Kabanata 10

1.2K 88 6
                                    

Isang masamang tingin ang pinukol niya sa papalapit na bodyguard niya na si Hessah.

Damn her. Akala niya kung saan na ito nagpunta!

Why,Gabrielle? Bigla ka ata naging concern sa kanya?

Lalo dumilim ang anyo niya. No,he is not fucking concern about her!

"Where the hell have you been?!"galit niyang sita rito." Bakit wala ka man lang celphone na dala? Paano kita kaagad makokontak kung kailangan kita?!"pagtaas niya ng boses rito.

"Sorry,Sir..sabi mo kasi maghanap ako ng lugar na hindi ako makakaabala sa inyo,"kalmante nitong tugon.

Naningkit ang mga mata niya. "Oo pero hindi ko sinabi magpakalayo-layo ka,"madiin niyang tugon rito.

Tumataas-baba na ang dibdib niya dahil sa halong-halo emosyon. Inis at frustration dahil hindi niya ito kaagad nakita.

Natigilan siya ng bigla na lamang nito nilapat sa tapat ng puso niya ang palad nito.

Nahigit niya ang hininga at umawang ang kanyang mga labi.

"What the hell you're doing?"mahina niyang saad gulat sa ginawa nitong iyun.

"Pinapakalma ka,Sir.."

Napakurap-kurap siya at nararamdaman niya na unti-unti kumakalma na nga siya.

Nakatitig lamang siya sa mukha ng dalaga habang nanatili ang palad nito na nakalapat sa dibdib niya.

"Normal na ulit ang tibok ng puso mo,Sir.."usal nito sabay tingin nito sa mga mata niya.

Ngayon lang niya natititigan ng matagal ang mukha ng babae. Lalo na ang mga mata nito. It's so dark. Kasing-itim ng gabi ang mga mata nito at tila pamilyar iyun sa kanya.

Parang nakita na niya ang mga matang iyun at hindi niya lang alam kung saan.

"Sir?"untag nito sa kanya.

Nang matauhan siya agad na hinawakan niya ang pulsuhan nito at siya na ang nag-alis niyun sa dibdib niya.

"Sa...susunod kapag hinanap kita agad ka lalapit,naiintindihan mo?"malamig niyang sabi rito.

Tumango ito kaagad. "Noted,Sir.."

Mabilis na tinalikuran niya ito at sumunod naman ito sa kanya.

Naikuyom niya ang mga palad.

Paano siya nito napakalma ng ganun kabilis? Posible bang mapakalma siya nito gamit lang ang palad nito?

Damn,what the hell is she?

And...she look so familiar?

Nagugulumihan pa rin ang isip niya hanggang sa makauwi siya at nakatitig sa kisame ng silid niya.

Wala sa sarili na inilapat niya ang isang palad sa tapat ng puso niya at naalala ang ginawa nito para pakalmahin ang puso niya.

"That's why i hate her..may ginagawa siya sakin,"usal niya sa kawalan.

Mariin na ipinikit niya ang mga mata at napadilat din makarinig siya ng kung anong galabog sa labas.

Mabilis na bumangon siya upang alamin kung anong ingay yun.

"Ahh!! Shit! Sandali masakit!!!"

Nanlaki ang mga mata niya sa nadatnan na eksena.

Mariin na hawak-hawak ni Hessah ang mga kamay sa likod ng lalaki na nakalapat ang harapan nito sa pader.

"Shit! Gabrielle! Nasaan ka ba?!"nasasaktan ng sigaw nito.

Agad na nilapitan niya ang mga ito.

"Bitawan mo siya,he's my friend!"

Natigilan siya ng makita ang anyo ng dalaga.

Her eyes..may kung anong kilabot na gumapang sa buong katawan niya.

Alam niyang maiitim ang mga mata nito pero hindi ganun..mapanganib ang nakikita niya sa mga mata nito.

Unti-unti naman nito pinakawalan ang kaibigan niyang si Alex.

Nakangiwi ito habang hawak-hawak ang kamay nito.

"Muntikan mo na ko mapilayan ah! Kung hindi ka lang babae baka pinatulan na kita ngayon!"galit na sita nito kay Hessah at hindi niya nagustuhan ang inasal ng kaibigan rito.

"Alex,enough! Ginawa lang niya ang trabaho niya,"saway niya sa kaibigan.

Napanganga ang kaibigan niya sa sinabi niyang iyun.

"Tss.."sikmat nito sa kanila.

"Pasensya na,akala ko magnanakaw ka eh,"turan ni Hessah rito habang nakahalukipkip ito.

"Bullshit! Sa hitsura kong ito magnanakaw?! Baka halikan kita dyan at malaman mo kung sino inaakusahan mong magnanakaw!"angil nito na kinainis niya.

Hinablot niya sa kwelyo ang kaibigan na nabigla sa ginawa niya at hinila ito papasok sa kwarto niya.

"Dude! What the hell?!"galit nito sita sa kanya pagkabitaw niya rito.

"Damn you,huwag mong pagsasalitaan ng ganun ang bodyguard ko kung ayaw mong ako ang pumilay sayo,"mariin niyang sabi rito.

Napamaang ito sa sinabi niya at natigilan siya ng matanto ang sinabi niyang iyun.

What,Gabrielle? Pinagtatanggol mo ngayon ang bodyguard mo?

"Are you fucking seriously,dudes?"

Frustrated na napahilamos siya sa mukha niya at sinamaan niya ito ng tingin.

"Ano ba kasi ginagawa mo rito ng ganitong oras? Hindi ka man lang nagdoorbell?"

"Tss,suprise visit,dudes!"

"Sa kalokohan mo,ayun napala mo,"aniya.

Umiling ito. "Infairness ang hot ng bodyguard mo,dudes!"

Tumalim bigla ang mga mata niya rito at tumawa ang kaibigan. "What? Nainis lang ako kanina pero..damn,ang hot niya!"

Binato niya ito ng unan. "Gago!"

Tumatawang nasalo nito ang unan.

"Kaso nakakatakot.."maya-maya saad nito. "Masyado siyang malakas parang hinding babae,"anito sabay iling.

Natigilan siya ng maalala ang nakita niya kanina sa anyo ng babae.

Agad na pinalis niya sa isip ang nakitang niyang iyun. Hindi niya gusto iyun. Nakakabahala.

"Kailan ka pa dumating dito sa pilipinas?"pag-iiba niya ng usapan.

"Kahapon lang ngayon lang ako bumisita sayo kasi dumaan muna kina mama,"agad na tugon nito.

Tumango siya at bumuntong-hininga atleast may kasama niya ngayon at hindi siya maliligalig ngayon gabi dahil bukod sa kanila ng bodyguard niya nandito ang kaibigan niya.

"Let's get some drinks,bigla ako nauhaw sa nangyari kanina,uh,ikaw na pala kumuha baka nasa labas siya eh,"bigla nabahag na turan nito.

Napailing siya at lumabas na para kumuha ng maiinom nila. Agad na nakita niya na nasa salas ang babae kung saan ito pumupwesto para magpahinga.

Pinakiramdaman niya ito. Nakapikit na ito habang paupo itong natutulog sa sofa.

Bigla may kung ano guilt siya nararamdaman sa ayos nito.

Damn..

Nagmamadali na kinuha niya ang isang bote ng alak at dalawang baso sa minibar niya.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon