," ipinasa ni Mommy Magda sa akin ang utos.

Hindi ko pa nabababa ang bag ko, hindi pa ako nakakapagbihis, utos na agad ang salubong. Hindi na ako nagreklamo. Nakakahiya nga namang magulo pa ang blocking nila. Isinalin ko na rin ang popcorn sa bowl at inihain. Sanay na ako rito.

"Upo ka na rin," utos ni Daddy. "At tigil-tigilan mo yang sinasalihan mo ha, unahin mo ang pag-aaral mo. Tingnan mo itong si Annabeth, tataas ng grades. Pag nakapasok ito sa school mo, baka gayahin ka at maging pabaya rin."

Maang-maangan na lang ako.

"Tumawag na naman yung Jerdan mo kanina," sabi ni Mommy.

"Hindi ko pa siya Jurdan, Ma," pabulong na sagot ni Andrei. "Atsaka Jordan kasi. J na lang."

Parang hindi napansin ni Mommy ang comment ko.

"Daddy mo nakasagot," tuloy ni Mommy Magda.

Kinabahan ako. Anong sinabi ni J? Hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa Rep Club. Puro review ang paalam ko at maaga ang exam next day. Tiwala naman sila kay Rhonie.

"Dad, kaya ko ito," sabi ko na may pagpapaumanhin. "Okay naman grades ko last year."

"Okay lang ang grades mo last year, hindi pa mataas tapos babawas pa sa oras mo sa pag-aaral yan teatro-teatro na yan," sabi ni Daddy. "Paano kung mawala scholarship mo, pahihirapan mo pa kami ng Mommy mo?"

"Jim, mahirap mag-isa sa kolehiyo," sabi ni Mommy Magda. "Mabuti na yan at hindi girlfriend ang inaatupag."

"Mg-grilfriend ka na lang," sabi ni Daddy. "Baka kung ano pang masagap mo diyan sa sinasalihan mo."

Naintindihan ko ang tinutukoy ni Daddy. Kinabahan ako.

"Magbihis ka na, Drei," sabi ni Mommy.


NAG-RING ang phone ko pag-akyat ko sa kwarto.

"Bakit ka tumatawag?" sabi ni Rhonie. "Kasama ko si Topher kanina. Sorry, hindi ko nasagot."

"Wala naman," sabi ko.

"Wala naman pala," sabi ni Rhonie. "Okay, babay."

"Teka," habol ko.

"Bilis," sabi ni Rhonie. "Kasama ko si Topher."

"Ay, okay, sorry," sabi ko. "Hahaha, wala naman talaga. Sa Monday na lang."

Agad ibinaba ni Rhonie ang phone.

Hindi na ako nakakapagbihis, humiga na lang ako sa kama.

'Nakauwi na ako. Sorry, nakatulog ako sa bus, hindi ko nasagot mga messages at calls mo.' Pinupuno ko pa ang sasabihin kay J. Hindi ko sure kung ise-send o hindi. Tama si Aura, nalilito ako. At si J, hindi nakakatulong ang ginagawa. Bakit may espesyal-espesyal pang nangyayari. Masyado na akong dumidikit sa kanya na nabibigyan ko na yata ng ibang kahulugan at hindi ako dictionary para gawin iyun.

My Move On BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon