I woke up early in the morning to get ready for school. Wednesday na pero wala pa rin akong natatanggap na message kay Dan. Hindi naman sa nagde-demand, naisip ko lang na kaya niya kinuha yung accounts ko and number kasi magme-message siya. Pero wala pa rin. Sinuot ko ang uniform ng Aurume University, which is where I study. Monday, Wednesday, and Friday kasi mandatory mag-uniform. Other days hindi naman.
When I got inside my car, I checked the time first. Maaga aga naman akong nagising, may oras pa siguro ako para dumaan sa coffee shop. Meron akong go-to na coffee shop, called Détendre Coffee Shop. Ang sabi ng co-owner don, na madalas kong ka-kwentuhan, kaya daw Détendre ang pangalan ng coffee shop dahil na-search lang daw nung owner na babae. Maliit na coffee shop lang siya pero sobrang relaxing. I sometimes go there to study. Kilala na ako ng mga tao doon at alam na rin nila ang order ko. Sa sobrang dalas ko ba namang magpunta doon e.
Nang dumating ako doon ay binati ko muna ang mga nagtra-trabaho. Lumapit agad ako sa cashier para umorder.
"Hi Mirella!" Bati sa akin ng co-owner na si Kuya Breech. Kaya Mirella ang tinatawag nila sa akin dito ay dahil 'yon ang sinusulat nilang pangalan sa cup.
"Hi Kuya Breech. Alam mo na ang order ko ha," I said while chuckling.
"Of course! One Iced Vanilla Latte coming right up!" Sabi niya habang nakangiti sa akin habang nakataas pa ang hintuturo. Tumalikod naman siya para ibigay ang order ko sa gagawa.
"Where's Ate Chelle?" I said while looking around the shop, wala pa masyadong tao dahil maaga. Si Ate Chelle yung owner na asawa ni Kuya Breech.
"Nagbabakasyon muna kasama ng pamilya niya. Kaya ako muna ang makikita mo rito ng madalas." Tumawa naman siya ng malakas at natawa na rin ako sa tawa niya.
"I'll take a seat, Kuya Breech," Pagpa-paalam ko sakaniya at tiyaka tumalikod para humanap ng mauupuan.
Pagkatalikod ko ay may nabunggo ako, may nakasunod na pala sa pila.
"I'm sorry--oy Dee! Hilig mo talaga kong bungguin 'no?" It was Dan. He was wearing their uniform. Nakasabit rin sa isang braso niya yung itim na bag niya.
"Hi Dan," I said while waving at him.
"Oh? Dan! Magkakilala kayo ni Mirella?" Bati ni Kuya Breech sakaniya. Bakit niya kilala si Dan? Hindi ko naman siya madalas na makita rito.
"Hi tito! Sinong Mirella? Walang akong kilalang ganon," he said looking confused. Hindi niya alam na ako 'yon.
"Tanga, ayan oh, kausap mo." Tinuro ako ni Kuya Breech at napalingon naman sakin si Dan na naguguluhan pa rin.
"Tito naman minsan nalang tayo magkita tina-tanga mo pa ko," Dan said while pouting. "Mirella? Pinagsasabi nito, Dee?"
"Ah, it's my first name," sagot ko naman sakaniya.
"E? Ang ganda pakinggan ah."
Tinanguan ko nalang siya at nagpaalam na uupo na. Pagkaupo ko ay na-serve na agad yung kape ko. Sumilip ako sa labas at pinagmasdan nalang yung mga dumadaang kotse.
Sumagi na naman sa isip ko si Nick. Biglaan nalang parang gusto kong umiyak, tinutusok yung lalamunan ko e. Three years din 'yon, ano kayang nagawa ko? Bakit kaya nag-loko 'yon? Huminga nalang ako ng malalim at humigop ng kape ko para mawala yung sakit sa lalamunan ko.
"Can I join you?" Inangat ko ang ulo ko at tumambad sakin ang mukha ni Dan. Tumango nalang ako at sinenyas ang upuan sa kabilang side ng lamesa. "Kumusta ka naman? Nagkikita pa rin ba kayo ni Justin?" Sabi niya at tiyaka humigop sa inorder niyang frappe.
"Hindi na, hindi ko naman siya maco-contact e," sabi ko habang hinahalo ang kape ko gamit ang straw. "You?"
"Siyempre magkikita kami. Blockmates kami e." He laughed.
"No, I mean, you haven't called me yet." Iniwas ko ang tingin ko sakaniya. Baka naiisip na niyang demanding ako gosh. Ano ba kasing sinasabi ko? "Uhm, wag mo na pala sagotin--"
Naputol ang pagsasalita ko nang tumawa siya ng malakas. I looked at him in confusion. Bakit tumatawa 'to?
"Ang cute mo," he said and continued to laugh.
Hindi ko pa rin gets kung bakit siya tumatawa pero hinayaan ko nalang. Masaya siya diyan e, pagbigyan. Tinignan ko lang siya habang tumatawa. Pero naagaw ng pansin ko yung wall clock sa likod niya.
Shit! Kapag nagtagal pa ko malelate na ko. Niligpit ko kaagad yung gamit ko. On the way ko nalang uubusin yung kape.
"Dan, mauuna na 'ko, baka ma-late pa 'ko sa klase ko." Tumayo na ako at hinanda yung mga gamit ko. I checked again to see if I forgot something. Mukhang wala naman.
"Hatid na kita sa labas. Paalis na rin naman ako e," sabi ni Dan at nag-ayos na rin ng mga gamit niya. Nang tumayo siya ay nauna na akong maglakad, habang siya naman ay nakasunod sa likod ko.
"Bye, Mirella! Bye, Dan! Ingat kayo!" Kumakaway si Kuya Breech sa amin at kumaway naman kami pabalik. Pagkalabas ay hinanap ko agad ang kotse ko.
"Sorry to leave suddenly, Dan."
"No, okay lang. Kung hindi mo pa sinabi baka na-late na rin ako." Tumawa siya ang kinamot ang gilid ng ulo niya.
"Sige, next time nalang ulit, Dan. Bye!" Huling sabi ko at pumasok ng kotse.
Pagkapasok ko ay kumakatok si Dan sa bintana ng kotse ko. Binaba ko naman 'yon para malaman ang sasabihin niya.
"I'll be sure to call you, Mirella."
__________

YOU ARE READING
Sparks Fly (Détendre Series #1)
RomanceMirella Hernandez, known to be a strong and bold woman. Although, she is in college and still learning, it is acknowledged that she is very talented in her selected course. She faces the aftermath of her three-year-long relationship break up. Along...